Chapter 23

9K 168 4
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 23

MADILIM na nang makarating sina Sonia at ang kapatid niyang si Shyla sa kanilang resthouse ngunit hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila nang umalis sila kanina. At ngayon ay hindi lang isang kotse ang meron doon kundi tatlo na. Kaya matamlay siyang napatingin kay Shyla sa kaalamang hanggang ngayon ay nasa kanila pa rin si Leandro at malamang ay may mga kasama na ito.

"Nandito pa rin ang future husband mo, Ate," malawak ang ngiting wika nito na siyang inirapan lamang niya at napilitang bumaba sa kotse.

Sa gate pa lang ay naririnig na niya ang masayang tawanan na tiyak niyang sa sala iyon nanggagaling at gustohin man niyang umiwas para hindi makaharap si Leandro ay hindi na niya nagawa pa nang hatakin siya ni Shyla sa braso para pumasok na sa kanilang bahay.

Nasa front door na sila nang matigilan siya nang makarinig nang masayang boses nang may edad nang babae na hindi niya alam kung sino ang may-ari niyon, kasunod niyon ay ilang boses pa ng mga lalaki na bago sa kanyang pandinig kaya humarap na siya kay Shyla na malawak pa rin ang ngiti sa labi.

"What? Hindi ka ba papasok, Ate?" nakangisi pang tanong nito na ipinagsalikop pa ang mga braso sa tapat ng dibdib nito.

Sasagot pa sana siya nang mapa-awang ang labi niya nang marinig ang pamilyar na boses ng isang taong gusto niyang makita. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya na para bang hinahabol iyon ng daga na hindi niya maintindihan.

"Hello, everybody, we're home," malakas pa na sambit ng kapatid niyang si Shyla sabay hila sa braso niya papasok sa bahay.

At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makumpirma nga na nasa bahay nila si Light na agad na napatayo nang makita siya dahilan para mas lalong mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

At ilang segundo lang ay nasa tabi na niya ang binata't mahigpit siyang niyakap na para bang ilang taon silang hindi nagkita.

"I miss you," mahinang bulong nito na hinalikan pa siya sa kanyang pisngi.

"Anong g-ginagawa mo dito, Light?" nanginginig pa ang boses niya nang magsalita dahil sa hindi makapaniwalang nasa harap niya ang binata.

"Nandito kami para hingin ang kamay mo sa magulang mo."

"Ano?!" gulat na tanong niya. "Light, I'm getting married-,"

"I know you're getting married, you're getting married with me," nakangiting sagot nito na siyang mas lalong nagpakunot sa kanyang noo kaya napailing siya. "Honey, napag-usapan na namin ng mama mo ang tungkol sa atin at payag na siya na sa akin ka na magpapakasal," sabi nito dahilan para mapatingin siya sa kanyang ina na patungo sa kanilang kinaroroonang dalawa ni Light.

"Ma-,"

"Shhh..."

Hindi niya natuloy ang sasabihin sana sa kanyang ina nang pigilan siya nito sa pagsalita at sandaling pinaalam kay Light na kakausapin siya nito na siyang ikinayuko ng ulo ng binata bilang pagpayag.

Nagugulohan man sa nangyari ay wala siyang magawa kundi pakinggan ang sasabihin ng kanyang ina na ngayon ay kaharap na niya at hinawakan siya sa kanyang dalawang kamay.

"Alam kong nasaktan kita anak, dahil sa kagustohan kong ipakasal ka kay Leandro ay hindi ko na inisip ang sarili mong kaligayahan. Ginawa ko lang naman iyon dahil nag-alala ako sa 'yo na maiiwan kita nang walang may nag-aalaga sa 'yo. Kaya si Leandro ang naisip kong paraan para hindi ka na mahirapan pa kapag wala na ako. Alam ko rin na mali iyong ginawa ko pero...ginawa ko lang naman iyon dahil mahal kita, anak."

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon