Lunch break…
Palabas na ako ng classroom nung nakita ko sa tapat ng pinto sina Ryan ska Andrep…
Drep: EHEM!
Gab: Ano?
Ryan: Ano din?
Gab: Para kayong tanga dalawa.
Sabay lakad ko papuntang canteen…
Sumunod naman sila sakin…
Ryan: Ano?
Gab: Anong “ano” ba?
Ryan: Ano?
Gab: Tutuktukan kita! Ano ba yon?
Umupo ako sa upuan sa tabi ng bintana…
Umupo naman sila sa tapat ko…
Drep: Yung amoy ni Micah ska yung amoy ng ---
Gab: Oo na. Magkasama na kami kagabi!
Naiiritang putol ko sa sinasabi nya…
Sabay kamot ko sa ulo ko…
Ryan: Sabi na eh!
Drep: Wala ka namang sinabi, g*go ka!
Ryan: Hahahaha. Sa utak ko lang. Di mo madidinig.
Gab: Ginugutom ako sainyong dalawa!
Tumayo ako para bumili ng pagkain…
Ng pagkain NAMIN…
Pagtapos ko bumili agad akong bumalik dun sa table…
Nilapag ko yung 6 na kanin…
3 ulam ska 3 icecream…
Ryan: Nasan yung inumin?
Gab: Wow ha?! Hiyang hiya ako sayo!
Drep: G*go ka talaga Ryan! Hahahaha. Bumili ka dun.
Ryan: Bat ako?
Drep: Gwapo ako eh.
Ryan: Ano konek?
Sa tingin ko matagal pa sila matatapos sa ginagawa nila…
Kaya naman umalis ulit ako para bumili ng inumin…
Bumalik ako na may dalang 3 baso ska 2 malaking softdrinks…
Umupo ako…
Ryan: Wow.
Tinignan ko sya…
Gab: Ano nanaman?
Ryan: Wala lang. Sige. Kain na.
Habang kumakain…
Drep: Bat magkasama kayo ni Micah kagabi?
*gulp*
Tsk. Kelan ba sila matatapos sa pag-uusisa?
Gab: Wala. Pumunta ako sa bar nila para lang uminom. Nilapitan nya ako nung pagtapos nya kumanta.
Ryan: Tapos?
Gab: Anong tapos?
Ryan: Tapos anong nangyari?
Drep: Anong gi---
Gab: Walang nangyari samin!
Putol ko sa tanong ni Andrep…
Sabi na eh… Yan ang iisipin nila…
Kung sabagay, di ko naman sila masisisi…
Sa loob ng mahigit isang taon, puro ganyan ang ginagawa ko sa babae…
