Chapter 15

7.6K 157 7
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 15

"HERE, I think magkakasya 'to sa 'yo," nag-angat ng mukha si Sonia nang marinig ang boses ni Light at nakitang iniabot nito sa kanya ang isang maluwag na t-shirt at pajama.

Wala kasi siyang gamit na dala maliban na lang sa mga groceries na pinamili niya kanina. Naka-lock kasi ang apartment niya kaya wala man lang siyang may nakuhang personal na gamit niya.

"Salamat," matipid niyang sagot at kinuha iyon.

"May banyo sa kwarto at meron din sa kusina, pero I suggest na ang sa kwarto na lang ang gamitin mo," nakangiting wika nito at itinuro iyon.

Tumayo siya at tinungo ang itinuro nito pero sinamahan pa rin siya ni Light hanggang sa kwarto nito.

Napahanga siya sa kalinisan niyon maging ang matingkad na kulay asul na kurtina nitong nakabukas ay ang linis din tingnan. Napahakbang siya palapit doon at mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang nagtataasang mga gusali na nagkalat sa paligid, maging ang mga sasakyang paroo't parito sa kalsada ay napahanga siya. Over looking view kasi ang kinaroroonan nila at napaisip siya na iba na talaga ang mayayamang afford bumili ng condo sa ganoon kataas na gusali.

Ilang sandali siyang nasa ganoong ayos nang marinig niya ang mahinang tawa ni Light kaya magkasalubong ang mga kilay na napalingon siya rito.

"Why?"

"Wala, mukha ka kasing bata na nag-e-enjoy sa pagtanaw riyan sa ibaba," nakangiting sagot nito na lumapit sa kanya at nakitanaw rin sa kanyang tinitingnan.

"Eh, sa ngayon lang ako nakakita ng ganito, eh," sagot naman niya nang mapaayos siya sa kanyang pagkakatayo nang dumaiti sa braso niya ang braso nito.

Bigla kasi siyang nailang sa ayos nilang dalawa at isipin pang nasa pamamahay siya ng binata. "Oo nga pala, maliligo na pala ako," mayamaya ay wika niya at umalis na sa kanyang kinatatayuan at tinungo ang itinuro nitong banyo kanina.

"May towel diyan sa banyo, 'yan na ang gamitin mo," narinig pa niyang pahabol nito bago niya isinara ang pinto ng banyo.

Napasandal pa siya nang tuluyang makapasok at hindi pa rin makapaniwala na nandito siya ngayon sa condo ni Light.

Napatingin siya sa hawak niyang t-shirt at pajama na pag-aari nito. Hanggang sa mapakagat labi siya sa kanyang naalala. Wala kasi siyang underwear na gagamitin kapag naligo na siya.

Bahala na, napakibit balikat na lamang na sambit niya bago hinubad ang suot na damit at pumailalim na sa rumaragasang tubig mula sa shower.

Ilang minuto nang nakatayo si Sonia sa loob ng banyo. Kanina pa siya tapos maligo at hindi niya magawang lumabas ng banyo dahil sa ayos niya.

Okay naman sana ang suot niyang pajama dahil kahit papaano ay kumasya naman iyon sa kanya at ang t-shirt na suot niya ay medyo maluwag lang sa kanya. Pero ang dahilan nang hindi niya paglabas sa banyo ay dahil wala siyang suot na underwears.

Tinangka niyang isuot ang marumi niyang bra kanina ngunit sa kasamaang palad, eh, nabitiwan pa niya iyon at nahulog pa sa tapat ng timbang may lamang tubig na siyang ikinainis niya. Kung minamalas nga naman siya, uh, wala na nga siyang suot na panty, eh, nabasa pa ang bra niya.

Napabuga siya ng hangin at muling tiningnan ang sarili mula sa malaking salamin na nasa loob ng banyo. Halatang-halata kasi na wala siyang suot na bra dahil tayong-tayo pa naman ang malusog niyang dibdib.

Paano kung mapansin iyon Light? Tapos biglang may pumasok na hindi maganda sa utak nito at bigla na lamang siya nitong-no!

Tumigil ka nga Sonia! Nakalimutan mo na ba ang sinabi ng lalaking iyon na hindi ka niya type? At saka, kung nandito ka man ngayon sa pamamahay niya ay dahil sa naawa lamang siya sa 'yo, iyon lang 'yon, Sonia at wala ng iba pa!

Muli siyang napabuga ng hangin at dahan-dahan niyang binuksan ang banyo para silipin kung nandoon ba si Light. At nakahinga siya nang maluwag nang hindi niya ito makita kaya tuluyan na siyang lumabas at lumapit sa tokador.

Inabot niya ang suklay na naroon at isinuklay sa basa niyang buhok nang mapansin ang larawan ng binata na naka-frame sa gilid ng tokador.

Sandali niyang tinitigan iyon nang mapangiti siya, nakakahawa kasi ang klaseng ngiti ng binata na nasa larawan. Ang gwapo nitong tingnan at hindi nakakasawang titigan. Sa tabi niyon ay may isa pang frame. Si light pa rin ang naroon ngunit may kasama ng isang may edad ng babae. At ang babaeng iyon ay ilang beses na niyang nakita sa business section ng ilang magazines. Si Margarita Mondragon na may kahawig rin kay Light.

Ibinalik niya ang kanyang pansin sa isang frame na mag-isa lamang si Light. Muli niya iyong pinagmasdan nang nakangiti hanggang sa dahan-dahan niyang inabot ayon nang matigilan siya nang marinig ang mahinang katok sa pinto kaya nataranta siyang ibinalik muli ang larawang iyon sa tokador bago pa man siya mahuli ng binata na pinagmamasdan niya ang larawan nito.

"Dinner is ready, tara, kumain na tayo," wika nito.

"Sige," aniya na inilapag sa tokador ang suklay at lumabas na ng kwarto. Nagtaka pa siya nang biglang matigilan ang binata na nakatitig lang sa kanya at sunod-sunod pa itong napalunok ng laway na hindi niya maintindihan.

Hanggang sa biglang pumasok sa isipan niya ang kanyang ayos at mabilis siyang napatingin sa sarili niyang dibdib nang makitang doon nakatingin ang binata kaya mabilis pa sa kidlat na na-i-cross niya ang kanyang mga braso sa bahaging iyon at nagpatiuna nang lumakad papuntang kusina dahil sa pagkakataranta.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon