Gab’s
Pagdilat ko, purong puti lang ang nakikita ko…
Tunog lang ng life monitor ang naririnig ko…
Tumayo ako sa kama ko…
Una kong hinanap si Micah…
Gab: Micah?
Naglakad ako palabas ng kwarto, dun ko lang napansin na nasa ospital pala ako…
Lahat ng nakikita kong nurse, nakangiti lang sakin…
Sa dulo ng lobby, isang pamilyar na babae ang nakita ko…
Nakangiti sya sakin… At di ko napigilan na di ngumiti sakanya…
Gab: C-cristine.
Lumapit ako sakanya…
Cristine: Kamusta ka na?
Gab: Eto, may benda yung ulo at braso ko… Okay lang ako!
Cristine: Hanggang ngayon, mapagbiro ka pa din.
Gab: Anong ginagawa mo dito?
Ngumiti sya sakin…
Onte onteng nawala yung ngiti sa mukha ko…
Onte onte ko kasing naisip kung bakit kami magkausap…
Cristine: Tara. Maglakad tayo.
Tumayo ako at sinundan ko sya…
Pagdaan namin sa kwartong pinanggalingan ko…
Cristine: Pangalawang beses ka na nilang irerevive Gabriel.
Nakita ko yung dalawang doctor at tatlong nurse na nakapaligid sa katawan kong nakahiga sa kama…
Natakot ako sa mga nakita ko, pero nakangiti sakin si Tin…
Cristine: Nahihirapan ka na huminga ngayon Gabriel. Pwede kong tanggalin yung hirap mo.
Gab: P-paano?
Cristine: Sumama ka na sakin.
Gab: H-ha?
Nag-init yung mata ko…
Natakot ako sa sinabi nya…
Sinusundo na ba nya ako?
Habang nakatingin ako kay Tin, tatlong pamilyar na tao ang nakita kong tumatakbo papunta sa kwarto ko…
Si Andrep at Ryan…
At si Micah…
Tinignan ko silang pumasok sa kwarto ko…
Nilapitan ko si Micah na nasa paanan ng kama ko…
Hahawakan ko sana sya pero…
Cristine: Di mo sya mahahawakan…
Gusto ko syang yakapin…
Gusto ko syang patahanin sa pag-iyak…
Micah: Gabriel. Wag mo akong iwan. Lumaban ka.
Gab: *gulp*
Binalik ko yung tingin ko kay Tin…
Cristine: Halika, maglakad pa tayo dun.
Sinundan ko sya…
Sa isang chapel kami huminto…
Umupo sya sa harapan ng altar…
Cristine: Alam mo, alam ko yang nararamdaman mo. Yung pakiramdam na gusto mo syang patahanin, yakapin at sabihing, “magiging okay din ang lahat, *smile* Kasi, yan ang naramdaman ko nung namatay ako at nakita kitang umiiyak sa harap ng kabaong ko.
