Lunch break…
Nilapitan ko sya…
Micah: Liz, sabay ulit tayo.
Sabi nya kay Liz…
Gab: Hindi sya sasabay sainyo. Mag-uusap kami.
Sabi ko kay Liz…
Liz: H-ha? O-oh sige.
Micah: Hindi. Sasabay ako sainyo.
Gab: Hindi nga sabi eh.
Micah: Sabi nang oo eh!
Gab: Hindi. Sakin ka sasabay.
Nilapitan ko sya pero humakbang sya palayo…
Ang tigas netong babaeng to…
Micah: Ayoko nga. Bat ba ha?!
Liz: Sis. Sige na. Kay Gab ka na sumabay. Una na kami ni Rica.
Micah: H-hindi. Sa inyo ako sasa---
Gab: Sige na. Una na kayo.
Hinawakan ko yung kamay nya…
Umalis na sila Liz…
Micah: Bitawan mo nga ako?! Ang epal mo eh no?!
Tinanggal nya yung kamy ko sa pagkakahawak…
Gab: Ano ba problema mo?!
Micah: Wala akong problema. Ikaw?! Ano bang problema mo ha?!
Napatawa ako sa sobrang inis…
Wala daw problema pero ganon sya sakin…
Ano yon?! Trip lang nya?!
Gab: Wala kang problema sakin pero ginaganito mo ako?!
Micah: Inaano ba kita ha?!
Gab: Iniiwasan mo ako!
Micah: Oh eh ano ngayon kung iwasan kita?!
Gab: Kung wala kang problema sakin. Sige. Iibahin ko yung tanong…
Tinignan ko sya…
Kita sa mukha nya na galit na galit sya…
Gab: May problema ba tayo??
Tumawa sya….
Napakunot noo ako…
Micah: Tayo?! Nagjojoke ka ba?! Walang TAYO Gabriel. Matagal ko nang sinasabi sayong bawiin mo yung sinabi mo!
Aray naman!
T@ngina lang ha?
Sasagutin ko sana sya pero biglang…
Gab: ARAY!
Sinipa nya ako sa binti ska sya tumakbo…
Gab: H-hoy! Micah! Bumalik ka dito!!!
Umupo muna ako saglit para tawagan si Ryan…
Ryan: Pre, nasaan ka?
Gab: Andito ko sa classroom, kumain na ba kayo?
Ryan: Hindi pa. Inaantay ka nga namin eh.
Gab: Nasaan kayo?
Ryan: Canteen.
Gab: Ge, puntahan ko kayo.
Ryan: Okay.
Paika-ika akong naglakad…
Pagdating ko sa canteen…