The Seventh

5 0 0
                                    

Pagkarating namin sa school hinanap ko kaagad si Loyd. Multo? Galing niyang gumawa ng kwento. Sino bang sinasabi niyang multo? Si Kael? Ang sabihin niya nababaliw na siya dahil ipagpapalit ko na siya. Baliw na yun. Nangigigil talaga ako.

Aish... nagring na ang bell. Bat ngayon pa? History class pa naman. Mukhang isang absent ko nalang bagsak na ako.

"Leila?"

"O? Loyd? Salamat naman at nagpakita ka. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo hindi yung pinagkakalat mo na mukha akong baliw."

"Leila, makinig ka. Hindi siya nakakabuti sayo... layuan mo na siya."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Pakiusap-" napatigil siya. Napatingin siya sa likuran ko at nanlalaki ang mga mata niya. Tiningnan ko naman kung saan siya nakatingin. Wala namang tao. Ano bang nangyayari sa kanya?

"I have to go. Leila.. makinig ka nalang." Sabi niya sabay alis. Ang weird niya ha. Naku... papunta na si Mr. Ridriguez.

Halos lumipad na ako papunta sa classroom. Ayo kong abutan niya na naman akong papaupo pa lamang. Kung maglakad kasi si Mr. Rodriguez, halos nakalutang sa ere sa bilis. Ano ba siya? Hangin?

"Asan ka ba nanggaling?"tanong sa akin ni Yuna.

"May hinanap kasi akong kumag na sana sinapak ko nalang." Nangigil ako ng sabihin ko yun.

"Ikaw ha.. baka dalhin ka na naman niyan sa ER."

"Wag kang mag-alala may ilang buwan pa naman daw ako e."

"Ano?!" napasigaw siya ng sabihin niya yun.

"Ms. Lee! Why are you shouting?" nandito na pala si Sir.

"Sorry po." Sabi niya sabay upo.

"Okay... class... we are going to discuss about the World War 2. Since I have a meeting today, magreresearch nalang muna kayo. Know everyone as you can kung sino yung mga kilalang nasali sa labanang yun. Hey.. Ms. Dein. Long time no see." Napansin niya talaga ako no? Ang laki talaga ng mata niya kainis.

"Hi sir. Namiss ko nga kayo e." sagot ko nalang.

"Alam mo bang ilang absent mo nalang at bagsak ka na talaga? Wala ka pang proper excuses." Aisssh... kasalanan ko rin naman dahil hindi ko pinaalam. Sinabihan ko rin sina mom na wag nalang mangialam sa studies ko. College na kaya ako. Kaya ko na to.

"Alam ko po." Kaya nga pumasok ako diba? Duh.

"With that... dahil kailangan mo ng malaking ambag sa klase ko. Imbes na igroupings ko to by 5 mag-isa ka nalang.." what? Mag-isa? Are you killing me? I hate this damn subject.

"Okay that's all... humanap nalang kayo ng kagrupo niyo."

"Aisssh... sana matapilok ka.." mahina kong sabi. Nakakainis.

"Gusto mong tulungan kita? I love history..." sabi ni Yuna na may pangiti-ngiti pa.

"Well I don't" sabi ko nalang at lumabas na sa classroom. Ngayon saan ako pupunta? May three vacant hours pa ako para sa susunod na subject ko.

Nga pala.. may swimming class pala ako ngayon. It's for my therapy. Mas natutulungan ako nitong humaba ang buhay ko. Kasama ko sa class na to si Sheena. Hindi rin naman siya marunong lumangoy kaya sumali siya. I'm sure magkikita na naman kami nito.

Pagdating ko sa locker area nandun nga siya. Nagsimula na akongmagbihis.

"Leila?" sabi niya habang papalapit sa akin.

"Bakit?" sagot ko.

"May problema ba kayo ni Loyd?"

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko naman habang patuloy sa pagpapalit.

"Kung may kasalanan man siya, patawarin mo na. Mahal na mahal ka niya."

"Humihingi ka ng tawad para sa kanya? Ganun ba Sheena?" sabi ko nang nakatingin sa kanya.

"Leila... kaibigan ko rin siya. Kaibigan rin kita... kaya sana-"

"Yun nga... kaibigan mo ako kaya hindi ko maintindihan."

"Ang alin ba?" huminga nalang ako ng malalim at tumalikod na. Siguro hindi pa oras para sabihin sa kanya. Baka masaktan ko lang siya. Hindi rin naman kasi ako sigurado. Malay ko nagkataon lang na may tattoo rin siya dun.

"Hello Ms.." bati ko sa coach.

"O Leila.. bakit ngayon ka lang? Ilang session na ang na miss mo ha?"

"Oo nga po."

"O sige na... magsimula ka na." tumango lang ako. Nakita kong papalapit na si Sheena kaya lumusong na ako sa tubig. Ilang minuto rin ang lumipas. Sa kakaisip ko ng kung ano-ano hindi ko na namalayan pa ang oras.

"Kayo hindi pa ba kayo aahon?" tanong ni coach.

"Mamaya na ho." Sagot ko. Nandito parin pala si Sheena.

"O sige..maya-maya umahon na kayo. May lakad pa ako kaya mauuna na ako."

"Okay po." Sagot ko. Umupo muna ako sa gilid ng pool. Ano kayang ginagawa ngayon ni Kael? Busy kaya siya mamaya? May gagawin ba siya bukas? Libre ba siya sa makalawa?

"Leila." Tawag sa akin ni Sheena.

"Ano?"

"May problema ba tayo?" tanong niya.

"Wala."

"E kayo ni Loyd?"

"E bat lage mo siyang sinasali sa usapan?"

"Leila.. nag-aalala lang kasi ako sa inyong dalawa." Nag-aalala? Wow! Big word!

"Kung nag-aalala ka tulungan mo ako." Sabi ko habang nilalaro ng mga paa ko ang tubig sa pool. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Kahit ano pa yan. Tutulungan kita. Magkaibigan tayo hindi ba?" tumingin ako sa mga mata niya. Huminga muna ako ng malalim.

"Sheena... gaano mo kakilala si Loyd?"

"Simula bata palang kami magkaibigan na kami. Siya yung tipo ng lalaking gagawin ang lahat para sa minamahal niya."

"Kung ganun, alam mo rin bang may babae si Loyd?"

"Babae?"

"Five months ago nakita ko sila... inatake ako nun. Tapos napagdesisyunan ng buong family ko na hindi na muna siya makita."

"Kaya pala nawala ka."

"Hindi yun ang issue Sheena...please tulungan mo akong alamin kung sino?"

"Ha?" nagulat siya sa sinabi ko. Binitawan niya ang mga kamay ko.

"Matutulungan mo naman ako diba? Kaibigan mo naman ako diba?" huminga siya ng malalim.

"Siyempre naman." Mahina niyang tugon. Ngumiti lang ako sa kanya at bumaba na sa tubig. Lumangoy ako ulit mula sa mababa papunta sa malalim. Tapos malalim na naman papunta sa mababang parte ng pool. Sheena... sana hindi ikaw ang taong iniisip kong makakagawa sa akin ng ganun. At kung ikaw man, sana may mabigat kang rason. Yung katanggap-tanggap naman sana.

Lumangoy ulit ako papunta sa malalim. Anong nangyayari? Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tulong! Sheena! Tulungan mo ako! Lumulubog na ako sa ilalim. Tumingin ako sa itaas ng tubig. Sheena! Tulong!

Ano bang ginagawa niya? Tinitignan lang ba niya ako? Wala ba siyang gagawin? Yung expressin ng mukha niya, parang nagdadalawang isip pa. Sheena!! Please!

Umalis na siya. Wala ba talaga siyang planong tulungan ako? Please... kung may mabuting tao man diyang nakakarinig sa akin... tulungan niyo ako... Kael? Kael? Please... tulungan mo ako.

Kael....

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon