Gab’s
Lumipas yung mga araw na ganito kami ni Micah…
Away-bati… Asaran… Kwentuhan lang pag walang ginagawa…
Madalas na din kaming magkasama…
At napansin naman nila Andrep yun…
Sa garahe habang naglilinis ng kotse…
Drep: Yan! Puro ka kasi Micah!
Ryan: Oo nga. Noon, yang mga kotse mo ang inaatupag mo. Ngayon, di ka na mahagilap dahil kay Micah.
Huminto ako sa paglilinis…
Gab: Kayong dalawa…
Dinuro duro ko sila gamit yung basahan na hawak ko…
Gab: Noon, kung tuksuhin nyo ako dun kay Micah parang kulang nalang asawahin ko sya. Tapos ngayong na ayos na kami, gaganyan ganyan kayo?!
Binato ko sa mukha ni Ryan yung basahan…
Ryan: Pweh! Ang bastos naman netong kumag na to!!
Kumuha ako ng inumin…
Drep: Edi inamin mo nang may gusto ka kay Micah?
Gab: Tinanggi ko ba? Sabi ko pa nga, may tama ako sakanya dba? Pero ---
Ryan: Pero ayaw mo ligawan kasi di ka sigurado.
Putol ni Ryan sa sinasabi ko…
Tinuloy ko na yung paglilinis…
Drep: Ano ba kasi gusto mong Makita nang ligawan mo na si Micah?
Tanong nya sakin…
Napahinto nanaman ako sa paglilinis…
Naalala ko yung sinabi ko kay Cristine na “SIGN”
Gab: Kelangan ko ng SIGN.
Ryan: SIGN? Gusto mo ng SIGN?
Tumayo ako…
Humarap sakanila…
Gab: Oo. Sign.
Drep: Di ba mukang g@go yun pre?
Gab: Bakit naman?
Drep: Kasi. Sige, sabihin na nating nakita mo na yung SIGN na hinahanap mo. Ano yun? Liligawan mo sya dahil sa SIGN na yan? Kuha mo yung punto ko?
Nakuha ko yung punto nya…
Tumango ako…
Gab: Yun nga eh. Kaya ayoko. Kasi nga, ayokong…
Masaktan sya?
Gab: Basta. Wag na. Ayoko.
Ryan: Anong ayaw mo?
Gab: Wala. Wala yun. Tara. Kain tayo.
FAST FORWARD…
Sa loob ng classroom…
Calculus class…
Pucha. Di ko maintidihan…
Nangingilo na ako sa mga nakasulat sa libro…
Ilang minuto ko na tong tinitigan pero di ko malaman kung panong nangyari to…
Nung tinignan ko yung katabi ko…
ABA! Tuloy tuloy lang sa pagko-compute tong Micah na to!
Buti pa sya!!!! >.<
Gab: Hoy Micah.