Bat pakiramdam ko, mabigat yung pakiramdam nya?
Gab: Nawalan kasi yung taong naging inspirasyon ko ng napakatagal ng panahon.
Hala…
Teka…
Masyado na atang personal yun…
Micah: Ah, okay lang naman kung aya---
Gab: Okay lang.
Ngumiti sya sakin…
Micah: Sure ka?
Gab: *nod*
*pause*
Micah: Kaano-ano mo sya?
Gab: Girlfriend.
*pause*
Micah: A-anong nangyari sa kanya?
Gab: Hmmm… Namatay sa aksidente.
Micah: Aksidente?
Gab: Car accident.
Micah: Sorry.
Gab: You don’t have to be sorry.
*pause*
Gab: Three years ago, nagbakasyon sya kasama yung pamilya nya. Sa Japan. Bago pa sya umalis, ayoko na talaga pumayag na sumama sya. Kaso lang, sempre. Sino ba naman ako para pigilan sya? Tumuloy pa din sya.
Nakatingin lang ako sakanya habang nagkkwento…
Gab: Few days after their flight, hindi na ako nakatanggap ng tawag galing sakanya. Nung una akala ko, busy lang. Enjoy sa bakasyon. Pero….
Uminom sya…
Gab: Isang gabi, nakatanggap nalang ako ng tawag galing sa mama nya, naaksidente daw sya. Nasa state of comma lang ng isang araw pero bumigay din sya.
Micah: Paanong car accident ang nangyari?
Gab: Bumangga sya isang concerete na poste.
Micah: Wala syang kasama?
Umiling lang sya…
Micah: San sya nilibing?
Gab: Inuwi dito yung katawan nya, yun yung hiniling ko sa mga magulang nya.
Micah: Bakit? Ano ba gusto nila?
Gab: I-cremate. Masyado nang masakit kung uuwing abo si Cristine. Mas pipiliin ko nalang yung naka-kahon.
Tumawa sya ng bahagya…
Medyo nakampante ako dahil atleast, alam kong okay lang na pag-usapan namin to…
Tanggap na nya siguro yung pagkawala ni CRISTINE…
Micah: Parang napaka-ironic naman na kotse yung dahilan ng pagkawala ni Cristine tapos yun pa yung sports mo.
Tumawa sya…
Gab: Oo. Pero dahil din dun kaya ko pinasok yung car racing.
Micah: Ha?
Gab: Kung marunong lang akong magdrive non. Naturuan ko sana si Cristine. Edi sana di sya nabangga.
Micah: Sinisisi mo ba yung sarili mo?
Gab: Somehow at some point, oo. Kung pinilit ko lang na wag sya sumama, edi sana di yun nangyari. Kung nung gabing yun, tinawagan ko sya. O di kaya sumama nalang ako nun. Dba?
Micah: Di mo naman kasalanan yun.
Gab: I know.
Micah: Pero, tanggap mo na ba talaga?
