One week na akong nandito sa bahay. Grounded nga diba? Kumusta na kaya si Kael? Ano na kayang nangyari sa kanya? Nag-aalala ba siya sa akin? Hindi ko narin kasi siya napapanaginipan. Pano kung puntahan ko kaya siya sa kanila? Ayoko hindi naman ako invited pumasok sa bahay nila. Uhmm... hala baka gabi-gabi siyang naghihintay sa hardin? Pano ba yan? Baka iba na ang iniisip nun. Baka iniisip niyang may iba na ako. Bakit? Kami ba? Hindi naman e.
Nagriring ang phone ko. Sabihin na nating grounded akong lumabas ngunit hindi sa gadgets. Bat ganun? Ang pangit ha.
"Hello Yuna?"
"Leila!"
"Bakit?"
"Nagawa mo na ba ang research paper mo?"
"Yung kay Sir Rodriguez?"
"Wala nang iba." Bla-bla-bla. Hindi pa. Paano naman kasi ako magkakainteres dun e wala nga yun sa hilig ko.
"Hindi pa. At tiyaka deadline na kanina diba? So no need nang mag-aksaya pa ng effort. Mahal kaya ang effort ko para pag-aksayahan."
"Oo na. Ilang beses mo pa ba yan sasabihin? Nga pala hindi pa girl." Hindi pa?
"Anong hindi pa?"
"Hindi pa deadline kanina."
"Bakit? Himala naman atang ipostpone yun ng matandang yun."
"Girl... alam mo bang nasa hospital parin ngayon si Mr. Rodriguez?"
"Hindi bakit?"
"Nung araw na muntik ka nang malunod remember?" pinaalala pa talaga. Muntik ko na sanang makalimutan e.
"Bakit? Wala akong maalalang may nangyari sa araw na yun..." duh kalimutan na kasi..
"Nakalimutan ko palang sabihin sayo... kaya kami napunta dun sa pool ay dahil gusto sana naming ipaalam sayo na habang lumalangoy ka si Mr. Rodriguez ay natapilok sa hagdan!"
"Ano!" naalala ko hiniling ko nga pala yun. Kasalanan ko ba yun o sa kanya? Sa akin dahil hiniling ko? O sa kanya dahil hindi siya nag-ingat? Nakokonsenysa tuloy ako.
Teka? Akala ko ba nakalimutan ko na ang araw na yun? Aissh kainis o!
"Ayun.. may bali ang buto niya sa kanang paa." Ano nang gagawin ko? Dadalawin ko ba siya sa hospital at aamining hiniling ko yun?
"Sir....sorry talaga.." luluhod ako at magmamakaawa.
"Ano ka ba... tumayo ka nga wala ka namang kasalanan."
"Sir... sorry kasalanan ko to... sorry talaga.."
"Paano mo naman magiging kasalanan?" mapapatawa siya habang tinatanong niya yun.
"Sir.. hiniling ko po kasi yun..-"
"Ano?! Bagsak ka na!!"
Hindi. Hindi. Erase yun. Ang pangit. Baka lalo pang masira ang buhay ko nito ha. Ano bang gagawin ko para mas gumaan ang pakiramdam ko? Nakokonsensya kasi talaga ako e. Hindi ko naman pwedeng aminin sa kanya. Baka pagnangyari yun umayos bigla ang binti niya at masipa pa ako palabas ng hospital. Ano bang gusto niya? Para sa ganun hindi man lang pakiramdam ko ang gumaan kundi kahit ang pakiramdam man lang niya.
"Sir.... Kumusta na po kayo?" magdadala ako ng prutas.
"Ayos lang...heto mukhang magiging pilay na ako habang buhay.." sana...
"Sir naman..wag ka ngang magbiro ng ganyan..." nagbibiro ba ako? Ano bang pinagsasabi ko?
"Hindi biro lang..."
BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?