The Eightenth

3 0 0
                                    

Matapos kong magdischarge sa hospital na pagpasiyahan kong pasalamatan si Sheena. Sa pagkakataong to, hindi niya ako hinayaan. Kaibigan ko parin siya kahit ano paman ang nangyari. Kaya ngayon, tumakas ako at papunta na sa school.
Hindi man ako makapaniwala sa nangyari kina Lorry, palagay ko talaga may mali e. Ano bang pumasok sa utak nila at nagawa nila yun sa sarili nila? Sobra naman ata yun. Sabi nila si Sheena ang nakakita sa akin, may kinalaman kaya siya sa nangyari kina Lorry? Imposibe. Hindi niya kayang gawin yun. Ang dami kaya nila.

Nang makarating na ako sa school nakita ko agad si Sheena. Saan naman kaya siya pupunta? Sinundan ko siya dahil parang nawala ang buong lakas ko para tumawag. Pumunta siya sa may likod ng campus. Anong gagawin niya rito? Sinilip ko siya. Magkasama sila ni Loyd. Sabi ko na nga ba. May hindi tamang nangyayari sa kanila.

"Ngayon, ano nang plano?" tanong ni Loyd.
"Wag kang mag-alala. Magmamakaawa ako kay Leila kung kinakailangan para balikan ka. Please wag mo lang akong iwan."ngayon,hawak na ni Sheena ang kamay ni Loyd. Ano bang wag iwan ang sinasabi niya? Winakli naman ni Loyd ang kamay ni Sheena.

"Magkaawa? Sheena sana gawin mo na. Nababaliw na si Leila sa iba na hindi ko maisip kung anong nilalang. Siguraduhin mong maibabalik mo siya sa akin."
"Oo.. sigurado yun. Kaibigan niya ako at pagbibigyan niya ako."talaga Sheena? Sigurado ka?
"Sheena... mahal na mahal ko si Leila... kahit ano pa yan.. kahit pumatay.. gagawin ko para sa kanya."
"Babalik siya wag kang mag-alala"
"Alam mo? Hindi dapat ako nakipagsunod sayo e. Ang sabi mo ibibigay mo sa akin si Leila kapalit nun ay pansinin kita. Ginawa ko naman ha. Pinansin kita, hinawakan, hinalikan, pero anong ginawa mo? Pinakita mo kay Leila. Kasalanan mo to e." So tama nga ang hinala ko.
"Loyd.. mahal kita.. mas matagal tayong magkasama kaysa ni Leila. Bat ba siya ha?"
"Alam mo? Wala namang kamahal mahal sayo e. Ibalik mo sa akin si Leila kung ayaw mong mawala ako sayo."

"Paano kung ayo ko? Paano kung ayo ko dahil gusto kong ako lang?"
"Anong?" nakataas na ang isang palad ni Loyd at hahampas na sana sa mukha ni Sheena.

"Subukan mong sapakin ang kaibigan ko nang masapak rin kita." Sabi ko at lumapit sa kanila. Pumagitna ako sa kanilang dalawa.
"Leila.." mahinang sabi ni Sheena.
"Leila.. na..na..narining mo ba?" tanong ni Loyd.
"Loyd.. may sakit ako sa puso at hindi sa tenga. At ano bang kinakatakot mo? Na mawala ako?"
"Leila... narinig mo naman diba? Mahal kita. Ang kaibigan mo lang talaga ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng ito." Tumingin ako kay Sheena. Yumuko siya.

"E ano naman? Kung matino kang lalaki, kung totoo kang nagmamahal, hindi mo gagawin yun. Tayo na Best.." sabi ko sabay hawak sa kamay ni Sheena.
"Leila!" tawag ni Loyd na hindi ko pinansin.

Pumunta kami sa bleachers. Umupo kami sa may pinakagitna. Medyo walang tao kasi oras ng klase na.
"Leila?"
"Hmm?" sagot ko habang nakatingin sa baba. Hinahagod-hagod niya ang mga kamay niya na sinyales na nagsisi talaga siya. Kaibigan ko siya kaya alam na alam ko ang mga pinaggagawa niya.
"Sorry.." sabi niya at nag-umpisa ng umiyak. Niyakap ko siya at hinagod ang likod niya.
"Shhh tahan na. Ayos lang yun. Nangyari na nag nangyari. Hindi na natin pa maibabalik ang kahapon pero pwede naman natin baguhin ang bukas sa pamamagitan ng pag-uumpisa sa ngayon."

Humiwalay siya sa pagkakayap sa akin at nakatingin lang sa mga kamay niya.
"Before kayo nagkakilala, gusto na gusto ka na niya talaga. Ako naman si tanga, para lamang mapansin niya, nakipagsundo ako. Tutulungan ko siyang maging kayo at papansinin niya ako, tratatuhin bilang girlfriend kahit patago lang. Akala ko mamahalin niya rin ako at pipiliin bandang huli." Inangat ko ang mukha niya at pinawi ang mga luha.

"Tanga ka talaga. Alam mo ba dahil sa nakita ko kayo nun kaya nawala ako? Inataki ako sa puso kaya muntik na akong mamatay."
"Best... sorry.." niyakap na naman niya ako at humagulgul na naman. Iyakin talaga oo. Hiniwalay ko na naman siya sa pagkakayakap sa akin.

"Alam mo Sheena? Maganda ka. Matalino. Sporty. Sexy. Mabango. Mabait. Mayaman. Lahat na siguro meron sayo-"
"Maliban sa taong mahal ko." Dugtong niya.
"Sheena... hindi mo siya kailangan. Huwag mong ibigay ang luxurious mong pag-ibig sa isang taong hindi naman worth-it. Kahit parang muta ka liit... hindi siya worth-it. Wag kang mag-alala makakakita ka rin ng taong magmamahal sayo ng tapat, at sapat." Ngumiti na siya at niyakap na naman ako.

"Yan tuloy ang pangit mo na." biro ko sa kanya.
"Pero atleast hindi nawala ang bestfriend ko." Sabi niya.
"At dahil dun ililibre mo ako ng ice cream."
"So cheap.. kahit isang mall pa kaya kong bilhin."
"Wow ha.. hahaha" sabay kaming tumawa.
"Leila! Sheena!!" rinig naming sigaw ni Yuna. Kasama niya si Mike.
"Dali! Manlilibre si Sheena ng Mall!!" sigaw ko
"Mall talaga?" sabi niya habang nakatingin kami sa dalawa na tumatakbo papalapit sa amin.
"Sabi mo e." sagot ko at nagtawanan na naman kami.

Ang sarap sa pakiramdam na habang tumatagal marami ka palang dahilan para lumaban. Habang tumatagal mas dumarami ang dahilan ko para mabuhay. Kael? Nasan ka na? Bat hindi ka na nagpaparamdam sa akin?



Ngayon,nandito kami sa may Ice cream shop.
"Akala ko ba mall ang ililibre ni Sheena? Bat Ice cream?" tanong ni Yuna.
"Kumain ka nalang kasi.." sabi ni Mike sabay subo.
"Ang sama mo ha." Sabi ni Yuna.
"Nga pala.. gusto kong magso-" hinawakan ko ang kamay ni Sheena at nagsign na wag. May mga bagay na dapat hindi sinishare. Alam kong masakit rin sa kanya na ipagtapat na niloloko niya ako. Masakit kayang magtapat ng kasalanan. Kaya nga hindi ako umaamin ng kasalanan ko eversince hahaha. Depende sa sitwasyon.

"Kael?"siya yun ha?
"Sinong Kael?" tanong ni Sheena.
"Yung baby boy niya." Sagot ni Yuna.
"Baby boy? I think hindi ko pa siya nakilala ha... Leila? May tinatago ka ba?"
"Wala no.. dito muna kayo may titingnan lang ako."

Hinabol ko si Kael. Nasan na ba siya? Bat ba nagmamall siya? Ganyan na ba siya ka sociable? Napunta na naman ako sa parking lot. Ano na naman bang ginagawa ko rito?

"Ikaw! Ang sabi ko ibalik mo na sa kanya ang kwentas!" yung matanda.
"Po? Hindi ho ang sabi niyo hubarin ko. Hindi po ibalik."
"Ibalik mo... ibalik mo na! Yun ang dapat mangyari... ibalik mo na!"
"Bakit ko nga po ibabalik na akin po yum. Binigay niya." Sagot ko. Lumpait siya sa akin at inabot ang isang panyo. Isang lumang panyo. Aanhin ko naman to?
"Ilagay mo dito ang kwentas at ibigay mo sa kanya ibalik mo sa kanya."
"Po? Bakit nga po."
"Dahil uulit lamang ang mga nangyari. Kahit anong gawin niyo wala paring mangyayari. May mamamatay parin..."
"Ho?"

"Leila?"
"Sheena?!"
"bat nandito ka?Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
"Ha? Wala kasi... nawala.."
"sinong nawala?"
"Wala.... tayo na." bumalik na kami sa shop. Ano ba yun? Ang bilis naman niyang mawala. May mamamatay? Sino? Ano bang nagyayari?

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon