Pagpasok namin ng classroom…
Nauna akong umupo…
Tapos sya…
Pag-upo ko…
Agad na lumapit yung apat na babae sakin…
Girl 1: Magkasama ba kayo ni Gabriel?
Girl 2: Saan kayo nagpunta?
Girl 3: Magkakilala ba kayo?
Girl 4: Girlfriend ka ba nya?
Girl 1: LQ lang kayo kanina kaya di kayo nagpapansinan?
Girl 2: Gaano na kayo katagal?
Girl 3: Mahal ka ba nya?
Nagugulantang ako sa mga tanong nila…
Bukod sa sunod sunod…
Out of this world ang tanong…
Kung quiz lang yun, malamang, singko na ako!
Micah: Excuse me?! Daig nyo pa pulis kung mag-interogate ha?!
Inis kong sabi sa kanila…
Napatingin ako dun sa lalakeng gwapong mabangong mukhang mayaman na masungit na classmate ko…
Micah: Bat di kayo sa kanya magtanong?!
Sabay turo ko sa kanya…
Girl 1: Ayaw.
Micah: Takot kayong masigawan?!
Sabay sabay silang tumango…
Pagtingin ko dun sa lalakeng gwapong mabangong mukhang mayaman na masungit na classmate ko…
Naka-ngisi sya tapos tumingin sa bintana…
Micah: Di kami magkakilala. Kumain kami sa canteen kasama yung mga kaibigan nya. At lalong di ko sya boyfriend. Di ako ngboboyfriend ng takot sa titig. Okay na?!
Pabulyaw kong sabi sakanila…
Nagulat naman silang apat…
Gab: ANO?!
Nagalit sya...
Ako naman ang nagulat ngayon…
Gab: Ano sabi mo?!
Micah: W-wala. May sinabi ba ako?
Ay lintek…
Bat nasindak ako sa sigaw nya?!
Lalakeng to! Porke mabango’t gwapo lang…
Gab: Anong takot sa titig pinagsasasabi mo dyan?!
Micah: Ikaw ba yon?! Ikaw ba tinutukoy?! Feeling ka naman masyado!
Palusot ko…
Sige Micah, kaya mo yan!
Gab: Hindi ako yun?! Kung hindi ako ang pinag-uusapan nyo, bat mo ko tinuro kanina?
Oo nga naman…
Teka…
Kaya ko yan!
Micah: Yung bintana ang tinuturo ko no!
San nangaling yon?!
Makalusot lang eh…
Gab: Bintana?! Mukha mo!
![](https://img.wattpad.com/cover/1543366-288-k142961.jpg)