Chapter 14

7.4K 160 1
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 14

"WELCOME home, my dear daughter," nakangiting salubong ng ina ni Sonia sa kanya nang makita siya nito sa hallway patungong lanai. "Ipinalinis ko na ang kwarto mo kay Louelle dahil alam kong ngayon ang dating mo rito sa-,"

"Ma, please, let's stop this," aniyang huminto sa harap ng kanyang ina. "Alam niyo naman po na ayaw kong magpakasal kay Leandro, but still, itinuloy mo pa rin ang plano niyong ikasal kaming dalawa. And I know you planned this, ang pagbawi sa apartment ko para umuwi ako rito. Pero, Ma, hindi niyo ba naisip na kahit na bawiin mo pa ang lahat-lahat na ibinigay mo sa akin ay hindi rason iyon para pakasalan ko si Leandro?" mahina siyang tumawa sa hindi nakapagsalita niyang ina. "Ma, my answer is still no and please, tanggapin niyo na ang katotohanang iyon na hindi si Leandro ang taong pakakasalan ko."

"I'm doing this for your own good, Sonia." Wika ng kanyang ina na tinalikuran siya at bumalik sa lanai.

Sinundan naman niya ang ina at naabutan niyang umupo ito sa isa sa mga silyang naroon. "For my own good, Ma?" aniyang umupo sa harapan nitong silya.

"Yes, Sonia. I'm doing this for your own good and I want to secure your future while I am still alive."

"No, Ma! This is not for my own good! Dahil isipin ko pa lang na ipapakasal mo ako sa taong hindi ko mahal ay para na akong nasasakal, Ma! Pakiramdam ko ay isa akong inutil at walang kwentang tao na naging sunod-sunuran na lang sa lahat ng gusto mo!" Hindi niya napigilan ang sarili at napataas ang kanyang boses nang sagutin ang ina. "Ma, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko."

"Huwag mong sabihin sa akin na kaya mo nang buhayin ang sarili mo, Sonia, dahil kung tutuusin ay sa akin pa rin nanggagaling ang lahat ng mga panggastos mo sa bahay!" napataas na rin ang boses ng kanyang ina na napatayo pa mula sa pagkakaupo nito sa kaharap niyang silya. "Bakit Sonia? Gaano ba kalaki ang kinikita mo bilang isang nobelista para sabihin mo sa akin na kaya mo nang buhayin ang sarili mo? Bakit? Araw-araw ba ay may nabubuo kang istorya at naipapasa ang mga iyon sa pub house para pantustos sa pangangailangan mo?" mahina itong tumawa. "Sonia, imulat mo ang mga mata mo sa reyalidad na wala kang mapapala sa pagsusulat lang at wala kang kinabukasan kung iyan lang ang inaasahan mo para umasenso!"

Tila sampal sa kanyang mukha ang lahat ng binibitiwang salita ng kanyang ina. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya dahil sa sobrang sama ng loob dito. Paano nito naipamukha sa kanya ang kinahiligan niya bilang isang nobelista? At inaamin niyang malaki nga ang tulong ng pera nitong inilalagay sa account niya kaya natustusan niya ang kanyang pangangailangan sa araw-araw at maging sa pagbayad nito sa apartment na kanyang tinitirhan ay sa tingin niya hindi sapat iyon para ipamukha sa kanya na parang wala siyang kwenta at kinabukasan sa pagiging nobelista niya.

"Kaya mo ako pinipilit na ikasal kay Leandro nang dahil lang doon, Ma? Inaamin kong hindi ganoon kalaki ang nakikita ko sa pagsusulat pero doon ako masaya, Ma. Masaya ako sa ginagawa ko kahit kakarampot lang ang kinikita ko. At hindi rason ang kakarampot kong kita para pakasalan si Leandro, Ma. Para ano pa ang pagpapakasal ko sa kanya kung hindi naman ako maligaya sa piling niya? Mas nanaisin ko pang magpakasal sa taong walang pera atleast pareho kaming maligaya kaysa sa pagpapakasal sa taong maraming pera na hindi naman kami maligaya. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Ma?" halata sa boses niya ang hinanakit nang sabihin ang mga iyon sa harap ng kanyang ina.

"Whatever! Basta't sundin mo na lang ang gusto ko, Sonia!"

"No!" malakas niyang tanggi sa ina. "Ayoko at buo na ang desisyon ko, Ma! Kahit bawiin niyo pa ang lahat-lahat sa akin, kahit na matulog pa ako sa bangketa ay hinding hindi ako magpapakasal kay Leandro! I'm sorry for this Ma, but my decision is final. And if you excuse me, I have to go."

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon