Chapter 59.

133 2 0
                                    

Music sa gilid (^__^).v

Vote. Comment. Be a fan.

Thankyou! =D

******************************************

Gab’s

1 Month later…

Habang hinihintay namin ni Ryan si Andrep matapos sa laban nya ng drifting…

Ryan: Iinom ulit tayo mamaya?

Gab: *nod*

Ryan: Para ka nanamang namatayan.

Di ko nalang sya pinansin…

Nakaupo ako dun sa hood ng kotse ko habang sya nakasandal lang sa gilid…

Ryan: Ang tagal naman matapos. Tsk.

Nakatingin lang ako sa lupa…

Iniisip ko pa din si Micah…

1 Buwan na pero, wala akong maramdaman na pagbabago sa sarili ko…

Lango nanaman ako sa alak…

Hininto ko nanaman yung pag-aaral ko…

Bumalik ako sa dating ako nung nawala si Tin…

Ang pinagkaiba lang ngayon, hindi ako lumalapit sa babae…

Habang lumilipad yung utak ko…

“andito pala yung talunan oh?”

Pag lingon ko, may limang lalakeng nakatayo sa harapan ni Ryan…

Ryan: Problema mo?!

Matapang na tanong ni Ryan dun sa lalakeng nasabi ng “talunan”…

Lumapit ako sakanila…

Gab: Anong problema?

Tanong ko sakanilang lahat…

Tumingin yung limang lalake sakin…

“ikaw ba yung may ari nung kotse na ipinusta netong gunggong mong kaibigan?”

Dinuro nya si Ryan…

Tinapik naman ni Ryan yung kamay nung lalake…

“ABA! Kinakanti ka tol oh?!”

Sabi nung isang lalaki na nasa gilid…

Nagtawanan naman silang lima…

Nabadtrip agad ako… Simula nung gabi na sinabihan ako ni Micah na di na nya ako mahal, naging maikli nalang pasensya ko sa lahat ng bagay…

“Kaya mo nba bunggo mo ha?!”

Sigang tanong nya kay Ryan…

Sa sobrang badtrip ko, tinulak ko yung lalake palayo kay Ryan ska ko sya hinarap…

Gab: Put*ng*na mo?! Kung makapagyabang ka… akala mo kung sino ka na?! Bakit?! Ano na ba maipagmamalaki mo?! Yung kotse kong nakuha mo sa tropa ko?! Eh pucha. Ang dami dami kong kotse. GUSTO MO PAKAIN KO PA SAYO EH!

“Ul*l! Di mo ba ako kilala ha?!”

Gab: Sino ka ba para kilalanin ko ha?!!!

“HOY! SABIHIN MO NGA DYAN SA MAPAPEL NA YAN KUNG SINO AKO!”

Sabi nya dun sa isang lalakeng kasama nya…

“Sya lang naman si Bill. Ang may hawak ng gang na may hawak ng lupang kinatatayuan mo.”

SERENDIPITY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon