Chapter 28.

137 1 0
                                    

Nung nahimasmasan na sya sa binigay ko…

Umupo na sya kasama namin ni Andrep…

Drep: Oy Gab, may laro tayo sa lunes ah?

Gab: Yung sa basketball?

Tanong ko skanya habang kumukuha ng pulutan…

Drep: Oo.

Gab: Eh paano yung PE ko?

Ryan: Excused ka pre. Tas wala kang PE ng isa pang meeting.

Tumango lang ako sabay inom ng alak…

********************

Monday…

Pagtapos ng isa naming class, PE na…

Micah: Wala kang dalang pangPE?

Gab: Meron. Nasa locker.

Tumango lang sya…

Micah: Sige. Una na ako. Magpapalit pa ako eh.

Gab: Sabay na ako.

Micah: Ha?!

Tumawa ako dahil sa reaksyon ng mukha nya…

Gab: Palabas ng room. Yan napapala mo sa kakabasa ng librong pang hopeless romantic.

Micah: Hindi rin.

Sabay irap nya sakin…

Sabay kaming lumabas…

Sa corridor, nakasalubong na namin sina Ryan…

Ryan: Hi Micah!

Micah: Hello.

Drep: Nakanang. Magkasundo na kayo?

Tinignan ko lang ng masama si Andrep…

Tumigil naman agad sya…

Drep: Ano? Tara na. Inaantay na tayo sa Gym.

Micah: Bakit?

Ryan: Di mo ba alam?

Drep: Pinakiusapan kami ng coach na makipag practice game.

Micah: Ta-laga?!

Ryan: Oo. Dapat nga isasali pa kami sa mismong varsity. Kaso lang…

Inakbayan ako ni Ryan…

Ryan: …ayaw ni kaibigang tunay.

Gab: Tsk. Tara na. Dami nyong sinasabi.

Tinanggal ko yung kamay ni Ryan sa balikat ko…

Gab: Ikaw. Magpalit ka na. Male-late ka na, nakikipagkwentuhan ka pa sa dalawang ugok na to.

Sabi ko kay Micah…

Nauna akong maglakad papuntang locker…

Micah: Sige Ryan, Andrep.

Drep: Sige.

Pagtapos nila magpaalam kay Micah, tumakbo sila para sundan ako…

Drep: Nagmamadali ka pre?

Ryan: Oo nga, may lakad ka ba?

Gab: Wala.

Nagpalit na kami ng damit ska dumiretcho sa gym…

Pagpasok namin ng gym sinalubong kagad kami ng coach…

Coach: Warm up na. After 20 minutes, start na tayo.

Drep: Sige coach.

Pumunta kami sa gilid ng gym…

Napansin naming madaming taong nanunuod…

SERENDIPITY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon