Chapter 18.

120 1 0
                                    

Kinagat ko yung dila ko…

 Pinipigalan kong ngumti dahil sa mukha nya…

 Yung mukhang namumutla…

 Di makapaniwala…

Micah: Seryoso?!

 Gab: Oo. Kaya nga may kotse ako eh. Malakas kita dun.

 Micah: Di nga?!

 Gab: Oo nga. Kung simpleng business lang meron kami, tingin mo makakabili ako ng kotse?

 Micah: Seryoso talaga yan??!

Tumango lang ako…

 Di ako makapagsalita…

 Pigil na pigil ako sa tawa ko…

 Ang daling magoyo netong babaeng to…

Micah: Gabriel. Hindi nga?

Tumingin ako sa kanya…

 Eto na…

Gab: Pfffft…. Pfffft… HAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHA!

Micah: Ang epal mo din eh no?

 Gab: Hahahahahahahhahahahahahaha! Naniwala ka? HAHAHAHHAHAHA!

 Micah: Ang epal mo!!!

Tinignan ko sya habang tumatawa ako…

 Inis na yung mukha nya…

Gab: Sorry. Hahahahahah!

 Micah: Mamatay ka sana kakatawa.

 Gab: HAHAHAHAHA! Teka. Isa nalang. HAHAHAHAHHAHA!

 Micah: Ewan ko sayo! Uuwi  na nga ako.

Tumayo sya…

Tumayo din ako…

Teka, galit sya?

Gab: Teka, galit ka?

 Micah: Ikaw kaya magtanong sakin ng seryoso. Tas sagutin kita ng ganyan?!

 Gab: Sorry na.

Micah: Mukha mo sorry! Tapusin mo mag-isa yan.

 Gab: Weh? Sorry na. Ang pikon naman neto.

Micah: Tsss.

 Gab: Sorry na. Bati na tayo. Promise di na kita bibiruin.

 Micah: Promise?

 Gab: Promise.

Sabay angat ko ng kanang kamay ko…

 Ngumiti na sya…

Micah: Sige.

Mabilis na maloko…

Mabilis pa magpatawad…

 Parang bata…

 Tinuloy namin yung project…

 Hapon nung makatanggap ako ng tawag galing kay Andrep…

 May laban daw sya mamaya…

 Sempre, sasama kami ni Ryan…

 Nung mga bandang 5pm na…

Micah: Uwi na ako.

 Gab: Aalis ako eh. Gusto mo, antayin mo na ako… Tapos isasabay na kita.

 Micah: O sige.

Nagligo ako…

 Tas nagbihis…

 Nag jeans lang ako, shirt, jacket ska sempre sneakers…

Gab: Tara.

Pagbaba namin…

 Nakaupo si Ayen sa sala… Nanunuod…

Gab: Ayen, si mama?

 Ayen: Umalis.

 Gab: Alis na ako.

Micah: Ah, Ayen. Alis na din ako.

Paalam nya kay Ayen…

 Tumango lang si Ayen habang naka-ngiti…

Gab: Wag kang aalis ah. Yung bahay.

 Ayen: San ka ba pupunta?

 Gab: Dyan lang.

Ayen: Hahatid mo lang si Ate Micah, nakaporma ka pa! Daig mo pa namamanhikan!

Micah    O///O

Dinampot ko yung tsinelas sa lapag ska ko binato kay Ayen…

Gab: Lintek kang bata ka! Kanina ka pa. Anong namamanhikan?!!

 Ayen: Eh bat kayo namumula dalawa?!

 Micah: H-ha?! D-Di ah?!

 Ayen: Oh kelangan nauutal pa? Yihiiiie.

 Gab: Hoy Ayen! Umayos ka nga! Nakakahiya.

 Ayen: Nakakahiya daw? Tse. Alis na. Ingat ka Ate Micah.

Lumabas na sya ng pinto…

 Lumabas na din ako…

Ayen: Kuya! Balato ha?!

 Gab: MUKHA MO BALATO!

Binuksan ko yung gate…

 Pagbalik ko sa kotse…

 Nakatayo pa din sya sa gilid…

Gab: Ano? Sasabit ka sa labas? Di ka sasakay sa loob?

Micah: Sasakay.

Gab: Oh sakay na.

Pumasok sya... Ganun din ako…

 Paglabas ko ng kotse…

 Bumisina ako para isara ni Ayen yung gate…

Habang nagda-drive…

Micah: San ka ba pupunta?

Gab: Dyan lang. Ikaw? San kita ibaba?

 Micah: Sa kotse.  *grin*

 Gab: Ah. Ganon? Pinipilosopo mo ako?

 Micah: San ka nga kasi pupunta?

 Gab: Basta.

 Micah: Arte. Basta basta pa.

 Gab: Gwapo eh.

 Micah: Weh? Pero bat sabi ni Ayen, balato?

 Gab: Ah yun? Wala. Hilig nya kasi manghingi ng pera sakin.

 Micah: Binibigyan mo naman?

 Gab: Minsan, pag meron talaga. Pag wala, sempre kahit umiyak pa sya ng thumbtacks, di ko sya bibigyan.

Tumawa sya…

 Ewan ko kung bakit sya tumawa…

 Baka kasi may sa-engkanto sya…

Micah: Pero di nga? San ka talaga pupunta ska ano ginagawa mo sa buhay mo?

 Gab: Ginagawa ko sa buhay ko? Para namang naligaw ako ng landas.

 Micah: Hindi. Ang tanga naman neto. Ayoko na nga.

 Gab: Kung maka-tanga. ANG TALINO MO AH!

 Micah: Oo naman.

 Gab: Ikaw? Nako ha.

 Micah: Aba Gabriel, hinahamon mo ba ako?

 Gab: Ha! Ano gusto mo ha?

Micah: Sige. Pustahan tayo. Pag mas mataas ako ngayong Prelims, sasagutin mo lahat ng tanong ko ng walang BASTA BASTA.

Di agad ako nakasagot…

 Paano kung magtanong sya ng mga bagay na di ko kayang sagutin?

 Tinignan ko sya…

Micah: Ano?

Siguro, gagalingan ko nalang…

 Para ako ang magtatanong sa kanya…

Gab: Sige.

 Micah: Sige ha?!

SERENDIPITY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon