"Mul...to?" pinipilit kong hindi magfreak-out. May sakit ako sa puso.
"Biro lang."
"Biro?! Pano kung nagfreakout ako? Pano kung inatake ako? Naiisip mo ba yun?"
"Pasensya... pinapatawa lang naman kita e."
"Patawa ka diyan. Pwes hindi ka nakakatawa." Nandito na kami sa highway.
"Hanggang dito nalang. Sige..." pumara na ako ng taxi.
"Teka lang.. saan ka ba nakatira?"
"Hindi ko sasabihin." Sabi ko at tamang-tama may pumara na taxi.
"Bye!" sabi ko sabay sakay. Sinilip ko muna siya sa bintana. Kumakaway pa. Akala mo naman nakikita niya ako. Duh?
"Maam? Sino pong tinitingnan niyo?"
"Parte na ba sa trabaho niyo ang makialam?"
"Hindi naman ho. Saan po tayo?"
"Diretso lang."
"Okay po." Kael... ano nga ba ang meron ka?
Pagkauwi ko sa bahay nakaupo sa may pinto si Leira.
"Saan ka nanggaling?" tanong niya.
"May pinuntahan nga e." sagot ko at umakyat na.
"Ang sabi ni Mike nakipagbreak ka na raw kay Loyd."
"oo..bakit naman?"
"Ano ka ba sis! Bat ngayon pa? Sana noon pa ginawa mo na." sabi ko na ngaba. Napatingin nalang ako sa bubong. Yung kumag na yun. Naiinis talaga ako sa ginawa niya kanina. May araw karin.
Pagpasok ko sa kwarto ko yung roses agad ang una kong nakita. O Kael... I think na fa-fall na talaga ako sayo. Para naman kasing ang dali mong mahalin.
"Ano bang pinagsasabi ko..." nagvibrate ang phone ko.
May text. Galing kay Sheena.
-Nakita ka raw ni Loyd kanina? May kasama ka rawng hindi maganda.- ano? Yung kumag talagang yun oo. Kung ano- anong pinagkakalat. Si Kael? Hindi maganda? Kung kukunin lang yung glasses niya? Naku mas maganda pa yun sa top 1 beautiful faces in the world. Yung beauty ba namang yun. Extinct na yun no. Kaya dapat talagang gawan ng lahi.
"Ano na naman bang iniisip ko?" erase, erase.
Nireplyan ko nalang siya.
-Wag kang maniwala dun... kung anong naiisip kapag may tupak sa ulo.-
-Nagpunta ka raw sa Alfonzo's Garden na mag-isa?-
-Talaga sinabi niya yun? Magaling siyang magkwento ha.. may kulang nga lang.-
-Kung ganun..sinong kasama mo?-
-Wala na kayo run... alam mo? Si Loyd? Magaling lang sa halikan.. pero parang bakla kung makachismis.. sige na matutulog na ako.-
-Talaga? Nagkahalikan na kayo?- kami? Baka kayo... My dear friend..bat mo ba iniiba ang usapan?
-Wala pa... at wala akong planong halikan ang labi niya... kung sa katawan pa..may HIV na ang labi niya sa dami na nang nakahalikan niya... GOODNIGHT.- Tumataas ata ang blood pressure ko. Pano ba kasi hindi ko naman pwedeng sabihan si Sheena na alam ko. Kaibigan ko siya at ayaw kong masira yun nang dahil lang sa isang hindi worth it na dahilan. Si Loyd? Para siyang uod na sarap tapaktapakan at dikdikdikdikin! Magpapa anti-bulate nga ako nang mawala na siya sa kalooblooban ko.
Aba nagtext ang butihing lalaki. Sa ilang buwan naming magkarelasyon... ten months? Pang tatlumput lima palang ito.
-Layuan mo na siya Leila... pakiusap.- blah-blah-blah. Nilagay ko na ulit sa table ang phone ko. Duh.. matutulog na ako. Hindi worth it ang isang Loyd para magka-eyebags ako no. Mukha niya.
BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?