Nandito ako ngayon sa room ko. Iniisip ko parin ang nangyari kina Lorry. Hindi yun gawa ng sarili nila. Binisita ko sila magkakaibigan. Pareho silang hindi makapagsalita. Basag ang baba nilang pareho. Bakit? Para hindi makapagsalita? Kung ganun bat hindi nalang pinatay? Hindi naman sa gusto ko silang mawala pero nakakaawa. Habambuhay na silang ganun.
"Leila?"
"O bakit?" si Leira yun.
"Heto o... sayo ata to." Inabot niya sa akin ang box. Ay oo yung kwentas. Si Kael ba ang kumuha nito mula kina Lorry? Sa tingin ko kasi siya lang ang makakagawa nun. Pero ang ganung klaseng krimen? Hindi naman siguro. Imposible.Binuksan ko ang box. Nandito pa ang kwentas. Sino kaya ang naghatid nito sa hospital? Siguro si Kael. Hinawakan ko ang kwentas at nagulat ako ng may basa. Dugo. Bat may dugo rito? Kael? Ano to?
Naalala ko ang panyo. Ito ba ang sinasabi niyang dapat ibalik ko to? Bakit sino ba kasi ang mamamatay? Kinuha ko ang panyo sa bag ko at nilagay dito ang kwentas. Kael. Tama ba tong ginagawa ko? Kailangan ko ba talagang isuko ang lahat? Gusto ko ng sagot. Ano bang meron? Ano bang nangyayari? May kinalaman ka ba talaga?Kinabukasan hindi ako pumasok. Pumunta agad ako sa hardin. Siguro dapat ko lang isauli ang kwentas. Pagkakataon ko na rin siguro to para itanong sa kanya. Pagkarating ko sa hardin wala akong maramdamang espesyal. Bat ganun? Dati nagagandahan ako sa lugar na to bat ngayon hindi?
"Maam.... Ano po bang ginagawa mo dito?" tanong ng isang hardenero.
"Wala po may hinihintay lang." tumango lang siya at napakamot sa ulo niya. Darating kaya ngayon si Kael? Sana naman. Umupo nalang ako sa may duyan.Ilang oras din akong naghintay. Wala parin siya. Hindi ako aalis. Sisiguraduhin kong magkikita kami ngayon. Tumayo ako at inikot ang puno. Sa di kalayuan nakita ko siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Bigla namang umihip ang hangin na siyang dahilan ng paglipad ng mga dahoon sa paligid. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
"Ang tagal mo." Sabi ko.
"Wala talaga akong planong pumunta rito ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko may mauulit talaga. Pero kahit ano man yun. Ayokong maghintay ka."
"Ano ba ang mauulit? Nalilito na ako."
"Hindi ko rin masabi kung ano."
"Kael... hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari. Naguguluhan na ako."
"Magulo talaga ang mundo Leila. Napakagulo."
"Kaya nga. Kaya nga gusto ko sana ng sagot."
"Ano bang sagot ang gusto mo?"
"Kina Lorry. May kinalaman ka ba dun?" napatingin siya sa mga mata ko. Wala akong nakitang emosyon. Kahit pagmamahal wala.Kael... sabihin mo hindi naman ako nananaginip sa loob ng mahabang panahong magkasama tayo diba?
"Sa tingin mo ba talaga ako ang may gawa?"
"Paanong hindi.. ito.." kinuha ko ang kwentas sa may bag na nakabalot sa panyo.
"Tingnan mo. Ikaw lang ang may alam na akin ang kwentas na to. Na kay Lorry to ng araw na to. Tingnan mo.. Kael may dugo."
"Sa tingin mo ba talaga ako ang may gawa nun?"
"Sabihin mo nalang kasi!" hindi ko mapigilang hindi maluha. Hindi ko kasi kayang isipin na kayang gawin iyon ni Kael.
"Ano bang gusto mong marinig? Para sayo... sasabihin ko kahit kasinungalingan. Hindi ako hihindi basta wag ka lang umiyak." Mas lalo mo akong pinapaiyak nga e!
"Aminin mo. Aminin mo na ikaw ang may gawa."
"Oo ako..." wala na. Nagsilabas na lahat ng luha ko. Sumabay pa ang ulan. Kainis.
"Ako nga ang may gawa... masaya ka na ba?" ngumiti lang siya. Baliw ba siya? Bat ba ako sasaya nun? Sa tingin niya ba talaga ikasasaya ko yun?
"Ito.. ibabalik ko na." sabi ko sabay bigay ng panyo na may kwentas. Hindi niya muna tinanggap. Nawala bigla ang ngiti sa mukha niya.
"Kunin mo na. May nakapagsabi sa akin na hindi to para sa akin. Kaya ibabalik ko na." napatingin siya sa mga mata ko. Kahit malabo dahil sa ulan, nakikita ko na ngayon ang lungkot."Akala ko magbabago. Hindi parin pala." Sabi niya.
"Ano ba kasi ang magbabago?" tanong ko pabalik.
"Pagtinanggap ko yan. Pagnapunta yan sa kamay ko ulit. Ito na ang magiging huling araw na makikita mo ako."
"Ano bang pinagsasabi mo? Kung gusto man kitang makita pupunta ako sa bahay mo, sa bahay ng nanay mo o di kaya sa school mo. Pero kung gusto ko. Wag na wag ka na ring magpapakita sa akin. Ito.. ito...tanggapin mo na kasi!" Kinuha ko ang kamay niya at binigay ang panyo kasama ang kwentas. Pagkatapos nun umalis na ako. Ayoko pang makitang umiyak siya. Bakaikamatay ko pa.Dito na ba magtatapos? Hindi ko pa nga nasasabing oo e. Hindi ko pa nga nasasabing gusto ko siya tapos ganito na agad ang mangyayari? Bat ba ang malas ko saganitong mga bagay? Talaga bang mamamatay ako ng hindi man lang nakakahanap ng taong magmamahal sa akin ng habang-buhay? Hindi ko pa nga siya nahalikan , nayakap man lang sana. Pagsisisishan ko ba ang araw na to?
Habang palabas sa hardin, kahit umuulan, hindi ko parin maiwasang hindi umiyak. Hindi.. kahit ano pang nagawa niya, gusto ko siya. Mamamatay narin naman ako e, lulubuslubusin ko na. Mamamatay akong masaya. Tumakbo ako pabalik sa hardin. Nasan na ba siya?
"Kael!" sigaw ko bakasakaling nandito pa siya.
"Kael!! Nasan ka ba?" inikot ko pa ang buong hardin. Puro putik na ang sapatos ko. Gusto kong magsorry. Gusto kong manatili siya. Gusto kong nandito lang siya sa tabi ko at gusto kong ang idea niyang napadaan lang."Kael sorry! Kael Please..." tumakbo parin ako ng tumakbo. Nakakalimutan ko ng may sakit ako.
"Kael! Mahal kita! At kahit ano pang nagawa mo papatawarin at papatawarin kita! Naririnig mo ba ako? Mahal kita!" hindi ko siya makita. Kael... nasan ka na ba? Ang sakit na ng puso ko. Hindi ko maintindihan. Magkahalo. Sakit dulot ng emosyon at sakit dulot ng sakit ko."Kael!!!!"
"Miss..." tawag sa akin ng hardenero. May dala siyang payong.
"Manong.. nakita niyo po ba si Kael? Si Kael Alfonzo po ba nakita niyo? Gusto ko siyang makausap." Sabi ko habang nakahawak sa mga braso niya.
"Po? Pero miss... patay na po si Don Kael..." ano? Napabitiw ako sa kanya... napaluhod ako sa sakit. Sobrang sakit. Ito ba yun? May mamamatay? Ikaw ba yun Kael?"Akala ko magbabago. Hindi parin pala."
"Pagtinanggap ko yan. Pagnapunta yan sa kamay ko ulit. Ito na ang magiging huling araw na makikita mo ako."Yun ba ang ibig mong sabihin Kael? Yun ba? Pero kanina lang kasama pa kita. Lord.. bat ba naging madamot ka agad?? Bakit?

BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
Ficción GeneralEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?