The Fourteenth

7 0 0
                                    

"Bat ganyan ang hitsura mo? Hindi ka ba nakatulog kagabi?" tanong ni mom.

Talagang hindi. Pano ba kasi yung matandang yun. Pano kung bumalik siya habang tulog ako edi nanakaw niya ang kwentas na bigay sa akin ni Kael. Tama napagtanto ko na kagabi na magnanakaw yun. Budol-budol yun at ang gintong kwentas kong ito ang main target niya. Ang ipinagtataka ko lang paano siya nakapasok sa bahay namin? So mysterious.

"Wala.. excited lang makita si doc." Sagot ko habang nakangiti.
"Nandito na tayo." Huminto kami sa isang pinto ng hospital.
"Pshychologist? Mom... bat tayo nandito? May sakit po ako sa puso at hindi sa utak."

Inaakala ba ni mom na nababaliw na ako dahil lang hindi ako nakatulog kagabi?
"Anak.. sa ganitong sitwasyon hindi lang dapat puso ang inaalagaan dapat utak rin. Naaapektahan rin yan. Kaya kung okay lang?"
"Ok.. basta wala akong sakit sa utak." Pumasok na kami sa loob.
"Goodmorning doc."
"Mrs. Dein. I'm doctor Rachelle."
"This is Leila..."
"Oh.. so kung inyong mamarapatin, sisimulan na natin?"
"Okay doc... maghihintay lang ako sa labas.." sabi ni mom.

"Well, Leila... umupo ka." Umupo lang ako at nagsmile sa kanya.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Ahm wala naman. Except kasama ko lage si Kael.. hindi naman lage sometimes."
"Kael? Is he something special?"
"Siguro.."
"Kinikilig ka ata."
"Hindi doc ha. Wag kang ganyan. Ganito lang talaga ako."
"Tell me about him. Everything you knew about him"
"Well I met him mga last two weeks na ata. Wow.. tatlong linggo na pala? Ang bait ata ni Lord."
"Lord? Bakit mo naman nasabi?"
"Well heto nga... naghahanap ako ng guy na magdadahilan sa akin para lumaban pa. As you knew naman siguro may sakit ako sa puso at hindi na tatagal pa ang buhay ko. So nag ask ako kay Lord.. sabi ko kahit ten days lang o a week o three days tapos imagine? Three weeks na?"
"Talaga binigay siya sayo?"
"Oo... tapos lage kaming pumupunta sa garden nila. Maganda dun, oo tapos tinutulungan niya ako sa research ko these days.. all in all, mabait siya doc. For me? Siya na talaga."
"I see... so tawagin mo na mommy mo at nang magkausap na kami."
"So doc? Wala naman akong sakit sa utak diba?"
"Don't worry wala kang sakit."
"good."

Lumabas na ako sa room at pinapasok na si mom. Ano kayang napasok sa utak ni mom at dinala niya ako rito?

"She is suffering psychological breakdown..."

Ano? Breakdown? Ako? Baliw ata yung doctor na yun.
"Raja Hospital..." malaki siya ha. May nakapaskil na parang history ata ng hospital kaya binasa ko. Wala man lang akong magawa, mabuti ng may pagkalibangan. Dati palang military school ito. May mga litrato pa ng mga mag-aaral. After ng pagkawasak ginawa nilang hospital. According dito, maraming namatay. Nakakatakot pala dito. Baka may multo dito.

"Ay multo! Kael?" si Kael yun ha? Anong ginagawa niya rito? Naka yunipormi pa siya. Tapos yungstyle.. lumang style ng.. kanino ngang school yan? Parang nakita ko yan kanina ha...Sinundan ko siya. Ang bilis niyang naglakad. Saan ba siya pupunta?

Nasa groundfloor na ako ng hospital. Ano namang gagawin ni Kael dito?

"Ikaw!"
"Lola?" siya yung matanda kagabi. Hinawakan ko ang kwentas ko baka nakawin na niya talaga. Hindi ba niya ako titigilan? Magkano ba sa tingin niya ang kwentas na to?

"Sabi ko hubarin mo yan diba? Hubarin mo na!" Pinipilit niyang kunin ang kwentas.
"Ano ba tama na! Guard! Tulong!" bigla nalang may humawak sa kamay ng matanda sa akin.
"Kael?"
"Ikaw... umalis ka na... pabayaan mo na ang batang to.. alis ka na!" may kinukuha ang matanda sa bag. Ano? Bawang? Hindi siya tinatablan nun no. At tiyaka hindi nga kasi siya multo o aswang.
Hinawakan ni Kael ang kamay ko at ngumiti. Ano na naman bang ngiti yan?

"Kaya mong tumakbo?"
"Oo naman no... hui teka lang!"

Sa ngayon tumatakbo kami sa gilid ng kalsada. Hawak parin niya ang kamay ko. Nakakahiya naman. Pinatitinginan kami ng mga tao. Kael... alam kong may sakit ako sa puso pero bakit pagkasama kita parang lumalakas ako?

Huminto kami sa may bus stop. Saan naman kami pupunta at sasakay kami sa bus?
"Teka... Teka.. nahihirapan akong huminga."
"ha? Mamamatay ka na ba?" ano bang pinagsasabi niya? Gusto niya ba akong mamatay?
"Hindi... kunting hinga lang."
"Dito. Umupo ka muna. Sige huminga ka lang." huminga ako ng malalim para maikalma ang puso ko. Ang lakas ng pagtibok niya. Dahil ba pinagod ko ang sarili ko, o dahil kasama ko si crush? Hindi. Ano ba naman Leila, mamamatay ka na nga si Kael parin ang nasa utak mo. So inaamin mo talagang lage mo siyang iniisip? Aba bahala na, atleast mamamatay akong masaya.

"Hindi ka ba hahanapin ng nanay mo?" tanong niya.
"Sasabihin ko nalang sa kanya pag-uwi ko."
"Nandito na ang sasakyan."
"Teka nga... saan ba kasi tayo?"
"Sa amin..."
"Sa inyo???"

Wala na akong nagawa kundi sumama. Kainis. Hindi pa naman ako ready. Ipapakilala na ba niya ako sa parents niya? Kael e... bat ang bilis naman ata? Habang nasa bus, nakatulog siya. Bakit? Napagod ba siya sa pagtakbo? Pero hindi e. Mas napagod ako. Ako kaya ang may sakit dito. Pero infareness. Ang guwapo niya. Chance ko na to para makanakaw ng halik! Kiyah! Pero hindi... ang pangit naman kung ako ang unang hahalik. Teka nga. Bat ba yun ang iniisip ko? Hindi diba paano kung lumampas kami? Ganun?

"Miss bayad po..." sabi ng konduktor. Pano to... hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Ahmmm... sa last stop po... heto... dalawa." Sabi ko sabay ngiti. Inabot ko sa kanya ang bayad. Napakamot siya sa ulo.
"Pero wala akong sukli."
"Dalawa po kuya." Sagot ko naman. Napatingin siya sa akin. Hindi ba siya nakakaintindi?
"Sige keep the change." Dagdag ko.
"Ahh... salamat." Tsss... hay Kael. Saan ba kasi tayo pupunta? Ang sarap niyang titigan.
"Baka matunaw na ako niyan ha."
"Kapal..." ngumiti lang siya habang nakapikit. Nabigla ako sa ginawa niya. Hinawakan niya bigla ang kamay ko. Ang higpit. Naniniwala pa naman ako sa kasabihang pag mahigpit ang hawak ng isang tao, ibig sabihin ayaw niyang mawala ka sa buhay niya. Talaga ba Kael?
Nagulat na naman ako ng ngumiti siya. Naririnig niya ang sinasabi ng isip ko? E ng puso ko? Dahil kung oo baka marinig niya ang pangalan niya. Nakakahiya!







"Maligayang pagdating sa Bayan ng San Diego." Sabi niya.
"Dito? Bat parang tahimik?"
"Ganito talaga dito dahil ito lamang ang bayan kung saan patuloy parin pinanatili ang lumang kasaysayan ng bansa."
"Ganun pala." Kaya pala makaluma ka dahil narin sa kinalakihan mo. Kahit na, guwapo ka parin naman.
"Dali...siguradong naghihintay na sila."
"Ha???!" kinaladkad na naman niya ako. Kael, kung ipagpapatuloy mo yan baka hindi na tayo ikasal pa. Baka mamatay ako sa pinaggagawa mo.



"Inang! Itang! Dali..."
"Hui... hintay." Nauna na siyang pumasok. Bumukas agad ang pinto kaya sumunod na ako.
"Punta muna ako sa taas ha."
"Ha? Iiwan mo ako?"
"Wag kang mag-alala mababait sila." Talaga lang!

"Sino yan?" lumabas bigla ang isang matandang lalaki na naka baro't saya pa.
"Magandang araw po. Ako po si Leila... kasama po ako ni Kael." Sabi ko. Nabigla ako ng may biglang nabasag na baso.

"Inang ano po ba yun?"bumaba ang isang lalaking kasing edad ko lang.

"Magandang araw." bati ko nalang.

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon