Chapter 10

8.2K 161 5
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 10

"WOW!" tanging na sambit ni Light matapos magkwento si Sonia. 'Swerte rin pala ang dala ng dalaga sa kanya kahit papaano.

He smiled when he saw her smiling. Then she bite her lower lips and bow her head when his eyes meet hers.

"Thanks for your help, anyway. Nang dahil sa'yo na-accomplish ko rin ang kagustohan ni Lola." He smiled once again.

"Okay lang, kasalanan ko rin naman kaya na-delay 'yong-alam mo na." natatawang napakibit ng balikat ito. "Oo nga pala, kailangan ko nang umalis," dagdag pa nito na nakatingin sa wrist watch nito.

"Ihahatid na kita kung ganoon." alok niya na nauna nang tumayo.

"Huwag na lang, maaabala ka pa."

"No, I insist okay?"

Napabuntong-hininga na lamang ito at napakibit-balikat. "Okay, namimilit ka, eh," anitong tumawa nang mahina.

NAPATINGIN si Light sa kanyang cell phone nang magring iyon. Napangiti pa siya nang mabasa ang pangalan ni Sonia sa screen niyon. "Moment," baling niya sa kanyang sekretaryang nakatayo sa harap ng table niya saka sinagot ang tawag ni Sonia.

"Hello?"

"Hello, honey?"

"What?" napakunot-noo siya sa tawag nito. "Okay ka lang ba?"

"Honey, ahm...n-nabasa mo ba ang message ko sa'yo?"

"Message? Nope, babasahin ko pa lang. Ano ba ang meron at-hello? Hello, Sonia?"

Napatingin siya sa kanyang cell phone nang mawala ang dalaga sa kabilang linya. Saka niya nakita na meron siyang mensahe mula sa rito. "That's all for today, Hanna." Baling muna niya sa kanyang sekretarya bago binasa ang mensahe ni Sonia.

"Light, I'm sorry for this, pero, 'pwede ka ba munang pumunta rito? Gusto ka kasing makilala ni Mama at nandito kami sa Rockstar Cafe ngayon. Sorry talaga at naabala pa kita. Just this once Light, please. Hope you'll come. I'm waiting."

He smiled after reading her message to him. "So, she needs me. Hmm..." Ini-imagine niya kung ano ang mukha ng dalaga habang kausap siya nito kanina sa kanyang cell phone.

Malamang namumula ito nang tawagin siya nitong 'honey'. Napangiti siya muli saka tumayo at lumabas ng kanyang opisina para puntahan ang dalaga.

Dumating si Light sa Rockstar Café pagkalipas ng labin-limang minuto. Agad siyang umakyat sa second floor kung saan naroon sina Sonia at ang mama nito. Namataan niya kaagad ang mag-ina na nakaupo malapit sa glass wall at napangiti siya nang magsalubong ang paningin nila ni Sonia.

"Honey!"

Kumaway ito sa kanya at tumayo para salubongin siya. "Honey, 'buti at nakarating ka," wika pa nito na yumakap sa kanyang braso. "Oo nga pala, huwag mong banggitin kay Mama na ikaw ang may-ari ng Golden TRE Hotel, ha?" bulong pa nito habang palapit silang dalawa sa mesa kung saan nakaupo ang ina nito.

"But, why?" napakunot noo siya.

"Basta," mahinang sagot nito.

Napakibit balikat na lamang siya na sumunod dito hanggang sa makaharap nila ang ina nito na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanila.

"Ma, si Light po, b-boyfriend ko. Honey, si Mama," pakilala nito na hindi pa rin inalis ang mga kamay nitong nakayakap sa kanyang braso.

"Magandang araw po, ikinagagalak ko po na makilala kayo," nakalahad ang kanang kamay na wika niya. Napatayo naman ang ginang at nakipagkamay sa kanya saka muling umupo.

"Hindi ba kayo uupo?" tanong ng ginang na itinuro ang silya.

"Ay, oo nga pala." Si Sonia na tila natataranta. Kaya siya na ang kusang ipinaghila ito ng silya at pinaupo muna bago rin niya ipinghila ng silya ang sarili.

"Light," sambit ng ginang na nakatingin sa kanya.

"Yes po, Tita?"

"Kailan pa naging kayo ng anak ko?"

"Noong isang buwan lang, Ma." Mabilis na sagot ni Sonia na pilit na ngumiti sa kanya.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Sonia." Baling nito sa dalaga at muling ibinalik ang paningin sa kanya."Ilang taon ka na?"

"Twenty six, po."

"Anong trabaho mo?"

"Ma, tikman niyo po itong chocolate cake nila rito. Masarap po 'to Ma," pag-iiba ni Sonia sa usapan na iniabot ang platitong may lamang cake sa ginang.

Sandali namang natahimik ang ina nito matapos tanggapin ang inabot ni Sonia ngunit hindi naman nito nagawang galawin ang slice ng cake na inorder ng mga ito.

"Dederatsahin na kita Light, nandito ako para sabihin sa'yo na-,"

"Ma, please," Pigil ni Sonia na inilapag ang hawak na taza ng kape nito.

"Tumahimik ka Sonia, hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa lalaking ito. Mukha pa lang halata ng babaero itong boyfriend mo."

"Ma! Hindi naman po babaero si Light."

"Hindi?" Mahinang tumawa ang ginang. "Hindi mo ba naalala ang nangyari Sonia? Ang sabi mo isang buwan mo na siyang boyfriend at noong isang araw lang ay sinampal siya ng babae sa harap mo mismo. Ano ang ibig sabihin niyon? Dalawa kayong babae sa buhay niya at the same time?"

"No, mali po kayo nang pagkakaintindi, Tita. Mahal ko po ang anak ninyo at hindi ko po siya niloloko. And about that woman last time, she's not my girlfriend anymore nang maging kami ni Sonia," pagtatanggol niya sa sarili.

Napaisip tuloy siya kung tama ba ang ginawa niyang pagpanggap na boyfriend ng dalaga? Gusto tuloy niyang pagsisihan kung bakit pa siya nagpresintang tulongan ito sa problema nito. 'Ayon tuloy at pati siya ay nagkaproblema sa kasinungalingan nilang dalawa. Lihim siyang napabuntong hininga na napasandal na lamang sa kinauupuan niya.

"Ma, hayaan niyo na po kami ni Light. Ang importante po nagmamahalan kaming dalawa at may tiwala naman ako sa kanya. I know he loves me as much as I love him. So don't worry about us Ma, okay?"

Napabaling siya kay Sonia nang magsalita ito. Masarap kasi sa pakiramdam niyang pakinggan ang sinabi nito kung totoo lang sanang magkasintahan silang dalawa. Ngunit hindi niya naiwasan manghinayang sa isiping ang lahat ng iyon ay palabas lamang para huwag itong ipakasal sa taong hindi nito mahal.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon