Chapter 2

8.7K 103 1
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

CHAPTER TWO

NAPAKUNOT ng noong sinundan ni Light ng tingin ang babaeng nakabanggaan niya. "Anong nangyari roon? Kung makaiwas naman sa akin akala mo may nakakahawang sakit ako." Napailing na kausap niya sa sarili. 'Di tumalab ang charms mo Light, atribidong tudyo ng isang bahagi ng utak niya. So what? Besides, she's not my type, pagtatanggol naman niya sa kanyang sarili. Hanggang sa napangiti na lamang siya at muling napailing. At kailan pa siya natotong kausapin angkanyang sarili?

Nagpatuloy na lamang siya sa paghakbang palabas ng hotel. Ngayon kasi ang meeting niya para makipag-close ng deal sa Phoenix Group of Companiesbilang huling palugit na binigay ng kanyang abuela. Kapag hindi pa niya mai-close ang deal na iyon, tiyak niyang hindi na niya makakamit pa ang pagiging CEOng Golden TRE na pag mamay-ari ng kanyang abuela.Good luck sa 'yo, Light, ani pa niya sa sarili at tuluyannang lumabas ng hotel bitbit ang dokumento kung saan nakasalalay ang kanyang status sa hotel ng kanyang abuela.

"OH NO! What the hell is this?" mahinang bulalas ni Light nang ibinalik sa kanya ni Mr. Martinez ang mga papeles na inabot niya. Just to find out that his documents was gone. At ano ito? A script? Nagiging scripts ng nobela ang mga dokumentong ipinaayos niya sa kanyang sekretarya? Paanong nangyari ito?,nagugulohang tanong niya sa kanyang sarili.

Hanggang sa unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang insidenteng nangyari na nakabangga niya ang isang babae kanina. Posibleng nasa kamay nito ang mga dokumento niya at nagkapalit sila. Damn, napabuga siya ng hangin at muling humarap kay Mr. Martinez. AngPresident ng Phoenix Group of Companies. "I'm so, sorry for this Mr. Martinez. I didn't know why it happened but I think this a cause of a small incident that I encountered this afternoon. I hope, you can give meanother chance to bring the documents to you bytomorrow morning." hinging paumanhin niya sa may edad ng lalaki.

"I'm sorry, Mr. Mondragon. I can't promise you for another appointment tomorrow. You know my schedule is very hectic and I'll be on a trip to Korea tomorrow afternoon. I'm sorry, again." Seryoso ang mukhang bumaling ito sa mga kasamahan nito. Hanggang sa nagpaalam na ang mga ito na aalis na atnapabuntong hininga namang naiwan si Light.

Pabagsak siyang umupo at napasuklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga kamay. Ano na ngayon ang gagawin niya? Sigurado siyang disappointed ang kanyang abuela sa kanya. Kung bakit pa kasi niya nakabangga ang babaeng iyon kanina. Hayon tuloy at minalas siya. Saan naman niya hahanapin ang babaeng nakabangga niya? At may magagawa pa ba iyon kung saka-sakaling makita pa niya ito at mabawi ang kanyang mga dokumento? Oh, Light! Shame on you man!, kutya ng atribidong parte ng utak niya. Dahilan nang marahas niyang pagtayo at hinablot ang folder na naglalaman ng scripts at lumabas na ng opisinang iyon.

HUMANTONG si Light sa isang bar na pagmamay-ari ng kaibigan niya. Kanina pa siya rito dahil hindi na nagawang bumalik pa sa hotel pagkagaling niya kanina sa Phoenix. Tiyak kasi niyang sesermonan na naman siya ng kanyang abuela dahilhindi niya nakuhang i-close ang deal sa pagitan ng Golden TRE at Phoenix Group of Companies . Kaya heto siya at nilulunod na lamang ang sarili sa inumin para pansamantalang kalimutan ang kanyang kapalpakan. Muli niyang inabot ang isa pang serve ng hard liquor na nasa kanyang harapan at inisang lagok iyon.

"Easy, bro." Tapik sa kanya ng kaibigan niyang si Jan Carlo sa balikat. "Ang laki yata ng problema mo," dagdag pa nito na naupo sa kanyang tabi.

"Sinabi mo pa," napabuntong hiningang sagot niya.

"Business? Imposible naman kasi na magkakaproblema ka nang dahil lang sa isang babae, right? So, malamang, problema sa negosyo 'yan."

Mahina siyang tumawa at napailing sa tinuran ng kanyang kaibigan. "Mag-isa ka lang yata? Nasaan na ang partner in crime mo?" tukoy niya sa fiancée nitong si Jeanne Nicole.

"Oh, talking of an angel, here she is." Malawak ang ngiting tumayo ito at sinalubong ang kakarating lang nitong fiancée.

Napatawa lamang siya na ibinalik ang atensyon sa kaharap na inumin. Inabot niya ang panibagong serve ng hard liquor at akma na sanang inumin iyon nang maagaw ang kanyang pansin sa may kalakasang boses ng isang babae.

Napalingon siya at nakita niya ang nakatalikod na lalaki. Hawak nito sa kamay ang isang babae na nagpupumilit na makawala mula rito.

Napakunot siya ng kanyang noo nang masilayan ang mukha ng babae. She looks familiar, aniya at inalala kung saan niya ito nakita. Hanggang sa lumiwanag ang kanyang mukha. "Yeah, she is," wika niya nang makilala ito. Ang babaeng nakabanggan niya kanina sa hotel.

ASAR nang humarap si Sonia sa lalaking kanina pa salita ng salita sa kanyang tabi. Hindi ba ito makakaintindi na hindi niya ito kailangan? Na gusto niyang mapag-isa para pakalmahin ang kanyang sarili sa nakakabaliw na pangyayari sa kanya ngayong araw? O sadyang makapal lang ang mukha nito at ipinipilit pa rin ang sarili nito sa kanya?

"Excuse me, Mister. Hindi ko po kailangan ng makakasama. If you excuse me, mauuna na ako," aniyang inabot ang kanyang bag. Mas maganda pa sigurong umalis na lamang siya sa bar na iyon at umuwi.

"Hey, why in hurry huh?" pigil nito sa kanyang kamay.

Napakislot siya at agad na binawi ang kanyangkamay ngunit dumapo naman ang isang kamay nito sa kanyang baywang. Dahilan nang pag gamit niya ng kanyang pwersa at marahas na itinulak ang lalaki.

"Hmm, playing hard to get, huh?" muling wika nito na hinablot siya sa kanyang braso.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" kinakabahan nang wika niya.

Ano ba itong kamalasang dumating sa kanya ngayong araw at nabastos pa siya ng lasinggong ito. Kung bakit pa kasi siya nagtungo sa bar na ito. Hayun tuloy, may nakasugapa siyang manyak! Kung natulog na lang kaya siya kanina sa apartment niya. 'Eh, 'di sana nanaginip na siya ngayon.

Shit! Sonia, ano ba kasi itong pinanggagawa mo?

"Hindi mo ba ako naririnig? Bitiwan mo ako sabi!" pilit niyang bawi sa kanyang braso mula sa pagkakahawak nito.

"Huwag ka nang magpa-hard to get, babe. Sumama ka na lang sa akin and I'll make sure that you're-,"

"Bastos!" Hindi na niya binigyan ng pagkakataonang lalaki na tapusin ang sinasabi nito nang mabilis na lumipad ang kanyang palad sa pisngi nito. At ganoon na lamang ang takot na bumalatay sa maganda niyang mukha nang dumilim ang anyo nito't tila nag-transform sa isang halimaw ang pagmumukha ng lalaki. Kasabay niyon ang pagtaas ng kamay nito para sampalin siya at napasigaw na lamang siya bigla sabay pikit ng kanyang mga mata.

"Don't dare to slap her if you don't want me to break your neck!" Galit na boses ng isang lalaki ang nagpamulat kay Sonia. Saka pa siya nakahinga ng maluwag nang makitang pigil nito sa pulupulsohan ang lalaki kung kaya't hindi nito natuloy ang pagsampal sana sa kanya. "Oh, wala ka pa yatang balak na bitiwan ang kamay niya, ah? May plano ka bang iuwi ang babaeng ayaw sa 'yo?" dagdag pa nito na sinundan ng nakakainsultong tawa ang lalaki.

"And who the hell are you?" galit namang baling ng lalaki sabay tulak dito. Ngunit sadyang mas malakas ito at hindi man lang natinag sa panunulak ng lalaki. Bagkos ay muli itong tumawa at hinawakan siya sa kanyang kanang kamay.

"She's mine. Why? Makikihati ka rin?"

"What the-" napabuga siya ng hangin sa tinuran nito. For God sakes! Akala pa naman niya ay tulungan siya nito 'yon pala ay isa rin sa mga sira-ulong mambabastos sa kanya? Pinaglipat-lipat niya ang kanyang tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa kanya. "Bitiwan niyo nga ako, you two go to hell!" may kalakasang wika niya at itinulak ang dalawang lalaki dahilan nang pagkawalan ng mga ito ng balanse.

Bago pa man makabawi ang mga ito ay mabilis nasiyang lumisan sa dalawang lalaki at lumabas ng bar. Agad niyang pinara ang paparating na taxi ngunit hindi pa man ito huminto sa kanyang harapan ay may kamay na mahigpit na humawak sa kanyang braso.

Napalingon siya at sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ng lalaking inakala niyang ipagtatanggol siya sa nambabastos sa kanya ngunit hindi naman pala.

"So you think you can run away from me, huh? C'mon," hila nito sa kanyang braso palapit sa pulang kotse na nakaparada sa harap ng naturang bar.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon