Nakauwi na ako sa Maynila. Ilang araw din kaming hindi nagkita ni Kael. Kumusta na kaya siya? Dinamdam niya ba talaga yung sumpa? Sabagay ako rin naman. Totoo kaya yun? Pwede rin namang oo dahil nangyari yun kina Lailani. Pero ang tanong ano bang nangyari sa kanila? Bat ngaba hindi sila ang nagkatuluyan, dahil hindi si Kael ang pinili niya? Parang hindi e...parang may iba pang dahilan at pakiramdam ko hindi magandang dahilan iyon.
"Hui Leila!" tawag sa akin ni Yuna.
"Bakit?" naglalakad kami ngayon papunta sa gym. P.E class namin at maglalaro kami ng basketball. Kalaban ng section namin ang section nila Loyd. Syempre dahil may sakit ako sa puso, excempted ako. Galing ano?"May problema ba kayo ni Sheena? Dahil ba yun dun sa pool? Hindi pa ba kayo nagkakabati?" sunod-sunod niyang tanong.
"Hindi ahh."
"Wee? E bat parang hindi naman kayo nagsasalita?"
"Ahmm.. nakakapagod kasing magsalita."
"Hindi ako naniniwala..madaldal ka kaya kailan ka pa napagod?"
"Ngayon at sa susunod pa." sabi ko nalang sabay ngiti. Umupo na ako sa may bench."Leila, mag-usap tayo." Sabi ni Loyd ng makalapit siya sa akin.
"Bat naman kita kakausapin?" tanong ko with matching taas kilay.
"Leila naman. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. May nagawa ba akong mali? Sabihin mo ng maitama ko. Hindi ko kasi kaya pagnawala ka talaga sa akin ng tuluyan."
"Talaga? Pano ba yan, matagal na akong nawala sayo."tumayo na ako at hinablot niya ang braso ko.
"Leila.. please naman o." kinuha ko ulit ang braso ko at naglakad.Sumusunod lang siya sa akin. Hanggang saan niya ba ako susundan? Sa kabilang buhay? Pwes mauna siya.
"Leila..." sabi niya sa akin ng mayakap niya ako sa likuran ko. Nakakainis na ha! Pumaiglas ako sa yakap niya at hinarap siya. Ewan ko ba kung kakayanin ko to.
"Gusto mo ng sagot? Pwes bibigyan kita ngunit sagot rin ang kailangan ko. Loyd.... Nakita kita.. you're kissing with someone. Five months ago yun Loyd... five months ago muntik na akong mamatay sa sakit. Alam mo ba yun? Ikaw pa ba ang papatay sa akin? Pwes kung pag-ibig man lang ang papatay sa akin I think it's not worthy kung ikaw yun. Ngayon sabihin mo... sino yun? Sino yun Loyd at bakit!"
"Leila... it's..."
" H*nayupak! Loyd... wag mo ng itago pa... alam ko.. nakita ko... kaya please lubayan mo na ako.. lubayan mo na ako kung ayaw mong kamuhian kita hanggang sa kabilang buhay! Magsama kayo!"Naglakad na ako palayo sa kanya. Ang puso ko. Ang sakit.. ang sakit....hindi ko mapigilang hindi umiyak. Minahal ko siya e. Sinabi ko pang siya na talaga..na kahit mamatay ako ngayon ayos na.
Ngayon, masasabi kong hindi pa pala ako dapat mamatay, hindi ko pa pala nahahanap ang taong para sa akin.
Pumunta ako sa cr para dun ko maibuhos ang lahat. Ang sakit, kailangan ko na silang ilabas lahat ng mawala na."Hey Bitch!" tawag sa akin ni Lorry. She's one of the cheerdancers sa school namin. Kasama niya pa ang barkada niya. Akala mo naman kung sinong magaganda, e nakapulupot lang naman sa make-up ang mga mukha nila.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko.
"Kailangan ko? You don't know? Kung alam ko lang sanang gaganunin mo lang si Loyd edi sana hindi ko nalang siya binigay sayo. Tapos ngayon sasaktan mo lang siya? How dare you?"
"Wow.. ako pa talaga... well Lorry kung gusto mo siya, isaksak mo sa baga mo.. mauna na ako." Sabi ko sabay snob.
"Hindi pa ako tapos! Halika ka nga dito bitch!"
"Aray!" hinablot niya ang buhok ko. Relax... ang puso ko.. relax.. masakit na talaga ha. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil isang maling galaw ko lang baka atakihin na ako.
"Ano ha!!!" ang kwentas ko.
"Whats this?"
"Lorry...ibalik mo yan sa akin."
"Bigay ba sayo to ni Loyd? It's old-fashioned yet elegant. Akin na hindi bagay sayo... lets go girls."
"Lorry ibalik mo yan!!" ibalik..... mo... yan... nahihirapan na akong huinga.Pakibalik...napaluhod na ako sa sakit.
"Ahhhhhhh!!!!!" nakahilatay na ako sa sahig ng marinig ko ang sigaw ni Lorry at ng barkada niya. Kael...Nandito na naman ako sa paraiso. Si Kael...
"Kael? Nandito ka ba?"
"Kael? Sumagot ka naman o." halos naikot ko na ang puno. Wala rin naman ibang meron dito kundi ang puno lang."Leila..." tawag sa akin ng isang... boses ko?
"Sino ka? Bat.. mukha ko yan?" tanong ko.
"Siya si Lailani..." sabi ni Kael na nagmula sa likod ko. Lailani? Kamukha ko nga talaga siya. Nilapitan siya ni Kael at naghawak kamay.
"Anong ibig-sabihin nito?" tanong ko. Ngumiti lang sila pareho. Kael? Ano ba to?"Doc! Gising na si Leila!" sigaw ni mom. Bat ba ang ingay niya?
"Leila? Naririnig mo ba ako?"sabi ng doktor. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Parang may kung anong nakalagay sa bibig ko. Inilawan niya ang mga mata ko.
"As of now, nagising na siya. Let's just make sure na hindi na mauulit pa ang nangyari. Mabuti nalang at naagapan agad. Mrs. Dein, napakadelikado po nitong huling nangyari. Wala pa pong heart donor kaya pigilan natin na mapagod siya."
"Opo doc. Salamat."Maya-maya pay tinanggal na nila ang oxygen na nakakabit sa katawan ko. Mamamatay na ba talaga ako? Bat parang hindi pa ako ready? Nga pala ang kwentas.
"Leila? May nararamdaman ka bang masakit?" tanong ni mom.
"Wala po.."
"Salamat naman at nakita ka ni Sheena at humingi siya ng tulong kung hindi ewan ko. Tatlong araw kang walang malay. Ewan ko talaga. Leila... wag na wag kang bibitiw.."
"Mom.. hindi naman po ako mamamatay. Di ba nga... may dahilan na ako para mabuhay? Makakapaghintay pa ang puso ko sa donor na yun."
"Nga pala.. ito o... nakita ko sa labas ng pinto dito sa hospital." Tinanggap ko ang box. Ano naman kaya to? Binuksan ko to at nakita ko ang kwentas. Teka... kinuha to nila Lorry ha? Bat napunta nato dito? Siguro nagsisi na yun sa ginawa nila."Leila!!" mahinang sigaw ni Yuna. Kasama niya si Mike.
"Shh.. wag ka ngang maingay." Saway ko. Niyakap niya agad ako ng mahigpit.
"Ikaw kasi e. Wag na wag kang lalayo sa amin, yan tuloy."
"Kasalanan ko pa ganun?"
"Hindi naman... nga pala may chika kami sayo." Sabi ni Yuna.
"Sige diyan muna kayo ha bibili lang ako ng makakain." Ngumiti lang si mom at lumabas na.Kami nalang tatlo ang nasa kwarto. Si Dad ewan ko, nasa work ata at si Leira naman ewan ko. Hindi na naman yun nag-aaral e. Hindi rin nagtratrabaho. Certified tambay siya sa bahay.
"O ano?" tanong ko kay Yuna.
"Si Lorry! At ang barkada niya, girl hindi ka maniniwala."
"na ano?" tanongko.
"Hindi ko kayang sabihin. Mike sabihin mo."
"Ang sabi nila, nakakita sila ng maligno, ewan ko ba kung totoo. Nag-aaway nga sila kasi ang sabi ng iba multo tapos ang iba maligno daw. Wala namang naniniwala sa kanila. Alam naman nating mahilig sa kwento si Lorry at ang mga kaibigan niya." Mahabang sabi ni Mike.
"Sabihin mo na kasi Mike.." atat? Ano bang dapat sabihin na kina atat ni Yuna? Siguraduhin niyang maganda ha kundi siya ang ipapalit ko dito sa posisiyon ko ngayon."Kinabukasan, habang natutulog ka, tumalon sila sabay-sabay mula sa rooftop ng new building."
"What?!" relax...sabay-sabay? Ano bang nakain nila? Ganun ba sila ka desperado patawarin ko at nagawa nilang tumalon?
"Hindi lang yun.." dagdag ni Yuna.
"Sge na Mike tapusin mo na." dagdag niya.
"Hindi sila namatay.." sabi ni Mike.
"Sa taas na yun? Nagawa pa nilang magsurvive?" tanong ko.
"Oo.." sagot ni Mike.
"Ngunit basag na ang mukha nila na parang winasak ng hindi ko maintindihan...parang galit na galit ang gumawa, tapos bali-bali pa ang buong katawan."
"Tapos buhay pa?"
"Parusa siguro sa kanila yun ni bathala." Dagdag naman ni Mike.
"Alam mo girl? Kung anong mas nakakapanindig balahibo?" tanong ni Yuna.
"Ano?"
"Sila mismo ang nagpunit sa mukha nila gamit ang mga kuko nila."
"What?!"ano bang nangyayari??
BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?