Justin: Ano? Hatid na kita?
Micah: H-ha?
Nakatayo sila sa tapat ng bar...
Justin: Wala naman ata yung taga hatid mo eh.
Micah: Bakit? Meron ba akong taga hatid?
Sumakay na yung Justin sa motor nya...
Justin: Edi yung may kotse.
Micah: Pssssh!
Kinuha nya yung helmet...
Bigla akong nairita! Alam nyo yun?
Nawala na to kanina eh!
Nung nag-pizza kami kasi sinabi nya na ako yung kasama nyang kakain...
Pero eto nanaman?
T@nginang Justin to, papapel nanaman?
Di na nakuntento kagabi?!
Sa sobrang inis ko...
Binuksan ko yung ilaw ng harap ng kotse ko...
*beep beep*
Tumingin sila parehas sakin...
Bumaba ako ng kotse...
Gab: Ako na maghahatid sakanya.
Sabi ko dun sa Justin...
Bumaba sya sa motor nya...
Justin: Hindi pre, ako na. Tutal nauna naman ako eh.
Gab: Ako na nga dba?
Lumapit ako sakanya...
Bangasan ko kaya to?
Justin: Eh bat ang angas mo?!
Gab: Na-aangasan ka na sakin sa lagay na to?
Justin: Ano ka ba ni Micah ha? Kung makapag-angas ka dyan kala mo.... Ano ka ba nya ha?!
Tinignan ko si Micah...
Gab: Ano nya ako?! Boyfriend nya ako. May palag ka?!
Micah: G-gabriel!
Tinignan ko lang si Micah...
Yung tingin na "subukan-mong-umanggal-yari-ka-sakin"
Binalik ko naman yung tingin ko dun sa lalake...
Wala, tameme lang sya...
Micah: S-sige na Justin. Ayos lang. Thankyou nalang.
Inabot nya yung helmet dun sa Justin...
Humakbang ako paatras...
Justin: Sigurado ka ba?
Micah: Oo *smile* ingat ka ha?
Justin: Sige.
Bago sya umalis, tinignan nya pa ako ng masama...
Kala nya matitinag ako? Edi sempre tinitigan ko lang din sya...
Micah: ANO YUNG GINAWA MO KANINA?!
Pagalit na tanong nya sakin...
Galit naman ni Micah ang haharapin ko...
Okayyy!
Gab: Bakit?! May angal ka don?!
Micah: Hoy Gabriel! Kung yung ibang tao nadadaan mo sa ganyan mo, pwes! Ibahin mo ako!
Oo. Iba ka naman talaga sa iba eh... Tsss.
Micah: Ngayon, ano yon ha?! Ano yung ginawa mo?!
Gab: Sumakay ka na. Ihahatid na kita.