Gab: Boss, isang whiskey.
Bartender: Oh. Ikaw si Gab dba? Yung kaibigan ni Micah?
Gab: A-ah. Oo. Ako nga.
Binigay nya sakin yung Whiskey…
Bartender: Uh, nililigawan mo ba?
Gab: Sino?
Bartender: Si Micah.
Kamuntik ko na maibuga yung iniinom ko…
Gab: H-hindi. Bakit?
Ngumiti lang sya ng nakakaloko…
Ako naman parang biglang nahiya…
Bartender: Wala naman. Kasi twing andito ka sa counter ko na kausap mo si Micah parang boyfriend ka kung magbawal.
Boyfriend?!!!!
Di nga?!!!
Gab: Boyfriend? Eh tanong mo nga manliligaw.
Tumawa sya…
Ngumiti lang ako…
Tas umorder pa ulit ako ng isa…
Bartender: Eh sempre, inoonte onte ko. Mamaya sabihin mo pa, assuming ako.
Gab: Di ko yun nililigawan. Di ko rin yun girlfriend. Concern citizen lang ako.
Bartender: Concern citizen?! Hahahahahahahah! Ano si Micah?! PERWISYO?!
Humalagapak sya ng tawa….
Ako din natawa eh…
Gab: Hindi g@go. Sempre, ayoko lang na mabastos sya ng iba. Ang ikli kaya ng suot nya tas kung umupo akala mo. Nako ha?
Bartender: Chill lang bro. Isa pa?
Tumango ako…
Gab: Last na.
Nung ininom ko… Bumalik na din ako sa lamesa…
Habang naglalakad ako pabalik….
Sakto namang nagkatinginan kami ni Micah…
Bigla naman akong kinabahan…
Hoooooo! Lintek na babae to…
Ano kaya ginawa neto sakin?!
Drep: Oh san ka galing?
Ryan: Namula ka. Anyare sayo?
Umupo ako…
Ngumiti…
Gab: Sa counter. NagWhiskey.
Ryan: MADUYA!
Sabay palo nya sa lamesa…
Tumawa lang ako…
Tas maya maya lang….
Micah: Thankyou for tonight guys…
Narinig ko na yung tunog ng paglapag ng mic…
Tapos na sya kumanta…
Drep: MICAH! DITO!
Tawag sakanya ni Andrep…
Ako naman napangiwe nalang…
Teka, makikipagbati kasi ako dba?
Pano ba ako makikipagbati?
Yan na sya…
Micah: Uy! Andito pala ---
Nung nakita na nya ako…
Micah: K-kayo.
