Chapter 20

8.2K 169 4
                                    

dahil feeling ko mabait ako, kaya post ko na ang whole story ni Papa Light... Hekhek!

Huwag mahiyang mag-iwan ng iyong komento, o vote, hahahaha!

Enjoy Reading!

---------

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 20

"WHERE ARE YOU?" agad na tanong ni Light nang sagutin ni Sonia ang tawag niya. Kanina pa kasi siya nag-alala dahil ni hindi man lang ito sumagot sa text niya. Mag-aalas syete na nang gabi at wala pa rin ang dalaga kaya tinawagan na niya ito para malaman kung nasaan ito ngayon.

"I'm coming, pasinsiya ka na at ginabi ako," tugon nito sa kabilang linya.

"Are you okay?" tanong niya ang marinig ang lungkot sa boses nito at tila nanggaling ito sa pag-iyak.

"Yeah, I'm okay."

"Ahm... K-kumain ka na?"

"Ha?...h-hindi pa, eh, don't worry dadaan na lang ako sa restau-,"

"No. No. I mean... just asking lang kung kumain ka na, nagluto na kasi ako dito sa bahay at kung hindi ka pa nakapaghapunan dito ka na lang kumain at tamang-tama lang at kakatapos ko lang magluto," mabilis niyang paliwanag habang nakangiti. At ang kanyang mga mata ay tila nagkikislapan pa habang tinitingnan ang kanyang inihanda para kay Sonia.

"Ah, ganoon ba? Sige, malapit na naman ako."

"Sige, hintayin na lang kita dito. Ingat ka ha?" ani pa niya bago nawala sa kabilang linya ang dalaga.

Muli siyang napangiti at pakanta-kanta pang kinuha ang nabili niyang bulaklak kanina. Pinag-iisipan kasiniya kung saan niya ilalagay iyon para makita agad ni Sonia. "Kung ibigay ko na lang kaya sa kanya pagkadating niya?" kausap niya sa sariling mas lalong napangiti nang tudo. Nakikinita kasi niya ang reaksyon ni Sonia mamaya pagdating nito.

Maliban kasi sa hawak niyang bulaklak ngayon ay naghanda pa siya ng masarap na pagkain para sa dalaga. A candle light dinner at may red wine pa na inilagay niya sa bucket na puno ng yelo ang nasa dulo ng mesa.

"Sana ma-impress naman si Sonia," wika niya na napabuga ng hangin. Ngayon lang kasi niya ito ginawa para sa isang babae. Paano kasi, eh, hindi niya alam kung paano ligawan ang babae, kung ano ba ang gusto ng mga ito at kung paano sila mapasaya.

Nasanay na kasi siyang siya ang nililigawan ng babae at pinaghahandaan tulad ng ginagawa niya ngayon.

"Good luck na lang sa 'yo, Light," aniya at inilapag muna ang bulaklak na hawak niya at pumasok sa kwarto. Magpapalit muna siya ng kanyang damit at baka nangangamoy pawis na siya. Mahirap na at baka maturn-off sa kanya ang nag-iisang babae na nagpabago sa takbo ng buhay niya na walang iba kundi si Sonia.

PININDOT ni Sonia ang buzzer ng condo ni Light at ilang segundo lang ay bumukas iyon at iniluwa nito ang maaliwalas na mukha ni Light na gwapong-gwapo tingnan sa suot nitong puting polo shirt at maong na pantalon na pinarisan ng leather na sapatos.

"Mabuti at nandito ka na," tila hindi pa mapakali na wika nito na para bang hindi alam ang gagawin dahil sa presinsya niya.

"Sorry at ginabi na ako, may lakad ka?"

"Ha? Wala! Wala naman, sige pasok ka," anitong nilakihan ang pagbukas sa pinto kaya pumasok na rin siya. At nagulat pa siya nang paglapat ng pinto pasara ay may inabot ito sa kanya na bulaklak na siyang ipinagtataka niya. "Para sa 'yo nga pala."

"Para saan ito?" tanong niya nang biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso na hindi niya maintindihan.

"Ahm..." napakamot ito sa ulo at pilit na ngumiti sa kanya kahit na halata namang hindi mapakali. "Wala lang, nakita ko kasi ito kanina at naalala kita kay binili ko na para sa 'yo. I think gusto mo naman ng bulaklak hindi ba?"

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon