It was Monday morning when I felt something weird. I think kailangan ko nang makakita ng isang taong magdadahilan sa akin upang mabuhay. Yung taong tipong ibibigay kahit hindi lahat basta masasabing sapat. Yung taong, kaya kang protektahan kahit hindi sa bawat oras pero kahit man lang sa mga panahong nakapiling mo siya; kahit panandalian lamang pero panghabangbuhay na ala-ala. Yung tipong ganun.
Yung tipo ng lalaking weird, na kahit hindi mo maintindihan yung mga pinagsasabi niya ngunit natatawa ka parin dahil sa mga kinikilos niya. I know hindi ako naghahanap ng lalaking magiging tipo ng lahat kaya nag-ask ako kay God na sana pagbigyan niya ako kahit ten days lang sana o one week... sige kahit three days... kung hindi niya ako mapagbigyan, pahiram nalang please.
Knowing the reality that wishes come along at the wrong time, nilakbay ko lahat ng malls baka doon ko siya makikita. Then I realized. Bakit? Lahat ba ng lalaki doon lang nakikita? Ano sila? Shopping items? So I tried looking somewhere else. Tapos napadpad ako sa isang seawall. Then I met this not so kagwapuhan, not so katangkaran, not so kakisigan, not so looking formal guy na nakasuot ng hindi ko maintindihan outfit. Ano ba siya? Kung manamit parang sinaunang henerasyon. May dala-dala siyang bunch of red roses. Ano kayang nangyari sa guy na to? May glasses pa siyang suot na halata namang for fashion purposes lang. Kasi naman lumang edition na. O di kaya di lang talaga bagay sa kanya. Kung may sira ang mata niya bat di nalang siya nag contact lens. Im sure mas mura pa yun kaysa sa glasses niyang branded na wala naman sa style.
Paikot-ikot siya sa place. Ano to? Looking for her? Ang sarap niyang kunan ng picture tapos I upload sa social media siguradong sisikat to. Nahahalata ko na rin sa mga taong nandito na batay ang pagpicture nila.. sa guy ba? O baka sa iba? Ewan ko. Kung ganyang lalaki? Hindi naman ako pihikan sa looks so ayos na yan. Lord? Bat di nalang kaya siya ang ibigay mo sa akin?
Then suddenly, I was shocked nang magkatitigan kami sa mata. Sa akin siya nakatingin diba? Hindi rin ako sure dahil sa dami ba naman ng tao dito. O my gosh? Is he coming towards me? O baka nasa likuran ko lang yung girl na hinahanap niya? Wala namang tao. Ten raised to the power of San Guko plus Goten and Gohan ang shockness ko ng ilahad niya sa akin ang mga roses niyang dala. Sureness? Akin ang mga to? Lord bat ang bilis naman ata?
Pagkatapos ko namang tanggapin hindi ko mabilang ang mga click cick na naririnig ko sa paligid. Mukhang ako ata ang sisikat nito ha. Halos kalahating oras ata bago nagsialisan ang mga tao. Kami naman nagkatitikan lang. Duh? A guy whom I just saw this day suddenly gave me a bunch of red roses? Ano to? Suddenly it's magic?
"Pasensya"
"What?" I answered.
"Wala kasi akong mapagbigyan." Ganun? This is disappointing. Akala ko pa naman para sa akin talaga ang mga flowers nato.
Bigla nalang siyang naglakad palayo sa akin. Ganun? So hindi pala talaga siya? Kung hindi siya e hindi ko dapat tanggapin ang flowers nato. So I followed him while thinking anong sasabihin ko sa kanya pagbinalik ko ang flowers na dala-dala ko. At this time ako na ang pinagtitinginan ng mga tao. Ano? Looking for him naman?
"Wait!" finally a word came out from my mouth.
"I have to give this back to you." Sabay lahad ko sa roses.
"Hindi... sayo na yan."
"No.. I can't accept flowers which aren't really meant for me." Na sad naman yung hitsura niya na parang batang paiyak na. Naku what should I do? Iiyak ba talaga siya? Baka isipin ng lahat hiniwalayan ko siya. At duh... hindi naman kami no.
"Okay... fine... I'll accept this but pwedeng patulong naman o...."
"Ng ano?"
"Hinahanap ko kasi yung guy na para sa akin e." napaisip naman siya. Oo nga no. paano ko naman mahahanap yung guy na para sa akin? Lord sign naman please yung kahit paghatsing lang.
"Hatshu!!" omg??? Pagkati sa ulo?
O my gush! Di nga? Really? Di ka nagjojoke Lord?
"Pasensya ulit.. medyo may ubo kasi ako ngayon ."
"Okay." Sagot ko na lang dahil sa shockness. It is really weird. Mr. Guy? Is that really you? Huhuhu.
"Ayos ka lang? Namumutla ka kasi e."
"Ofcourse so??"
"Sige ba. Wala na naman akong gagawin e." ayun. Dun kami nagkakilala. Nag-usap kami ng kung ano-ano. Then suddenly gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Ano yun? Luksong dugo? Tumagal din ang pag-uusap namin ng limang oras.
"Anong hitsura niya??" tanong niya.
"Ha?" na shock ako sa sinabi niya.
"Ibig kong sabihin... matangkad ba siya? Maputi? Yung nakikita lang ng mata para madaling mahanap." Duh? Hindi ko pa nga namemeet e. Haler? Baka kasi ikaw na yun.
"Uhmm... actually.. maputi? Matangkad? Medyo gwapo? At... uhm.... Maganda naman siya manamit hindi mo lang talaga magugustuhan... siguro.." utal-utal kong sabi. Duh? Am I describing him?
" uhmm... litrato meron ka ba? Medyo mahirap kasing maghanap ng ganung klaseng lalakie" duh? Hahanapin mo ba ang sarili mo?
"Sabi ko nga.. maybe next time? wala kasi akong dalang photo niya e."
"Walang problema."
I think kailangan ko ng umuwi. Hindi rin kasi ako pwedeng umuwi ng masyadong gabi kaya nagpaalam na ako. How destiny could do this to me? I feel betrayed tuloy. Inuwi ko yung roses na accidentally no choice niyang binigay sa akin. Napatanong ako. Lord? Bat ang bait niyo sa akin ngayon? Kukunin niyo napo ba talaga ako? Di nga? Sureness? Wag naman sana kasi today you know... I met someone.; someone whom I think I'm falling in love with; a stranger who suddenly entered my heart without saying his name.
"Medyo late na ha.." that's my mom.
"Hindi naman masyado.." sabi ko sabay amoy sa bunches of roses. Natahimik siya.
"O my god?! What duh? What is the meaning of that Leila?" Well it's my sister.
"I know... just don't freak.. ok?" napanod lamang sila ni mom.
"I met someone... don't freak.."
"What!!" too late.
"I know.. its sounds romantic...accident.. tapos.. aaahh!!" tili ko. Kinikilig kasi ako e.
"You have met someone tapos.. yan lang ang binigay sayo? Anong klaseng-"
"Leira..." pigil sa kanya ni mom.
"Anong problema sa big bunch of red roses? Leira.. look it's so romantic... diba mom?"
"Yes...ofcourse..." sagot ni mom. Nilakihan niya lang ng mata si Leira na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Lumapit siya sa akin tapos pinatalikod ako papunta sa sofa.
"Now tell me about it."
"Well mom.. I went to the seawall.. then this guy... may dala siyang roses tapos may hinahanap.. naintrigue ako sa story niya. But then, suddenly nagtama ang mga mata namin. Could you imagine? Tapos bigla nalang niyang binigay sa akin ang flowers... look... it is so fresh halatang bagong pitas. Tapos nag-usap kami ganun.."
"What his name?" tanong ni Leira nang lumapit na siya sa amin.
"Hindi ko natanong e. But next time.. kung meron pang next time... sige mom magbibihis muna ako tapos ilalagay ko sa vase ang flowers na to.." tumango lang sina mommy. Nagkatinginan sila ni Leira at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Duh... alam ko na. Hindi lang talaga sila makapaniwalang nangyari ang mga yun. According to statistics... bihira lang mag meet sa ganung paraan ang mga nagkakatuluyan no.. duh! At swerte ako dahil kasali ako sa ilan na yun.
Lord.. thank you talaga. Promise lalakasan ko pa ang loob ko para humaba ang buhay ko.

BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?