Chapter 11

8.8K 138 2
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 11

NAPAKAGAT sa kanyang labi si Sonia nang magtama ang paningin nila ni Light. Napayuko tuloy siya dahil hiyang-hiya talaga siya rito sa mga pinagsasabi ng kanyang ina. Kung alam lang ng mama niya ang lahat ng iyon ay puro kasinungalingan lamang ay ewan lang niya. Tiyak niyang makatikim siya ng hindi maganda mula rito.

Ilang sandaling pumagitna ang katahimikan sa kanilang tatlo nang maisipan niyang iiwas muna si Light sa kanyang ina. "Ma, may trabaho pa po si Light at kailangan na niyang bumalik sa opisina." Baling niya sa kanyang ina habang napatingin naman si Light sa kanya.

Napangiti na lamang siya rito na ipahiwatig na sumang-ayon na lamang ito sa kanya kaya napayuko naman ang binata.

"Sure, pero kailangan mong manatili sandali, Sonia. Marami pa tayong pag-uusapang dalawa."

"Sige po, Ma." Sang-ayon na lamang niya rito na binalingan si Light sa kanyang tabi. "Mauna ka na," wika niya.

"Sige po, Tita. Mauna na ako, nice to meet you, po."

Paalam naman nito sa kanyang ina. Inilahad pa nito ang kanang kamay at nakipagkamay sa kanyang mama at bumaling sa kanya.

Napatayo siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at hindi niya inaasahan nang dampian nito ng magaang halik ang kanyang noo.

"I'll go ahead, hon. Ingat ka sa pag-uwi mo," wika nitong ngumiti sa kanya.

Hindi tuloy niya napaghandaan ang pagsirko ng puso niya sa ginawa nito. Sunod-sunod siyang napalunok ng kanyang laway at pilit na ngumiti.

"Sige, i-ikaw rin h-hon," nabubulol na sagot niya at muling napayuko nang maramdaman naman niya ang pagpisil nito sa kanyang kamay.

"Sige po, Tita, mauna na po ako," muling baling nito sa kanyang ina bago binitiwan ang kanyang kamay at umalis na.

Agad siyang napaupo nang tuluyang mawala sa kanyang paningin si Light dahil pakiramdam niya ay nanlalambot ang tuhod niya. Sandali pa niyang pinakalma ang nagsisirkong puso niya nang marinig naman niyang nagsalita ang kanyang ina.

Napataas siya ng kanyang mukha at nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Anong sinabi niyo, Ma?" ulit niya rito.

"Gusto kong harapin mo si Leandro ngayon, Sonia."

"Pero, Ma, may boyfriend na po ako. Bakit niyo pa ba ipinipilit sa akin si Leandro?" reklamo niya na hindi naitago ang pagkadisgusto sa sinabi ng ina.

"I don't trust him, hija. Paiiyakin ka lang ng lalaking iyon, believe me."

"No, Ma. Mahal ko si Light-,"

"Stop it, Sonia!" matigas ang boses na wika nito. "Sa ayaw at sa gusto mo haharapin mo si Leadro, and don't dare to disobey me again kung ayaw mong kalimutan ko na anak kita!"

Napamaang siya sa sinabi ng kanyang ina. Magagawa siya nitong itakwil ng dahil lang kay Leandro? Nakaramdam siya ng hinanakit sa ina ng dahil doon at natahimik na lamang bilang pagpayag sa gusto nitong pakikipagharap kay Leandro.

"Hija, I'm doing this 'cause I love you and I care for you."

Mayamaya ay mahinahanong wika nito na hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Nanatili naman siyang tahimik na nakayuko lamanghabang nasa dibdib pa rin niya ang hinanakit para rito.

PAGKARATING sa kanyang opisina ay sinalubong si Light ng kanyang sekretaryang si Hanna. Ipinaalala nito sa kanya ang meeting nila kasama ang board of directors. Napahawak siya sa kanyang noo nang makaupo sa kanyang swivel chair.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon