"Saan"
"Nababasa mo bang iniisip ko?"
"Iniisip? Ano bang iniisip mo?"
"Yung saan.."
"Ahhh... sabi ko saan ba ang sa inyo. Maggagabi na o."
"Ahhh... ganun ba..."
"Hindi ka nakikinig kasi e. Kung ano ano pang tumatakbo sa isipan mo. Iniisip mo na naman ako no?" aisssh kapal.Naglakad nalang ako at iniwan siya.
"Hui... magtapat ka nga. Iniisip mo ako no?" humarap ako sa kanya para pagtakpan ang sarili ko. E ano naman kung iniisip ko siya? Ang mahalaga hindi niya malalaman pa.
"Bat naman kita iisipin?"
"Bat ka namumula?"
"Ano?" napahawak ako sa pisngi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Bahala ka nga sa buhay mo!"
"Hui teka lang...""Mom...this is Kael..." pakilala ko kay Kael kina mom at Leira. Napa titig lang sila sa akin. I know right ang gwapo niya.
"Ahm.. umupo muna tayo." Sabi ni mom. Nginitian ko lang si Kael.
"Dali dito ka." Sabi ko sa kanya.
"Nahihiya ako."
"Ano ka ba. Wag ka ngang mahiya." Sabi ko nalang sabay ngiti.
"Nga pala mom nasan si Dad?"
"Ah... pinatawag siya ng boss niya kaya hindi siya makakasama ngayon sa dinner."
"Sayang naman. Kael. This is my mom tapos kapatid ko si Leira."
"Magandang gabi po." Sabi ni Kael tapos sabay yuko.Sina mom at Leira nakatingin lang sa akin. Ano bang kaweirduhan na naman tong ginagawa nila?
"Mom? Hi daw."
"Ah... hello..."
"Mom? Mainit ba? Bat parang pinagpapawisan ka?"tanong ko.
"Ha.. ah wala.."
"O my god... I can't take it anymore.. cut it Leila." Sabi ni Leira sabay tayo. Ano bang problema niya?
"Leira. Stop it."
"No mom. This is arrgh!!" sigaw niya sabay alis.
"Sa tingin ko kailangan ko ng umalis." Sabi ni Kael.
"Ha? Hindi pa nga tayo kumakain e."
"Parang wala kasing gana ang kapatid mo ngayon."
"No. Don't mind her ganyan lang talaga siya."
"Pero... aalis na talaga ako."
"Sige na nga pero ihahatid kita."
"-Sa labas lang." dagdag niya. Nag nod nalang ako.
"Mom... ihahatid ko lang siya palabas. "
"O-Okay." Napatingin ako kay mom. Parang may mali sa kanya ha."Tayo na." tumayo na kami at lumabas sa bahay.
"Pasensya ka na talaga sa inasal ng kapatid ko ha." Sabi ko sabay yuko. Nakakahiya.
"Wala yun." Inangat niya ang mukha ko.
"Sabi ko wala yun... masasanay rin sila sa akin."Hmmf... pinapakilig na naman niya ako. Teka nga... kami na ba? Is this the state na masasabi kong kami na? Pero hindi pa naman siya nanligaw e. Wala pa akong sinasabi na oo. Pero bakit sa kinikilos niya parang pinapahiwatig niyang kami na? Hay naku baka paasa to ha. Ako naman tatanga-tanga mag-aasume naman. Ikaw Kael ha.
"Sige aalis na ako."
"Sige bye." Kinawayan ko na siya habang papalayo. Ene be....kahit nakatalikod siya ang gwapo parin niya. Nakakalaglag panty. Kiyah!!"Beeep!" teka parang pamilyar tong kotseng to ha.
"Mike?"
"Hi Leila. Ininvite ako ni Leira."
"I guess so."
"Nga pala sinong kinakawayan mo?"
"Ah wala. Si Kael yun."
"Talaga? Parang wala naman akong nakita."
"Duh... nabulag ka lang sa ganda ko . Tara na pasok na tayo.""Leira nandito na si Mike." Teka lang. kaya siguro wala siya sa mood kanina kasi ang tagal dumating ni Mike. Hmmm... umakyat ako sa taas para puntahan siya.
"Mom... something's wrong with Leila."
"I know... but you must keep it and not to talk about it when she is here."
"Pero..."
"No buts..""Mom? Ano bang pinag-uusapan niyo?"
"Ha? Wala... napapansin kasi naming namumutla kana these days."
"Talaga? Siguro dahil lumalala na ang sitwasyon ko..Naku... lumalala na ba ako? Ilang days na nga lang ba? Weeks? Months?"
"No worries.. pupunta tayo sa ospital bukas ok?" nagnod nalang ako.
"Nga pala.. si Mike nasa baba."
"What? Bat di mo agad sinabi?" sabi niya tapos tumakbo pababa. Duh? Sinabi ko kaya. Tsss.
"Bumaba na tayo?" sabi ni mom. Inakbayan niya na ako at bumaba na kami."So? Anong meron sa inyo?" tanong ko kina Leira sa gitna ng hapunan. Nabilaokan naman si Mike. I smell something fishy.
"Bakit? May mali ba?" tanong ni Leira habang patuloy parin sa pagkain.
"Mali talaga. Leira... baligtad ang kubyertos mo."
"Ha? Hindi no. Ganito ako kumain."
"Talaga? Nakalimutan ko siguro."
"Ahm... speaking of... e kayo ni Kael? Ano kayo?" tanong ni Mike. This time si Leira naman ang nabilaokan.
"Are you okay?" tanong ni mom habang hinahagod ang likod niya. Kumuha agad ng tubig si Mike. Bat parang affected siya? Sila ba ang may something ni Kael? Duh?
"Yan kasi... ako ang tinatanong iba ang sumasagot." Sagot ko."Nga pala bat hindi nakapunta sina Yuna at Sheena?" tanong ni mom kay Mike. Napatigil naman ako.
"Ah... si Yuna po kasi busy daw. Pero babawi daw siya next time. Tapos Sheena.. hindi niya sinasagot tawag ko." Sagot naman ni Mike.
"Baka may problema siya. " problema? Ano naman ang magiging problema niya? Konsensya? Pwede rin. Nakokonsensya siya dahil sa pang-aagaw ng boyfriend ng bestfriend niya."Leila... may nasabi ba sayo si Sheena?" tanong ni mom.
"Wala, nakokonsensya lang yun."
"Konsensya? Para saan? " tanong ni mom.
"Ah... yung tungkol sa muntik ka ng malunod? Tapos hinayaan ka lang?" Mike! Nilakihan ko siya ng mata. Parang babae talaga kung makapagsalita walang preno!"Ano?! Nangyari yun? "
"No mom... nagkakamali po kayo. It is not what you think."
"Hindi. This dinner is done. Tatawagan ko ang disciplinarian niyo. Leila... malaking bagay yun tapos hindi mo sinabi?"
"Mom.." tumayo na siya sa hapagkainan.
"Sorry." Sabi ni Mike. Naman o..tapos ngayon pati si mama magagalit na kay Sheena. Ngayon Sheena makokonsensya ka na talaga."I guess kailangan ko ng umalis. Leira... sorry...Sorry Leila."
"Ayos lang yun... totoo naman e. Sige mag-ingat ka pauwi ha."
"Hey that's my line." Sabat ni Leira. Tsss... amoy isda!Nandito na ako sa kwarto ko. Pano na to? Pano kung magalit si mom kay Sheena? Tuluyan na ba talaga kaming magkakahiwalay magkaibigan? She's been my friend for decades. Naman kasi Sheena e. Sa dinami-dami bat si Loyd pa?
Bumangon ako at tumingin sa labas ng bintana ko. Parang may tao. Matandang babae ata. Sa bintana ko ba siya nakatingin? Ako ba ang tinitingnan niya? Lumingon ako sa likod ko. Wala namang tao. Malamang kwarto ko to kaya ako lang ang tao rito.
Paglingon ko ulit wala na siya. Sino ba siya? Sinara ko nalang bintana. Paglingon ko nagulat ako sa matanda. Pano siya napunta rito sa kwarto ko?
"Hubarin mo yan! Hubarin mo!"
"Ahh... ano ba.. bitawan mo ako!" patuloy pa rin siya sa paghila sa kwentas. Hinahawakan ko lang ang kamay niya para hindi niya mahila ng lubusan ito.
"Hubarin mo yan bago pa mahuli ang lahat. Kukunin ka niya. Sisiguraduhin na niya."
"Ano bang pinagsasabi mo? Bitawan mo nga ang kwentas ko."Napahinto siya. Napatingin siya sa likod ko. Sino bang tinitingnan niya? Tiningnan ko pero wala namang tao.
"Sino ba kasing-... lola?" nawala siya. Nababaliw na ba ako? Totoo yun diba? Totoo yun.. hindi pa naman ako inaantok. Tulog na ba ako? Baka panaginip lang. Pero hindi e. Tumingin ako sa salamin.
Ang kwentas. Ang kwentas ang pakay niya. Pero bakit? Sino ang kukuha sa akin? Si Kael? Hindi imposible. Baka ang lolo niya. Hindi kaya kukunin ako ng lolo niya kapalit sa ex niya? O my God!

BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
Художественная прозаEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?