Please.... Sino ka man lubayan mo ako! Masamang espirito! Lisanin mo ang lugar na to!
"Leila!" teka..si Yuna yun ha. Si Yuna nga! Hahaha! Ang bilis naman ata niyang makapunta?dali-dali kong pinasok sa shoulder bag ko ang mga sulat.
"Yuna!"
"Leila? saan ka ba nagpunta?"
"Sa loob malamang. Kayo bat nandito lang kayo sa labas?" kasama nga niya si Loyd.
"Leila.. nakakatakot kaya. Tiyaka si Loyd nga o. Ayaw."
"Duwag ba naman kasi." Nag-iirapan lang kami ni Loyd.
"Tama na nga yan.. sakay na tayo. Kinikilabutan ako rito e." agad na sagot ni Yuna.
"Nga pala... bat ka iniwan ni Kael? Si Kael yun diba?" tanong ni Yuna.
"Iniwan? Wala nga siya."
"Pero sabi ni Loyd nakita niya."
"Talaga Loyd? Baka imahinasyon mo na naman."
"Pag-aawayan na naman ba natin to Leila?"
"Bakit sinabi ko ba?"
"Shh! Wag nga kayong mag-away. Nga pala Leila. Bat diyan niyo naisipang mag-kita? Hindi ba kayo natatakot?"
"Wala namang nakakatakot. Hindi nga ako natatakot mamatay e."
"Ano bang pinagsasabi mo." Sagot ni Yuna habang inaakyat ang paa sa passenger's seat.
"Malay natin." Sabi ko nalang tiyaka umidlip. Kael? Dalawin mo naman ako sa panaginip o. Namimiss na kaya kita.
"Leila..."
"Hmmm?" nagising ako sa pagyugyug ni Yuna.
"Nandito na tayo. Ihahatid ka pa ba namin sa harap ng bahay niyo?"
"Ano? Wag na.. bababa na ako. Ipapahamak niyo ata ako ha. Sige salamat sa hatid. Loyd salamat." Nginitian ko nalang siya tiyaka bumaba. Pagdating ko sa harap ng bahay namin, wala ng ilaw. Tulog na ata sila. Anong oras na ba? Hala! Eleven pm na! Teka... bat ang aga naman ata nilang natulog? I smell something fishy around here. Ano kaya? Mabuti pa sigurong akyatin ko nalang ulit ang kwarto ko.
Dahan dahan akong umakyat sa taas. Grabe mas mahirap palang umakyat! This time masasabi ko talagang on the job training ako sa pag-aakyat bahay ng sariling bahay ko. Ano ba to!
Pumasok agad ako at nagbihis. Tinapon ko ang bag ko sa kilid ng kama. Safe ata ako ngayon ha.. bwahahaha.
"Leila?" si Leira ba yun? Nako... humiga agad ako sa kama ko.
"Tulog na? pano ba yan... nakalimutan ko kasing sabihin sa iyong, pupunta kami bukas kina lola. So? Maiiwan ka?" ano?! Kina lola? Gusto kong sumama ngunit may research paper pa nga ako diba? Ano bang gagawin ko?
"Goodnight Leila. Masusulo ko bukas ang kwarto na inihanda ni lola. Nightie..." aissh... kainis! Sa inis ko pinulupot ko nalang ang kumot sa buong katawan ko. Matutulog na ako!
"Leila... sasama ka ba sa akin pag-inanyaya kitang sumama?"
"Depende. Bakit saan mo ba ako dadalhin?"
"Sa lugar kung saan walang problema. Sa lugar kung saan tayo lang."
"Tayo lang..."
"Leila!!! Aalis na kami!" nagising ako sa sigaw ni mom. Aalis? Saan naman kayo aalis?
"Beep!!" teka busina yun ng kotse ni dad ha. Ano!!! Tumayo agad ako sa pagkakahiga at bumaba sa sala. Wala na sila! Lumabas ako upang habulin. Sasama ako! NO! iniwan na nila ako!! Bat ba ang sama niyo? Kainis! Akala ko ba galit sila dahil nagawa pa nila akong maging grounded tapos ngayon? Ibig bang sabihin nito? No parents, no rule. Bwahahaha!
Pumasok na agad ako sa kwarto at tumingin sa salamin. Ngayon, saan nga ba ang magandang lugar para gumawa ng research project? Alam ko na. May isang taong makaluma na paniguradong maraming alam sa history. Sisiw!
Naligo na agad ako at kumain. Pinagluto pa pala nila ako ng breakfast. Bumabait pala sila pag napaparusahan ako. Nagring bigla ang phone ko.
"Hello?"
"Leila... ako to si Yuna."
"O.. anong sadya mo?"
"Wala.. gusto ko lang sanang itanong sayo kung may kailangan ka."
"Kailangan? Kung may kailangan ako dapat ako ang tumawag. Baka ikaw ang meron..."
"Ha? Wala no... sige ibaba ko na."
Hmm... akala mo naman hindi ko malalaman. Gusto lang naman niya kasing gawin ang research project ko. Well sabagay advantage yun sa akin ngunit pag nagtanong si sir tungkol sa project ko wala akong maisasagot. Parehong usapan lang yun, bagsak parin ako.
Lumabas na ako sa bahay at nagtungo sa address na sinbi niya. Dito na ba yun? Kalye 13.... Nakakaamazed ha. Mukhang tamang lugar nga ang pinuntahan ko. Makikita mo kasi, makaluma lahat. Conservatism siguro ang mga nakatira dito, ayaw mag-adapt sa kung anong bago. May nakita akong matandang nagwawalis sa labas ng bahay. Mukhang siya lang ata ang tao dito ha. Tahimik kasi. Parang kinikilabutan pa ako.
"Manang..." tawag ko. Hindi ata ako narinig.
"Manang... Manang!" bulag ba siya o bingi? E parang hindi rin niya ako nakikita e. Hinawakan ko ang balikat niya at parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ng humarap siya. Nakakagulat.
"Anong kailangan mo?"
"Saan po ba nakatira si Kael? Kael Alfonzo..."
"Kael kamo? Dun o. Dun sa malaking bahay na yun." Tiningnan ko ang bahay na tinuro niya. Ang luma na. Pero infareness ito naman ang pinaka malaki sa lahat ng bahay dito. Fancy yet classic.
"Salamat ho." Nagmano nalang ako sa kanya baka sabihin pa niyang walang galang ang mga kabataan ngayon. Nandiyan kaya siya ngayon? Hindi kaya siya busy?
"Ahh... iha!" tawag ni lola sa akin ng makalakad na ako.
"Po? May kailangan po ba kayo?"
"Sino bang dadalawin mo diyan?"
"Ang may-ari po."
"Sino?"
"Si Kael?"
"Kyle?"
"Kael po..."
"Ka... ahh.. si Kyle... hindi ko alam kung nandiyan siya.. minsan lang kasi siya dumadalaw diyan. Sige mag-iingat ka." Tumango lang ako sa kanya. Kyle? Sino naman yun? Nabingi ba siya ulit? Kanina lang narinig niyang Kael tapos ngayon Kyle? Ano yun?
Wow... ang laki ng gate. Tiningnan ko kung naka lock hindi naman. Binuksan ko ito. Baka nga may tao. Salamat naman at hindi nasayang ang oras ko.
"Tao po... Kael? Nandiyan ka ba?Kael... ako to si Leila." Walang sumagot sa akin. Baka naliligo? O baka hindi niya ako marinig dahil sa laki ng bahay. Umakyat ako sa may pinto. Bukas ito kaya pumasok ako.
"Tao po? Kael? Nandito ka ba?"
O my god! Ang ganda! I didn't expect na ganito pala ka fancy ang loob ng isang lumang bahay. Ang linis! Mukhang araw-araw nililinis. Wala ka talagang alikabok na mahahawakan. Kaninong mga painting to? Nakadamit military. Baka mga ninuno to ni Kael? Tama! Tamang-tama talaga.Panigurado may alam siya sa World war... hahahaha.
"Sino ka?" nanigas ako ng marinig ko ang tinig. Kay Kael ba yun? Hindi. Nakakakilabot. Hindi sa kanya yun. Multo? Multo ng ninuno niya? Minumulto ako dahil pumasok ako ng walang paalam? Waaaa!!!!

BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?