Micah's
Pumunta kami kung saan naka-park yung kotse nya...
Pagkasakay ko, kinabit ko yung seat belt...
Nagdrive sya hanggang sa nakarating kami sa isang kainan...
Micah: Nasan na tayo?
Tanong ko sakanya habang naglalakad kami papasok dun sa kainan...
Gab: Tawag dito, tapsilogan. Di mo alam?
Micah: Alam ko. Ano tingin mo sakin? Tanga? *irap*
Gab: Tusukin ko mata mo eh. Ano gusto mo?
Pumunta kami dun sa harap ng counter...
Tinignan ko yung menu...
Micah: Kung ano yung iyo, ganun nalang din yung akin.
Gab: Sure ka?
Micah: *nod*
Gab: O sige.
Micah: Upo na ako ha?
Tumango sya...
Umupo ako sa table malapit sa bintana...
Maya maya lang, dumating sya dala dala yung pagkain...
Micah: A-ano to?
Gab: Bangusilog. Isda ate. Isda yan. Bakit?
Micah: Eh kasi...
Tinignan ko yung pagkain...
Micah: Di ako kumakain ng isda.
Gab: Ha? Bakit? Masarap yan!
Micah: Eh. Di ako kumakain nyan kasi may tinik. Di ako marunong magtanggal ng tinik.
Gab: Grabe! Saang planeta ka ba galing?!
Kinuha nya yung isda sa plato ko...
Tas nilagay nya sakanya...
Micah: A-anong gagawin mo? Wala akong ulam hoy!
Gab: Ipaghihimay kita mahal na prinsesa. Kalma lang.
Oh dba?
Sabi sainyo!
Topakin yan!
Minsan masungit, minsan buwisit.
Pero minsan, sweet (e///e)
Isa isa nyang nilagay yung nahimay nya sa plato ko...
Nung matapos na...
Gab: Oh yan. Kain na.
Micah: T-thankyou *blush*
Tumawa sya ng bahagya...
Oo na. Ako na kinilig...
Langya kasi...
Kumain na ako...
Gab: Ano? Masarap?
Sa sobrang nasarapan ako...
Di na ako nakapagsalita...
Tumango tango lang ako...
Pagtapos namin kumain...
Babalik na dapat kami ng school nung biglang tumunog yung phone ni Gabriel...
Gab: Drep.
Hawak hawak nya yung phone nya habang binubuksan yung kotse...
Pumasok na din ako...
