Micah’s
Siguro nga totoo yun…
Pero ang importante, yung ngayon…
Mahal nya ako, mahal ko sya….
Sapat na yun…
Bumitaw ako sa pagkakayakap ska ko sya niyaya maligo sa dagat…
Nagtampisaw lang kami dun…
Nung napagod na ako, nag-aya na akong bumalik sa kwarto…
Gab: Mauna ka nang magligo. Bibili lang ako ng beer.
Micah: *nod* dalhin mo na yung susi para di ka na kumatok.
Pumasok ako ng CR at naligo…
Pagtapos ko nagbathrobe lang ako…
Tinawag ko sya sa labas ska sya pumasok sa CR…
Nagmadali akong magbihis…
Nagsuot ako ng fit na racer back ska maikling shorts…
Pero di naman sya sobrang ikli, saktong SHORTS lang…
Umupo ako sa gilid ng kama para magpunas ng buhok…
Gab’s
Bago ako lumabas ng CR, nagbihis na ako…
PJ’s ska sando lang na white…
Nagpupunas ako ng buhok nung lumabas ako ng CR…
At namilog yung mata ko nung Makita ko si Micah…
Nakatalikod sya sakin, nagpupunas din sya ng buhok…
Pero ang napansin ko yung suot nya…
Napalunok ako ng laway nung nakita kong hapit na hapit sakanya yung suot nyang sando…
Oo, alam kong naligo sya kanina sa dagat ng ganon yung suot nya, pero, seryoso ba syang matutulog sya ng ganyan?!!!!
Micah: Saan mo nilagay yung tira na donuts?
Humarap sya sakin…
Napa-tingin ako sa sahig bigla…
Gab: D-di ko alam. Magpalit ka nga ng damit mo!
Sabi ko sakanya habang sinampay ko yung towel dun sa upuan…
Micah: B-bakit? Anong meron sa damit ko?
Gab: Basta. Magpalit ka ng maluwag.
Micah: Wala akong tshirt na maluwag.
Binuksan ko yung bag ko, ska ko binigay yung white tshirt ko…
Gab: Oh! Magpalit ka dun sa CR.
Micah: Bakit ba?!
Gab: Ayoko nga nyang suot mo!!!
Micah: ANO NGA MERON SA SUOT KO?!
Gab: BASTA!
Micah: BAKIT NGA?!
Gab: BASTA! MAGPALIT KA NA LANG! ANG INIT!!!!
Iniwan ko sya dun at lumabas ako ng kwarto…
Kumuha pa ako ng isang bote ng beer at ininom ko dun sa labas ng kwarto…
Mga 10 mins, pumasok na ako ulit ng kwarto…
Micah: Okay na???!!!
Gab: *gulp*
Bakit kahit ano ipasuot ko sakanya parang iba pa din yung dating…
Mas okay pa ata yung damit nya kanina?