Habang naglalakad papuntang parking…
May nagtext…
***************************************
From: Andrep G.
San ka boy?
***************************************
Tinawagan ko sya…
Tamad akong magtext eh…
Gab: Hello?
Drep: Nasaan ka?
Gab: Papuntang parking.
Drep: Uuwi ka na agad?
Gab: Oo. Kanina pa akong uwing uwi.
Drep: Wag muna.
Gab: Ha?! Bakit?!
Drep: Wala. Tara tambay muna tayong GYM!
Gab: Ayoko.
Drep: Dali na. Saglit lang!
Ang ending, napilit nya ako tumambay sa gym…
Pagdating ko ng gym…
Umupo kami sa bench…
Binigyan nila ako ng softdrinks…
Halos babae yung mga andun…
Ewan ko kung anong meron…
Gab: Anong meron?
Ryan: Audition yan.
Gab: Ng ano?
Ryan: Cheerleading.
Gab: Sus. Kaya naman pala!
Kaya pala gustong tumambay ng mga ugok na to…
MADAMING CHICKS…
Mga walangya!
Drep: Chill ka lang pre. Steady lang.
Sabay nya sakin habang nakatingin sa mga babae…
Sumisipat to ng malalandi nya…
Inagaw ko nalang yung kinakain ni Ryan…
Gab: Akin na yan!
Ryan: P*tang*na naman talaga!
Gab: Oh bakit?! Ikaw din naman ganito. Suntukin kita dyan eh!
Nginuya ko lang yung kinakain nyang Tacos…
Maya maya…
Nag-umpisa na magsisisayaw yung mga babae…
Gab: Mga di naman marunong magsisisayaw.
Ryan: Maganda naman.
Halos lahat magaganda, pero yung iba parehas kaliwa ang paa…
Hanggang sa kumonte nalang sila…
Habang nanunuod kami…
*boogsh!*
Tumama sakin yung bola ng basketball…
At natapon yung Tacos na kinakain ko…
At sa damit ko pa…
Ayoko pa naman ng nadudumihan…
Gab: T*ng*na.
Ryan: Sht!
Tumayo ako…
![](https://img.wattpad.com/cover/1543366-288-k142961.jpg)