Gab’s
Nung pagkahatid ko kay Micah…
Parang ang gaan ng pakiramdam ko?
Namiss ko yung ganitong pakiramdam…
Habang nagdadrive ako pauwi, nakangiti ako…
Hanggang sa nakapasok na ako ng bahay…
Wala si Ayen…
Baka tulog na… Sinilip ko sya sa kwarto…
Tulog na nga…
Pumasok ako ng kwarto ko…
Tapos biglang…
“BAH!”
Gab: Ay p*tang*na mo!
Ryan & Drep: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!
Gab: Anong ginagawa nyo dito?!!!
Ryan: Sleepover pre. Uso sa lalaki yon! HAHAHAHHA!
Drep: Gay sht lang pre. Pero gusto namin matulog dito.
Gab: Dito? San kayo matutulog dyan? Sakin pa nga lang kulang na yang kama ko.
Drep: Ang damot naman ng g*gong to!
Ryan: Oo nga. Dyan ka sa lapag. Kasya kami ni Drep sa kama mo.
Gab: Ako?! Sa lapag?! G*go ka ba?!
Ryan: Hindi ah. Baka si Andrep.
Drep: Lul.
Gab: Wag nga kayong maingay. T*ng*nang mga to. Ano kala nyo sa kwarto ko?! Soundproof?!
Drep: Ina mo kasi Ryan. Ingay mo!
Gab: Nagturuan pa kayo. Maliligo lang ako.
Iniwan ko sila…
Hinubad ko yung jacket ko ska ko sinabit sa computer chair…
Naghubad ako ng sapatos…
Nilapag ko sa drawer yung susi, wallet ska relo ko…
Bumaba ako para magCR…
Pagbalik ko sa kwarto…
Nakaupo si Andrep sa computer chair hawak hawak yung jacket ko…
Si Ryan naman nakaupo sa kama…
Gab: Ano problema nyong dalawa?!
Nakakatitig sila sakin habang nagpupunas ako ng buhok…
Ryan: San ka galing?
Gab: Sa CR.
Drep: Ang bobo mo kasi magtanong Ryan!
Ryan: Bobo ka dyan?! ANG TALINO MO AH!
Drep: Letse. San ka nagpunta kanina nung bago ka umuwi?!
Sasabihin ko bang galing akong bar…
Na nagpunta kami sa park ni Micah…
Ska hinatid ko sya?!
Hindi ko pwedeng sabihing hinatid ko…
Malamang pupunahin nig dalawang kumag na yan…
Di ko ugaling naghahatid ng babae…
Gab: Uminom.
Ryan: Saan?
Gab: Sa bar.
Drep: Saang bar?
Gab: Smoothe.