Chapter 58.

159 2 1
                                    

Music sa gilid (^__^).v

Vote. Comment. Be a fan.

Thankyou! =D

******************************************

Angelo’s

Pumunta ako sa bahay nila Micah…

Pagdating ko dun, nakita ko si Micah na nakaupo sa sala…

Nakatingin lang sya sa TV pero di naman nakabukas…

Tinabihan ko sya…

Angelo: Bagong trip mo ba yan? Titigan yung TV kahit na nakapatay? *smirk*

Micah: Di naman. *small smile*

Angelo: Anong problema?

Tanong ko sakanya…

Pero ngumiti lang sya sakin…

Micah: Wala to Gelo.

Tumingin sya sakin…

Micah: Kamusta na yung mga inaasikaso mo?

Angelo: Bawal yan sayo dba?

Micah: Ang alin?

Angelo: Yung sinasarili mo problema mo. Di ba? Sabi ng daddy at doktor mo. Pag may sama ka ng loob, ilabas mo? Kasi nakakasama sa puso mo yan?

Sabi ko sakanya habang sya nakayuko lang…

Hinintay ko syang magsalita pero nabigo ako…

Kaya naman sumandal ako sa sofa…

Angelo: Kung wala kang ikukwento… Ako nalang ang magkukwento.

Kababata ko to…

Di man naging kami, simula pa lang nung bata kami, tinanggap ko na kahit paano, responsibilidad ko sya bilang kababata…

Angelo: Galing akong bar kanina. Sa Mugen. Alam mo yun?

Napayuko sya…

Angelo: Kinita ko kasi yung mga long lost friends ko. Pauwi na sana ako nung nakita ko si Gabriel. Kasama nya mga kaibigan nya siguro yun. Lalapit sana ako para batiin sya kaso ---

Micah: Tama na Angelo.

Basag na putol nya sa kwento ko…

Tinakpan nya yung tenga nya…

Angelo: Ano ba kasi nangyari?

Ni-rub ko yung likod nya…

Naglean forward ako para marinig ko yung sasabihin nya..

Pero di pa din sya nagsalita…

Angelo: Itutuloy ko yung kwento ko. Lalapit sana ako sakanya pero narinig kong binanggit yung pangalan mo ng kaibigan nya. Hindi naman sa tsisimoso ako, pero pinakinggan ko yung pinag-usapan nila…

*pause*

Angelo: Akala daw nila, ikaw yung nakakuha ng puso ung Tin.

Pagkasabi ko non, bigla syang humagulgol…

Nagulat ako nung lumakas yung iyak nya…

Pero, hinawakan ko lang sya sa balikat…

Micah: Akala nya, ako yung nakakuha ng puso nung ex nya. Kaya pala pagtapos namin gawin yun, para syang lumayo… Akala ko, naiilang sya sakin…

Namilog yung mata ko sa kinuwento nya…

Angelo: Ginawa nyo?! Nag --- TSK!

Di sya sumagot…

SERENDIPITY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon