Micah’s
Sa tinagal tagal kong sinuswerte…
Ngayon lang ako nakatikim ng malas…
Nung nakatabi ko tong lalakeng mataas pa sa Eiffel tower ang self confidence…
Weeks passed…
Lagi lang kaming nagsasamaan ng tingin…
Minsan di namin maiwasan na magsagutan…
Isang beses…
*FLASHBACK*
Habang nagdidiscuss yung prof sa harap…
Sinipa nya yung papel sa ilalim ng lamesa…
Sempre, di ako papayag na mapunta sakin yung kalat…
Micah: Hoy hoy! Kalat mo yan ah?!
Gab: Anong akin?! Iyo yan, kaya nga sinipa ko papunta sayo eh!
Micah: Anong sakin?! Nakita mo ba akong nagtapon ng papel?!
Gab: Sayo nga yan!
Sinipa ko yung papel pabalik sakanya…
Pero sinipa nya ulit pabalik sakin…
Micah: ANO BA?!!!!
Gab: ANO DIN BA?!!!
Prof: SANTOS AND SALAZAR?!
Napahinto kami…
Prof: You’re disturbing this class. GO OUT, THE BOTH OF YOU!!!
Micah: But ---
Prof: NO BUTS! OUT!
Sabay tayo naming dalawa…
Lumabas kami ng classroom…
Micah: EPAL KA KASI!
Gab: IKAW YUN!
*END OF FLASHBACK*
Ewan ko ba kung bat ganon…
Basta lagi kaming nagkakainisan…
Prof: We’ll be having a project and you’ll be grouped by twos.
Pinagdadasal kong sana kami na mamili ng ka-partner…
Prof: And your seatmate will be your partner…
*BOOM!*
Durog ang kinabukasan ko!
Tinignan ko sya…
Nakatingin lang sya sa harap…
Infairness… ANG GWAPO TLAGA NYAA! >.<
Kaso, masama ang ugali…
Inexplain yung gagawin namin…
At sa pagkakaexplain nya, kailangan na MAGKASAMA ang magka-partner sa pag gawa ng project…
Tsh… MALAS MO MICAH! Ikaw naaa!
Gab: Partner kita.
Sabay ngiti…
Wait… BAGO TO!
Micah: Alam ko!
Gab: Sungit.