Pagtapos naming kumain, bumalik na kami sa classroom…
Dumiretcho ako sa upuan ko…
Alam kong nakatingin sakin si Micah pero di ko sya pinansin…
Micah: Ehem.
Dedma…
Micah: Hoy.
Tumingin ako sakanya…
Micah: Badtrip ka pa?
Gab: Bakit?
Micah: Ah? Wala naman.
Di ako nagsalita…
Nagbuklat sya ng libro na pang hopeless romantic…
Maya maya lang dumating na yung prof ng last subject namin…
Nagsabi lang sya ng coverage ng exam…
Malapit na pla yung prelim exams…
Pagtapos non, nagdismiss din sya agad…
Micah: Mag-aral ka ha?
Tinignan ko sya…
Pero di ako nagsalita…
Kumunot yung noo nya…
Nagkunot noo din ako…
Micah: Ang sungit mo eh no? Nakapaglaro lang ng basketball. Tssss.
Gab: Pagbuhulin ko kayo nung manliligaw mong mayabang eh.
Micah: Eh bat bitter ka?
Gab: Ako?!!!!
Sabay turo ko sa sarili ko…
Gab: Bitter?! Hahahahahahaha!
Micah: Ewan ko sayo! Maghanap ka ng kausap mo!
Micah’s
Umalis agad ako…
Nabwisit ako bigla sa kanya…
Ang sungit akala mo kung sinong gwapo…
Pahiya pa ako non, Asa daw?!!!
Dirediretcho ako sa paglalakad palabas ng school…
Jake: Micah. Micah.
Lumingon ako…
Jake: Uuwi ka na ba?
Micah: Oo. Ska nalang tayo mag-usap Jake. Wala ako sa mood.
Sabay talikod ko…
Sumakay ako ng bus…
Pagdating ko sa bahay nagpalit lang ako ng damit…
Humiga sa kama ko at nagpahinga…
After 30 minutes…
Bumangon ako para mag-aral…
Meron akong isang exam bukas….
Nung 7pm na, nagbihis na ako para pumasok sa bar…
Pagdating ko dun sa bar, nagtrabaho ako as usual…
Mas maaga akong natapos ngayon dahil ng sa prelim week na…
Bago ako umuwi kinausap ako nung may ari ng bar…
Manager: Micah, balak kong kumuha pa ng isang singer. Tingin mo?
Micah: Kayo po bahala. Pero bakit po? Humihina po ba yung kita ng bar?
Manager: Hindi. Pero dba? Para may bago naman?