The Playboy Fall Inlove
By: CatchMe
CHAPTER 7
NAPAANGAT ng tingin si Light mula sa pagbabasa ng files nang mag-ring ang cell phone niya. Inabot niya iyon at muling ibinaba sa mesa nang mabasa ang pangalan ni Niccailla.
Napahawak siya sa kanyang noo saka napapikit. Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil naasar na kasi siya sa ilang beses na pagtawag nito sa kanya.
Ang pinakaayaw pa naman niya sa isang babae or let's say sa mga nakaka-fling niya ay iyong tinatawagan siya sa oras ng kanyang trabaho dahil naiistorbo siya. Iignorahin na lamang sana niya ang tawag nito ngunit patuloy na nag-iingay ang cell phone niya at naririndi na siya. Kaya napilitan na lamang siyang sagutin iyon.
"Yes, Niccailla?" nayayamot ang boses na sagot niya.
"Babe, can we meet? Nandito ako ngayon sa restaurant sa ibaba. Hindi kasi tayo nagkita nang ilang araw at hindi naman kita makausap ng maayos kaya naisip ko na dumaan na lang dito para makasama ka sa lunch,"malambing na wika nito.
"Niccailla, I'm busy," nayayamot pa ring sagot niya.
Wala kasi siya sa mood para harapin ang dalaga ngunit makulit talaga ito at pnipilit na makipagkita sa kanya. Kaya sa huli ay pumayag na rin siyang makipag-lunch kasama ito nang may isang disisyon na pumasok sa isip niya. Makikipaghiwalay na siya rito. Isa pa nahahalata na kasi niya na lumalagpas na ito sa mga rules na ibinigay niya bilang ka-fling niya. Kaya mas mabuti pang tapusin na niya ang anumang namamagitan sa kanilang dalawa bago pa iyon lumala at pagsisihan niya.
Papasok na siya sa restaurant ng hotel nang makasalubong niya si Sonia. Napakunot siya ng kanyang noo dahil kakausap lang niya ito kanina. At ayon dito ay may appointment daw umano ito sa malayong lugar.
Pero anong ginagawa niya rito?
Nang mapatapat sa kanya ang dalaga ay pinigilan niya ito sa braso. Tila malalim kasi ang iniisip nito at hindi siya nito napansin kaya nagulat pa ito nang makilala siya.
"L-Light, what are you doing here?"
Mahina siyang natawa sa tanong nito. How could she ask him if what he's doing in his own hotel? Okay lang ba ito?
"Hey, this is our hotel kaya natural lang na nandito ako. I thought may appointment ka? Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong niya nang may humawak naman sa kabilang braso nito.
"Sonia, who is he?" seryoso ang mukhang tanong nito. "And you, let your hands off from my daughter," baling naman nito sa kanya.
Agad naman niyang binitiwan ang kamay ni Sonia nang magsalita naman ang dalaga.
"Ma, B-boyfriend ko po, si Light," sagot nito sabay yakap sa braso niya na siyang ikinabigla niya.
"What!?" bulalas niya.
Nasisiraan na ba ng bait ang babaeng ito? Siya? G-girlfriend ko?
"Hey, what are your talk-," naputol ang sasabihin sana niya nang walang kaabog-abog ay hinalikan siya ng dalaga sa kanyang labi na siyang ikina-shock niya. At ganoon na ba kalaki ang pagkakagusto nito sa kanya para maging ganito ito kaagresibo sa harap ng maraming tao?
Sandali siyang hindi nakagalaw para pigilan ang dalaga. Ni hindi nga niya nagawang ilayo ang sarili mula rito dahil biglang nalito ang utak niya. Isama na ang puso niya na bigla na lamang kumabog ng malakas na hindi niya maintindihan dahil ngayon lang niya iyon naramdaman sa tanang buhay niya.
Ano ba ang nangyari sa kanya at biglang bumilis ang tibok ng puso niya? This is just a simple and unexpected kiss from this woman who declared that she's his girlfriend. Yeah, just a simple kiss na hindi na bago sa kanya. Ilang labi na nga ba ang nahalikan niya? Hindi na yata mabilang sa sobrang dami. Ngunit ang labing nakadikit sa labi niya ngayon ay kakaiba. Ito pa lang ang labing humalik sa kanya na may kasamang kaba sa puso niya na hindi niya maintindihan.
He gasped when she let him go and his lips leave a little parted for a second. Saka pa bumalik sa reyalidad ang isipan niya nang may sumampal sa kanya and it was Niccailla na hindi maipinta ang pagmumukha.
"What the hell is the meaning of this?" hindi makapaniwalang tanong nito habang ang kaharap niyang ginang ay tila shocked pa rin dahil nakaawang din ang labi nito tulad niya kani-kanina lang.
Si Sonia naman ay napatakip sa labi nito dahil na rin siguro sa pagkabigla at namumula pa ang mukha nito.
"How could you do this to me, Light? And who the hell is she?" tumingin ito kay Sonia at matalim na tinitigan mula ulo hanggang paa at sarkastikong tumawa.
HINDI alam ni Sonia kung anong gagawin niya sa mga oras na iyon. Dahil kahit siya ay nabigla rin sa kanyang ginawa. Pakiramdam niya ay napako ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan at walang salitang lumabas sa labi niya dahil sa pagkahalong pagkabigla at pagkapahiya.
Paano kasi first time niyang manghalik sa isang lalaki at sa harap pa ng maraming tao. Ang nakakahiya pa ay ni hindi man lang niya boyfriend ang hinalikan niya. Paano niya ito ipapaliwanag sa kanyang ina na nabigla? Lalong lalo na kay Light na tila na-shock pa rin sa kanyang ginawa? Idagdag pa ang babaeng umeksena at sumampal sa binata.
Is she his girlfriend? Damn!
Nalilitong sambit ng utak niya. Talagang mapapahiya siya ng bonggang-bongga ngayon dahil sa kanyang ginawa.
"I'm...sorry, I didn't mean-," napatigil siya sa pagsasalita nang hawakan ni Light ang kamay niya. Pagkatapos ay humarap ito sa babaeng nanampal dito.
"Niccailla, she's my girlfriend and we're over. So please, leave me alone."
Napanganga siya sa sinabi ni Light at muling napatakip sa kanyang labi nang muling sampalin ng babae ang binata. Ang kanyang mama naman ay napahawak sa dibdib nito habang ang lahat ng mga taong naroon ay nakatunghay sa kanila na tila ba nanunuod ang mga ito ng isang eksena sa teledrama. Gusto tuloy niyang lumubog na lamang at mawala na parang bula ngunit papaano?
Sa sobrang kalituhan ay binawi niya ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ni Light at tumalikod dito. Mabilis ang ginawa niyang mga hakbang para makalayo sa lahat. Narinig pa niya ang boses ng kanyang ina na tinatawag siya ngunit hindi na niya ito nilingon pa dahil sa pagkapahiya at tuloy-tuloy lang sa paghakbang na hindi naman alam kung saan tutungo.
PABAGSAK na humiga si Sonia sa kanyang kama nang makarating sa kanyang apartment. Magulo pa rin ang utak niya sa mga nangyari ngayong araw dahil na rin sa kagagawan niya. Ang cell phone niya ay patuloy na nag-iingay mula pa kanina nang umalis siya ng restaurant kung saan niya iniwan ang kanyang ina at si Light.
Hindi niya magawang sagutin ang tawag ng kanyang ina at ni Light dahil wala naman siyang lakas na loob para salubongin ang panunumbat ng kanyang ina at ang maaring itanong ni Light sa kanya.
"What have I done?" litong tanong niya sa kanyang sarili. Sumasakit na rin ang ulo niya sa kakaisip kung paano niya harapin ang kasinungalingan niya. "Bakit ko pa kasi nasabi iyon, eh. Damn, Sonia. Para ka lang kumuha ng bato at ipinukpok sa sarili mong ulo!"Pagalit niyang sermon sa sarili.
Ilang sandali siyang nanatiling nakahiga sa kanyang kama at nakatitig sa kisame habang nag-iisip kung paano niya malulusutan ang problemang pinasok niya.
Haggang sa napagpasyahan niya ring makipagkita kay Light at ipaliwanag dito ang nangyari kanina. Kung bakit niya nasabi iyon sa harap ng kanyang ina. Bumangon siya at kinuha ang kanyang cell phone at agad na tinawagan ang binata para makipagkita.
----
Read the next chapter up to chapter 22 on this link.
http://booklat.com.ph/story/3193
Nauna po ang update doon kaysa dito. :)
BINABASA MO ANG
The Playboy Fall In Love (Complete)
RomanceTHE MONDRAGON BROTHERS The Playboy Fall Inlove By: CatchMe "You told me gagawin mo ang lahat para magkabati na tayo kaya iyon ang gusto kong gawin mo. Ang halikan ako." Teaser Certified Playboy ang tawag kay Light ng kanyang mga kaibigan. Palibhasa...