Gab: Di ako biyolente. Di ako palasigaw. Di ako moody.
Micah: Anong hindi moody pinagsasasabi mo dyan?! Moody ka kaya.
Gab: Moody ako? Hindi no.
Micah: Hindi? Moody ka!
Gab: Sige. Kung moody ako, kelan nangyari yon?!
Micah: Nung nagalit ka dun sa gym tas kinabukasan, kinakausap mo na ako. Dba moody yun?!
Paliwanag ko sakanya…
Tapos bigla nyang inagaw yung papel na hawak ko…
Sabay nagsulat…
Micah: Hoy, ano yan?
Tinakpan nya yung papel…
Gab: Wala ka na dun!
Micah: Anong wala. Eh may grade din ako dyan.
Tapos tinuloy nya yung sinusulat nya ska nya pinasa yung papel…
Micah: Hala. Ano sinulat mo?
Gab: Moody ako. Wag mo akong kausapin.
Humarap sya sa binatana…
Sabi na eh. Moody talaga sya!
>.<
Micah: Ano ba Gabriel. Sabihin mo na sakin yung sinulat mo.
Dedma…
Micah: Gabriel naman eh. Huy.
Nilapit ko yung mukha ko sa braso nya…
Sisilipin ko lang sana yung mukha nya…
Pero naamoy ko sya…
Hmmmmm…. MABANGO! >.<
Micah: Oo na. Di ka na moody. Kausapin mo na ako.
Gab: Hindi. Moody ako.
Micah: Pucha naman. Ang arte mo ha?
Dedma pa din sya…
Umayos ako ng upo…
Pero di pa din nya ako kinausap…
Para akong nabibingi…
Micah: Gabriel. Di ka nga moody. Joke lang kaya yun.
Dinedma pa din nya ako…
Hanggang sa may masamang espirito na bumulong sakin…
Gab: ARAY!!!!!!!!
Kinagat ko yung braso nya…
Prof: Ms. Santos! Mr. Salazar!
Umayos ako ng upo… Nagpipigil ng tawa…
Nakatingin yung buong klase samin…
Gab: Bat mo ako kinagat?!
Mahinang tanong nya sakin…
Hinahaplos nya yung brasong kinagat ko…
Micah: Di mo ako pinapansin eh.
Gab: Eh bat kelangan mo ko kagatin?
Micah: Kanina pa kita sinasabihan na kausapin ako. Pero di mo ako pinansin.
Sabi ko sakanya nang di tumitingin…
Prof: Now let’s begin. Let’s start to Salazar and Santos. Stand up the both of you.
Tumayo kami…
Prof: In front.
Gab: Ha?
Prof: C’mon.
Pumunta kami sa harap…