Chapter 18

8.1K 170 4
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 18

HINDI magawang tingnan ni Sonia si Light nang matapos nitong kausapin ang tumawag sa cell phone nito ay lumabas ito sa kwarto. Saka siya napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili na kanina pa nalilito at hindi mapalagay.

"What the hell have you done, Sonia? Nababaliw ka na ba at nagawa mo ang bagay na iyon? Ano na lang ang sasabihin sa 'yo ni Light? Na pa-hard to get ka pa, eh, bibigay ka rin naman pala?" agad niyang sikmat sa sarili na sinabunutan pa ang sariling buhok.

Mabilis na bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa kanila ng binata at mabilis na nag-init ang kanyang mukha. Hiyang-hiya siya sa nangyari lalong-lalo na sa kanyang sarili. Ano na ngayon ang mukhang ihaharap niya rito? Baka isipin nito na may gusto siya rito.

Muli siyang napabuga ng hangin at hindi alam ang gagawin. Lalo na nang marinig niya ang mga yabag ni Light na pabalik na sa kwarto kaya mabilis siyang tumakbo papasok sa banyo. Nang sa ganoon ay maitago niya ang kanyang sarili mula rito dahil sa sobrang pagkapahiya.

Narinig niya nang tawagin nito ang kanyang pangalan, kasunod niyon ay ang mahihinang katok sa pinto ng banyo kaya napilitan siyang lumabas para harapin ito. Besides, hindi naman siya pwedeng manatili sa banyo ng buong araw.

Nakita niya si Light na nakatalikod sa kanya at sa kamay nito ay may hawak na tatlong malalaking paper bag. Humarap ito sa kanya nang marinig ang pagbukas ng banyo at agad nitong itinaas ang hawak na paper bag sa kanya.

"Here, nagpabili na ako ng maisusuot mo at sana lang ay magkasya ang mga pinamili ni Hanna para sa 'yo."

"H-Hanna? S-sinong Hanna?"

"My secretary, I called her last night para bumili nang magagamit mo," sagot nitong ibinigay sa kanya ang mga iyon.

Iniwas naman niya ang kanyang paningin nang tanggapin ang mga paper bag at napakagat labing nagpasalamat sa binata. Sa sarili niya ay mas lalo siyang nakaramdam nang pagkapahiya sa maaaring isipin ng taong inutusan nito para mamili nang gamit niya.

"Sige na, tingnan mo muna 'yan kung kasya sa 'yo. Sa kusina lang muna ako at maghahanda nang makakain natin," mayamaya ay sabi nito.

Napayuko na lamang siya bilang sagot hanggang sa lumabas na ang binata sa kwarto at naiwan siyang mag-isa roon. Agad niyang tiningnan ang laman ng paper bag at nag-init ang kanyang mukha nang tumambad sa kanya ang ilang pares ng underwear. Sa isang paper babag naman ay limang pares na pambahay, tatlong blouse, tatlong skirt at dalawang bestida. Habang sa isa pang paper bag naman ay dalawang box na naglalaman ng isang pares na high heels at flat sandal.

Napatingin siya sa nakapinid na pinto ng kwarto kung saan lumbas si Light at muling napakagat sa sariling labi. Paano na lang kung wala si Light? Saan na kaya siya ngayon? Laking pasasalamat pa rin niya at nasa tabi niya ng binata ngayon. Kahit paano ay masabi niyang may taong nagmalasakit sa kanya sa oras na walang-wala siya.

Pero, dahilan na ba iyon para payagan niya ang sarili sa kanina lang ay nangyari sa kanila ng binata?

Muling nag-init ang kanyang mukha at pilit naiwinaksi sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng binata kani-kanina lang. Saka siya napatingin sa wall clock at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang malamang alas nuwebe na pala ng umaga. Kaya nagmamadali siyang kumuha ng kanyang maisusuot at pumasok muli sa banyo para maligo.

HINDI mapakaling panay ang tingin ni Light sa wall clock ng kanyang opisina. Nagmamadali kasi siyang magtanghali na para makauwi at doon na mag-lunch sa condo niya. Kung maari nga lang na huwag na siyang mag-report sa office niya ay sana ginawa na niya para lang makasama si Sonia buong araw. Pero hindi niya maaring gawin iyon. Lalo na't ini-expect ng Lola niya ang presensiya niya sa hotel dahil sa susunod na araw na nito ipapaalam kung sino na ang magiging bagong CEO ng Golden TRE.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon