Micah's
2 weeks na...
Pero hanggang ngayon, di pa din binabawi ni Gabriel yung sinabi nyang "boyfriend" ko sya...
Aaminin kong, kinikilig ako MINSAN.
Minsan pag nagsusungit sya sa mga lalakeng kumakausap sakin...
Pero minsan naiinis ako twing si Justin ang ginaganon nya...
Paano naman kasi napaka nya no...
Lagi na din nya akong hinahatid pauwi...
Dahil dun, nasanay na ako...
Pero palagi pa din kaming nagsisigawan...
Gab: Hoy! Anong iniisip mo ha?
Tanong nya sakin habang ngumunguya...
Nag-aantay kami ng next subject...
Andito lang kami sa may bench sa labas ng classroom...
Micah: Pati iniisip ko pinapakelaman mo? *irap*
Gab: Irap irap ka pa dyan. Gusto mo tusukin ko mata mo?
Micah: Gusto mo kalbuhin kita?!
Kinuha ko yung kinakain nya...
Micah: Hoy Gabriel, di mo pa ba babawiin yung sinabi mo?
Gab: *kunot noo* Anong sinabi ko?
Tsk! Eto nanaman kami...
Palagi syang ganyan, tatanungin nya yung "anong sinabi ko?"
Alam nya kasing di ko masikmura yung sabihin na... ALAMNYONA?
Micah: Tsss. Yung ano... Bahala ka nga dyan!
Gab: Talagang bahala ako.
Tinignan ko sya ng masama...
Pang-asar talaga sya kahit kelan...
Ngumiti sya, yung ngiting pang-asar…
Ganyan yan! Palagi nya akong tatanungin ng “anong sinabi ko?”
Paano kasi, alam nyang di ko masikmura na sabihin na “boyfriend” ko sya…
Ngayon nga, medyo di ko na pinaglalaban na bawiin nya eh…
Palagi na din nya akong hinahatid pauwi…
Nasanay na ako dun. Pero di pa din mawala wala samin yung magsigawan…
Lalo na pag binubuwisit nya ako…
Gab: Tara na. Magta-time na.
Tumayo kami…
Bumalik sa classroom…
Nung uwian na…
Gab: Una na ako sayo. Magkikita pa kasi kami nila Andrep.
Micah: Ge.
Sabay gulo nya sa buhok ko…
Umalis na sya…
Nung naglalakad na ako sa corridor…
“Micah!”
Lumingon ako…
Si Liz ska Rica…
Micah: Oh Liz.
Liz: May lakad ka ba bukas ng gabi?
Micah: Wala naman. Bakit?
Liz: Sama ka samin. Magbabar kami ni Rica eh.
Micah: Bar? Di ako nagbabar eh…