Chapter 6

9.1K 138 11
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 6

NAKANGITING nagpasalamat si Sonia sa waitress nang mailapag nito sa kanyang harapan ang order niyang orange juice. Nasa restaurant siya ng Golden TRE Hotel para makipagkita sa mama niya. Napatingin siya sa kanyang cell phone nang mag-ring iyon. Napakunot siya ng kanyang noo nang mabasa ang pangalan ni Light sa screen at kanya iyong sinagot."Hello?"

"Where are you?"

"Bakit?" Balik tanong niya rito.

"I have something to ask you about the documents that you left yesterday. And of course, gusto ko ring magpasalamat sa 'yo ng personal nang dahil doon.'Pwede ba tayong magkita?"

"Ha? Ahm, hindi ako 'pwede ngayon, eh. May appointment kasi ako," napakagat sa labing sagot niya.

Hindi kasi niya masabi na nasa hotel lamang siya nito at naghihintay sa kanyang ina. Baka isipin pa nito na panay ang balik niya sa hotel kung saaan ito nagtatrabaho. Ewan ba kasi niya sa kanyang ina at sa dinami-rami ng mga hotel ay ang Golden TRE pa ang madalasan nitong puntahan.

"I see... eh, baka 'pwede ka after ng appointment mo? Nasaan ka ba nang mapuntahan kita kapag tapos na ang-,"

"Huwag na," agaw niya rito. "M-malayo kasi ako at baka maabala pa kita. Bukas na lang ng hapon para free ako," dagdag pa niya nang makita niya ang kanyang ina na papasok na sa restaurant. Kaya nagpaalam na rin siya sa binata at sinalubong ang kanyang ina.

"Mabuti naman at sumipot ka, last time we've met, you left me here. Napahiya tuloy ako kay Leandro." Salubong kaagad ng kanyang ina na hindi itinago ang pagdaramdam sa kanya. Nakunsinsya tuloy siya sa kanyang ginawa.

"Ikaw naman kasi Ma, eh, ano naman ang inaasahan mong gagawin ko? Binigla mo ako sa balita mong ipapakasal ako kay Leandro. Tapos sasabihin mo pa na iharap mo ako kay Leandro uramismo," nagtatampo rin na sagot niya.

"Sonia, para naman ito sa 'yo ang ginagawa ko. Hindi mo ba nakikita ang punto ko?"

"'Ma, 'pwedeng maupo muna tayo bago natin pag-usapan ang tungkol diyan?" Napabuntong hiningang itinuro niya ang bakanteng silya. Pagkatapos ay naupo na rin siya at tinawag ang waitress. Umorder na rin siya para sa kanyang pananghalian dahil hindi pa naman siya kumain nang umalis siya sa kanyang apartment kanina. Tinanghali na kasi siya ng bangon dahil inabot siya ng madaling araw sa kakatipa ng bago niyang manuscriptkagabi. At mensahe naman ng kanyang ina ang sumalubong sa kanya pagkagising niya kanina. Kayadito na rin siya tumuloy sa hotel na siyang sinabi ng kanyang ina.

Pagka-serve ng kanilang orders ay agad siyang kumain habang nakikinig lamang sa mga kwento ng kanyang ina tungkol sa kanilang flower shop na minamanage nito kasama ang kanyang nakakabatang kapatid na si Shyla. Kapatid niya ito sa pangalawang asawa ng mama niya at iyon din ang rason kung bakit siya bumukod at namuhay mag-isa dalawang taon na ang nakalipas.

Gusto kasi niyang maging independent at huwag umasa sa tulong ng pangalawang asawa nito kahit na hindi naman siya itinuring na iba ng step father niya.

Isa pa kumikita na rin naman siya bilang nobelista kaya ipinilit niya sa mama niya na kaya na niyang buhayin ang kanyang sarili. Ngunit hindi yata kumbinsido ang kanyang ina at napag-isipan pa nitong ipakasal siya sa kababata niyang si Leandro na siyang pinakaayaw niyang mangyari.

"Oo nga pala, parating na ang Tita Mia mo kasama si Leandro para pag-usapan ang kasal niyong dalawa."

"Ano!? Ma naman, eh. Bakit hindi niyo sinabi sa akin na parating sina Tita?" nabiglang bulalas niya nang mayamaya ay nagsalita ang kanyang ina. Inabot niya tuloy ang basong may malamig na orange juice at uminom bago muling binalingan ang ina. "At saka ayokong makaharap si Leandro ngayon."

" Bakit ba iniiwasan mo si Leandro? Dati-ratipalagi naman kayong magkasamang dalawa 'di ba?"

"Noon 'yon Ma, iba na ngayon. Kung hindi niyo sana ako ipinagkasundo kay Leandro, eh, 'di sana may mukha pa akong ihaharap sa kanya. Pero ngayon, anongpagmumukha ang ihaharap ko sa kanya? Lalo na't ayokong magpakasal sa kanya?" Pagdadahilan niya at inayos ang kanyang gamit.

"Huwag ka ngang over acting, Sonia, at huwag mo na ulit akong ipahiya this time, okay?"

"No, Ma. Hindi ako nag-iinarte at sorry, dahil sa tingin ko ay mapapahiya ulit kayo sa harap ninaLeandro."

"Sonia!?" napamulagat na sambit ng ginang. "Don'tyou dare to disobey me this time dahil pagsisihan mo ito'pag nagkataon." pagbabanta nito, ngunit hindi niya pinakinggan ang kanyang ina.

Tumayo siya matapos abutin ang kanyang bag para umalis na lamang sa restaurant na iyon bago pa siya maabutan ng mag-inang Leandro at Mia. "I'm sorry Ma, but I can't face them. Thanks for the lunch but I really have to go," wika niya at tumalikod na. Nakailang hakbang pa lamang siya nang muling bumalik sa mesa nilang mag-ina. "H-hindi niyo po ako mapipilit na magpakasal kay Leandro, Ma. D-dahil may mahal na akong iba." Pagsisinungaling pa niya.

Naisip kasi niya na baka makalusot ang drama niya at tantanan siya nito. Wish niya lang na huwag na itong magtanong tungkol sa mahal daw umano niya dahil wala naman talaga siyang maihaharap dito.

"Anong sinabi mo?"

"May boyfriend na ako, Ma, at hindi ko siya ipagpapalit kay Leandro. I love him and he's the one that I want to spend my life with. The one I truly loved Ma, and not Leandro." Dagdag pa niya at muling nagpaalam sa kanyang ina na hindi nagawang magsalita dahil sa pagkabigla.

Malamang nagulat ito sa sinabi niya dahil kahit minsan ay hindi naman siya nag e-entertain ng manliligaw. Ngunit ngayon ay may instant boyfriend na siyang sinasabi rito.

Palabas na siya ng restaurant nang tawagin siya ng kanyang ina. Nasa likuran na pala niya ito at sinundan siya pero disidido siyang umalis sa lugar na iyon sa takot na maabutan siya nina Leandro. Kaya patuloy lamang siya sa paghakbang palabas ng restaurant nang biglang may humawak sa braso niya. At ganoon na lamang ang pagkagulat niya at pagsirko ng puso niya nang makilala ito. "L-Light, what are you doing here?" biglang tanong niya-------------

Read the continuation of Chapter 6 at

http://booklat.com.ph/story/3193

Nasa BOOKLAT po naka-POST ang kabuo-an ng bawat Chapter ng story na ito.. :D

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon