Chapter 12.

184 2 0
                                    

Micah: Malas.

Reklamo nya…

Nagpantig nanaman yung tenga ko…

Gab: Feeling mo gusto kitang katabi?!

 Micah: Sinabi ko bang gusto mo?!

 Gab: Yun din yung sinasabi mo eh.

 Micah: Yun?! Sabi ko MA-LAS. Bingi ka?!

 Gab: Tsss.

Tumingin nalang ako sa bintana…

Pangalawang beses na ako natalo sa diskusyon namin ah?!

2-0?! Sht.

Pagtapos ng subject…

Lumipat sya ng upuan…

Para naman akong nakahinga ng maluwag non…

Kaso lang yung mga sumunod na subject, ganun din ang ayos…

Prof: That’s all for today, class dismiss…

Tumayo ako…

Lunch break…

Tinawagan ko si Ryan…

Gab: San kayo?

 Ryan: Palabas pa lang ng classroom. Daanan ka namin.

 Gab: Sige. Antayin ko kayo dito.

Gumilid lang ako…

Tinitignan ako nung mga dumadaan na babae…

Sus… Di kaya hinuhuburan na ako ng mga neto?

Napahawak ako dun sa hikaw ko…

Yung ibang babae, nginigitian ko…

Wala lang, trip ko lang…

Tapos biglang dumaan yung babaeng may sa-engkanto…

Tapos bigla syang natapilok…

Micah: Ayyyy!

Ako naman si gentleman, sinapo ko sya…

Gab: Di ka kasi nag-iingat.

Sabay alalay ko sakanya…

Micah: Nag-iingat ako.

 Gab: Nag-iingat? Eh bat ka natapilok? Likas na tanga ka, ganon?!

Pang-iinis ko sakanya…

Micah: Di din ako tanga.

 Gab: Kung hindi, ano tawag mo sa ginawa mo??

 Micah: E-ewan ko.

Tumawa ako ng bahagya…

Gab: Kitams?! Oh kung di ka tanga, baka naman sinasadya mo lang yon?!

 Micah: A-ano?!

Nagbago yung mukha nya…

Yung namula dahil sa asar…

Nakakatawa yung mukha…

Gab: Sinasadya mo. Para naman mahawakan kita. Dba?

 Micah: Pa-para ano?! Para mahawakan mo?!

Sigaw nya sakin…

Tumango lang ako…

Micah: Ang kapal ng mukha mo!

SERENDIPITY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon