The Eleventh

1 0 0
                                    

“Sino ka?”
“Ah… kaibigan po ako ni Kael..” sagot ko habang hindi lumilingon. Ramdam ko ang takot sa boses ko. Medyo nanginginig pa ako. Tumatayo ata lahat ng balahibo sa batok ko.
“Humarap ka.”
“ha??” humarap? Paano kung pagharap ko wala namang tao? Sabi nga nila diba huwag kang lilingun?
“Natatakot ka ba?”
“Kael?”sabi ko sabay lingon. Huminga ako ng malalim.
“Naman o. Bat ka ba nananakot ha?!”siuntok ko siya sa balikat.
“Nakakatawa ka talaga.”
“Anong nakakatawa dun? Nakakatakot kaya. Tsss.”
“Nga pala anong ginagawa mo dito? Dinadalaw mo ba ako?”
“kapal ha! Hindi no. Wag kang assuming.” Sabi ko sabay lakad habang tumitingin sa mga paintings. Namumula na ata ang pisngi ko. Baliw talaga na Kael.
“Kung ganun… hindi ako ang nais mong makita?” nagpapacute ba siya?
“Hindi no. Pumunta ako dito para gumawa ng research project ko. Siguro naman makakatulong ka sa akin hindi ba?”
“Depende. Ano ba kasi yun?”
“About World war 2”
“Yun lang pala e.Kabisado ko lahat ng yan.” Napatingin ako sa kanya.
“Talaga? Lahat?”
“Lahat..”
“Lahat na parang nandun ka nung nangyari yun..”
“dahil yun talaga…”
“yun talaga? Ano bang ibig mong sabihin?”
“hindi mo ba makuha?”
“ibig sabihin?” umatras ako sa kinatatayuan ko. Habang atras ako ng atras lapit naman siya ng lapit.
“wag kang lalapit. May bawang ako sa bag.”
“Bawang? Ano naman yun? Magluluto ka ba? Hahaha.. nakakatawa ka talaga binibini.”
“Anong nakakatawa dun?”
“Biro lang..kung multo ako hindi ako matatakot sa bawang. Sa aswang yun… ginagamit yun dati ng mga sundalo lalo na pag napapadpad sila sa mga tagong lugar. Naniniwala kasi silang may mga aswang.” So ganun palabiro siya? Pwes hindi nakakatawa.
“Hindi ka multo?” mahina kong tanong.
“Bakit? May multo bang nakakahalik?” lumapit siya sa akin.
“sige.. gawin mo at ng maging multo ka talaga.”
“Papatayin mo ako? Hahaha..palabirong binibini.” Ako talaga no? Nauna na siyang naglakad. Akala siguro niya hindi ko siya kayang patayin? Siguro… sino ba kasing papatay sa cute na nilalang na to?

“Yan… siya si General Tolentino Mahipos. Hindi man siya nakilala ng henerasyon pero kilalang-kilala ko siya.”
“Kilala mo? As in? super duper kilala?”
“Oo may problema ba dun?”
“Of course. Ano kayo bestfriend?!”
“Yung matalik na kaibigan? Oo..”
“What duh? Nagbibiro ka na naman diba? Paano mo siya magiging bestfriend na matagal na panahon nayun.”
“May mga bagay na hindi nadadala sa panahon ang limot.”
“Kael.. ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka na nakakatawa ha.” Bigla nalang siyang napangiti. Ang gwapo niya. Hindi ko man lang ma-identify kung cute ba talaga siya o gwapo. Ewan ko ba. Basta ang alam ko nanlalambot ang tuhod ko.
“Biro lang. Kilala siya ng pamilya ko dahil naging matalik silang magkaibigan ng lolo ko.”
“Lolo? Siya ba yung iniwan ng kamukha ko?”
“Wala na ngang iba. Alam mo ba kung paano siya namatay?”
“Paano ko ba malalaman? Anong akala mo sa akin? Nandun nung mangyari yun?”
“Sabi ko nga. Nagsimula ang pangalawang pandaigdigang digmaan noong taong Isanglibong siyam na raan tatlumpot siyam hanggang isang libong siyam na raang apat napot lima-“
“Teka nga mahina ako sa tagalized mathematics. Kaya pwede bang eenglish mo na lang?”
“Syempre..Basta yun… habang ang mundo ay nakikidigma, sumabay naman ang pagsakop ng mga hapones sa atin.”
“Talaga? Nangyari yun?”
“Bat ba parang wala kang alam?” duuh… kaya nga nagtatanong.
“Di bale… simula ng pagsakop maraming mga Pilipino rin ang nagsabwatan kung paano matatalo ang mga ito. Kasama rito ang mga kilalang bayani at General ngunit hindi ang ilan sa mga natatangi.” Malungkot niyang sabi.
“Kasama ba dito ang ang lolo mo sa tuhod?”
“Oo…at ang kaibigan niya. Kilala mo ba si General Douglas McArthur?”
“Ahm… sa tingin ko. Siya ba yung nakatayo malapit sa dagat?”
“Oo… namatay ang kaibigan ng lolo ko nang dahil sa pagligtas niya sa buhay ng heneral. Ngunit hindi parin siya nakilala.” May mga bayani rin palang hindi nabibigyan ng parangal. Sa bagay, kahit walang parangal, hanggang may nakakakilala sayo, hanggang may nakakaalala sa kabayanihan mo ayos na yun.
“Wala sa kaalaman ng lahat na pagkatapos lumapag ng heneral sa Leyte nagpunta pa siya sa ibang lugar. Tandang-tanda ko pa, Desyembre nun ng pumunta sila sa Mindoro. Siguro isa na ring tadhana ang nangyari. Muntik ng mapatay ang heneral ng saluhin ito ni Tino.”
“Tino? Si Mahipos? Bat naman Tino lang ang tawag mo? Ano ka edad mo lang?”  Napatingin ako kay Kael. Hindi ko maipasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. Ang gwapo niya. Para siyang manggang hilaw na nakakatulo laway.

Mangyayari kaya sa buhay namin ang makalimutan ang isa’t-isa? Darating kaya ang araw na hindi na namin maalala ang isa’t-isa? Ang araw na nagkasama kami? Ang mga bawat salitang pinagpapalitan namin? Darating kaya yun?

“Diba?”
“Hmm?” tanong ko.
“Hindi ka na naman nakikinig. Ako na naman ba nag nasa isip mo? Ikaw ha. Nakakarami ka na.”
“Ay kapal talaga oo.. ewan ko sayo.”

Tumalikod ako sa kanya at nakita ko ang isang napakalumang painting. Dahan-dahan kong nilapitan ito. Hindi ako makapaniwala.

“Ang ganda niya hindi ba?” tanong niya. Napatanggo lang ako. Isang painting ng dalawang tao.
“Kamukha mo siya.” Sabi ko.
“At kamukha mo rin.” Sagot niya.

“Kamukha natin.” Bakit nga ba kamukha namin sila? Ipinanganak ba silang muli para magkatuluyan talaga? As in this time, sure na talaga?
“Kael, pwede bang magtanong?”
“Oo naman.”
“Naniniwala ka bang ang lahat ng pag-ibig ay may tamang panahon?”
“Oo kaya nga hanggang ngayon hinihintay ko pa ang panahon na dumating na.”
“Ang alin?”
“Ang maging tayo.”

O my god? Are you sure?napatitig siya sa mga mata ko. Magtatapat na ba siya?
“Ang ganda parin ng mga mata mo.” Bakit? Nakita mo na ba noon ang mga mata ko? Bakit? Nagkakilala na ba tayo noon? Maraming tanong ang lumalabas sa utak ko ngunit hindi sa bibig ko.

“Nga pala, bat may litrato dito  ang ex ng lolo mo at wala sa lola mo?”
“Dahil ang bahay na to ay pagmamay-ari niya. Lahat ng meron dito ay mga bagay na iniingatan niya. Lahat ng meron dito, ay mahalaga sa kanya.” Ibig sabihin? Napatingin ako sa kanya na kasalukuyan namang nakatingin sa painting. Mahal na mahal ng lolo niya ang ex niya kahit iniwan siya? Kahit hindi siya ang pinili? Kahit na sinaktan siya? Kakayanin ko ba yun? Napatingin ako sa painting. May mali nga. May lungkot na bumabalot sa mga mata ng ex niya. Dahil ba yun sa napilitan? Hindi nga kaya mahal ng babae ang lolo ni Kael?
“Halika may ibibigay ako sayo. “ pumasok siya sa isang silid. O my god? Anong gagawin namin sa loob? Kael? Bibigay ka na ba? Alam kong irresistible ako pero naman hindi pa ako ready.

“Leila?”
“o.. nandyan na.” pagpasok ko nakatayo lamang siya sa loob. May tinitingnan siya.
“Ano naman yang tinititigan mo?” O my god?
“Ang ganda.” Sabi ko.
“Yan sana ang isusuot niya sa kasal.” Nilapitan ko ang damit. Lumang style na siya pero elegante parin. Ang ganda pa ng tela. Ang lambot sa kamay.

“Leila?”
“bakit?” humarap ako sa kanya.
“heto… mula pa noon, ang kwentas na ito ay nakatadhana para sa araw na to.” Sinuot niya sa akin ang kwentas. Lumang kwentas. Kulay ginto. Hugis bilog na may laman ng litrato ko. Litrato ko nga ba? O sa babaeng mahal ng lolo niya na nagkataon namang kamukha ko.
Napatingin ako kay Kael na ngayon nasa harapan ko lang. Ang tangkad niya pala. Ang ganda pa ng mga mata niya. Nakikita ko ang pagkislap nito kahit may salamin siya. Matangos ang ilong. May mapulang labi. Tinanggal ko ang glasses niya.

“Wag mong takpan, mas maganda kong ganyan.” Mahina kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Mas maganda ka. Mula noon hanggang ngayon.”

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon