Tita: Gabriel. Sorry kung di ko nasabi agad sayo to.
Gab: Ano po yun?
*pause*
Dali na.
Kinakaban ako oh?!
Ngumiti sya sakin…
Tita: We donated Cristine’s heart sa heart center.
Buffering…
Processing…
Loading…
Gab: WHAT?!
Di ko alam kung anong mararamdaman ko…
Parang kasing… alam mo yun?
Yung taong mahal mo, tinanggalan ng puso tas pinamigay sa iba?
Parang naiinis ako…
Tita: Alam kong gusto ni Tin yung ginawa namin. She really like helping others. She’s fond of charity works.
Sabi nya habang nakatitig sa puntod ni Cristine…
Totoo yun. Laging tumutulong si Cristine sa ibang tao…
Kahit pa di nya kilala, basta naawa sya, tutulungan nya…
Konte nalang nga, SANTA na yun eh…
Tita: Atleast dba? Kahit na nawala satin si Cristine, may naduktungan naman tayo.
May point sya…
Napapikit ako…
*sigh*
Gab: I’ve really missed her tita.
Niyakap nya ako…
Tita: I do feel that same way too.
Nung nakita kong maluluha na sya…
Gab: Shhh. Tita, ayaw po ni Cristine na umiiyak kayo.
Tita: I know. Haha. Same with you.
Gab: Haha. I don’t cry.
Tita: Brave man.
Gab: *smile*
Sabay lang kaming tumitig sa puntod nya…
Tsk… Bat kasi… HAY!
Gab: Kilala nyo po ba kung sino nakatanggap nung heart nya?
Tita: No. Di ko inalam. Baka kasi, maisip kong ampunin sya. Hahaha.
Ngumiti lang din ako…
Sino kaya yun?
Babae din kaya?
Lalake?
Kung lalake, sana di sya mabisyo…
Sana di sya nangloloko ng babae…
Kung babae
Sana masaya sya…
Sana di sya depressed para naman di masaktan yung puso ni Cristine…
ININGATAN KO YUN AH?!
Magka-edad kaya kami?
O mas bata sya sakin?
Kung oo, siguro…
Aalagaan ko sya…
*sigh*
Tinapik ni Tita yung balikat ko…
Ngumiti lang ako…
Nagdasal lang kami sa puntod nya…
Tapos umuwi…
