The Twentieth

4 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero parang wala ako sa sarili ko para bumangon, nararamdaman ko nalang na parang may humuyugyug sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

"Nila gumising ka na ano ba." Ang ingay. Umupo ako sa pagkakahiga.
"Bat mo ba ako tinatawag na Nila? Hindi ako si Nila.." sagot ko habang kinakamot ang mata ko.
"Kung ganun sino ka aber?" ang ingay talaga niya.
"Ako si... ako si...Nila." Naibuka ko kaagad ang mga mata ko. Si Nila, ako si Nila, pero bakit pakiramdam ko parang hindi.

Panaginip lang ba yun? Nanaginip ba ako ng hindi kaaya-ayang panaginip? Bat parang nakita ko doon si ate tapos...bakit parang anak niya ako? Nahihibang na ata ako. Titigil na talaga ako sa pagbabasa ng mga romantikong aklat.
"Hay nako Nila, bumangon ka na diyan at pinabababa ka na ni Ina." Teka...
"Ate? Ate!" dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap.
"Dahan-dahan ano ba.."
"Ay pasenya... teka.. diba manganganak ka na ngayong buwan na to?" tanong ko habang hinahawakan ang malaking tiyan niya.
"Sa susunod pa."
"ahh...Ate.. nakakaba." Binatukan niya ako.
"Gaga... bat ka ba kinakabahan? Ikaw ba ang manganganak?" oo nga no.
"Birthday ko na sa susunod na buwan... may regalo ba akong maasahan mula sayo?"
"Wala.. kaya bumaba ka na.." hmmm... tumayo na ako at naghilamos. Sinuklay ko kaagad ang buhok ko at bumaba na.

"George!! You're also here?" bati ko sa asawa ni ate. Isang business man na foreigner. Business man nga pero hindi naman mayaman.
"Of course, you're almost eighteen."
"Oww thank you.. Ei nandito ka rin? Ang saya naman."
"Tita hindi ako si Ei Lei-"
"Si Ei ka parin... at kahit anong pangalan mo Ei ang itatawag ko kasi ang cute mo!" sabi ko at pinisil ang mukha niya. Anak siya ni ate. Babaeng anak ni ate.
"Yes maybe I am just a five year old kid but tita I am smarter than you.."

"Smarter ka diyan hindi mo nga alam kung saan ka nakatira no."
"Of course I know.. saan nga ulit yun mom?"
"Kita mo na?"
"Nila, inaaway mo na naman ang pamangkin mo. Hali na kayo at kumain na tayo." Tawag ni mama.

"Nga pala, nasan si papa?" tanong ni ate.
"Nasa labas lang yun kanina. Hali na kayo, hindi dapat pinapahintay ang pagkain." Tawag ni mama. Ang ingay naming kumain. Namiss kasi namin ang isat' isa. Sina ate nasa Maynila, kami naman nandito sa probinsiya.

"Hala? Anong oras na ba?" tanong ko.
"Mag-aalas diyes pa lang." sagot ni ate.
"Naku, may lakad nga pala kami ngayon ni Kai.." dali-dali akong tumayo at umakyat. Si Kai ang boyfriend ko. Mabait siyang tao, nakakatuwa at nakakagaan sa pakiramdam. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala sayo ang lahat pero dahil sa akin siya parang kumpleto na. Nakilala ko siya dawang buwan ng nakakaraan. Madalas kaming pumunta sa hardin at kumakain ng kung ano-ano. Minsan narin niya akong inanyayahan sa bahay niya at nung nakaraan na linggo lang ay pinakilala niya ako sa pamilya niya. Mahilig rin magkuwento si Kai. Madalas mga kababalaghan ang kinukwento niya. Minsan nanakot rin siya pero pasensya hindi kasi ako matatakutin.

"Ang bilis ha.." sabi ni ate.
"Siyempre..magkikita kasi kami ni Kai. Remember ate si Kai?" ngumiti lang siya at tumingin kay mama.
"Nabalitaam kong pumunta ka raw sa San Diego?" tanong ni mama.
"Ah,, oo hulaan niyo anong nangyari?"
"Nila, walang maganda sa nangyari."
"Ma." Sabi ni ate at hinawakan ang kamay niya.
"Bakit? Ano bang masama dun?" tanong ko habang nakatingin sa kanila.

"Wala. Uminom ka na ba ng gamot mo?" tanong ni ate.
"Oo.."tumayo si ate at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga braso ko.
"Nila, hindi mo dapat makalimutan na may iniinom kang gamot. Ayos ba yun?" tumango nalang ako. Hindi ko alam kung bat nila ako pinapainom ng gamot na wala naman akong sakit. Siyempre sabi ng doctor hindi maganda pag lage kang umiinom ng gamot kung wala ka namang sakit kaya hindi ko iniinom. Tinatago ko lang.

"Sige.. lakad ka na." sabi ni ate at nginitian ko nalang. Umalis na agad ako sa amin at dumiritso sa hardin. Medyo napaaga ata ako ngayon ha? Teka? siya ba yun? Ang sabi ko magpula siya bat naka puti siya? Hindi talaga nakikinig. Papunta siya sa may kakahuyan. Anong gagawin niya dun? Sinundan ko siya. Patuloy lang siyang naglalakad.
"Kai! Kai!" sigaw ko pa. Hindi naman kami masyadong malayo sa isa't-isa pero parang bakit hindi niya ako naririnig?
"Hui! Kai ano ba!" aba? Bingi ata tong gwapong to ha. Kung hindi lang talaga kita gusto ewan ko nalang.

Ano ba to..kung makapagsalita naman ako aakalain mo talagang maiiwan ko siya hindi no. Asa ka pa!
"Kai!"
"Hui! Bingi!" bat ba ayaw niyang makinig? Teka? sino ba yung kasama niya? Nakipagkita siya sa loob ng kakahuyan? Ano bang pumasok sa kukuti niya? Gusto ko sanang lumapit sa kanila kaya lang parang mas maigi kung dito nalang ako. May pinag-uusapan silang parang malalim ata ha. Sino ba kasi yung lalaking yun? Nakatalikod kasi kaya hindi ko makita ang mukha niya. May peklat siya sa kanang kamay. Lumapit nalang kaya ako?

"Kai-"
"Mawala ka na! Mawala ka na sa buhay niya!" baril? Babarilin niya ba si Kai?

(BANG!)

Napatakip ako sa bibig ko. Binaril niya si Kai! Binaril niya! Tumakbo ako pabalik sa may puno. Nagtago ako. Bat niya ba binabaril si Kai? Napaatras si Kai at tumakbo patungo sa dereksiyon ko. Nang makalagpas na sa akin si Kai habang nakahawak sa balikat niyang duguan ay napatingin siya sa akin. Kailangan ko ng makaalis dito. Pano kung ako naman ang barilin niya? My god!Buti nalang at nakatakas si Kai. Ang mahalaga ay nakatakas siya.
Dahan-dahan na akong tumalikod. Nang hindi sinasadya may naapakan akong kahoy.

Anong? Yung lalaking namaril. Nakatingin siya sa akin. Mamamatay na ba ako? Ma? Ate? Pa? sana mahanap niyo ang bangkay ko.

Teka? hindi niya ba ako nakita? Magkaharap lang kami tapos hindi niya ako binaril. Ano bang iniisip ko. mabuti na yun kaysa patayin niya ako.

Tumakbo na siya paalis. Ang laki kong tao tapos hindi niya ako nakita?
Ganun paman tumakbo parin ako palayo sa kinaroroonan ko. Bumalik na ako sa hardin. Halos matapilok na ako sa kakatakbo ko. Nakarating rin sa wakas. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Nila?"
"Ay palaka! Kai naman e." tung taong to nanggugulat na naman. Teka? Wala namang dugo sa katawan niya. Infact, ang buti ng kalagayan niya.

"Ano bang nangyari sayo?"
"Hindi ka ba nasugatan?"
"Bat naman ako masusugatan?"
"Tapos... nakapula ka."
"Oo sabi mo e." pero nakaputi siya kanina. Ano ba yun?

Nakakakita na ba ako ng mga mangyayari sa hinaharap? Masamang pangitain ba yun? Mangyayari ba yun?
"Ano ba kasing nangyari sayo?" tanong ni Kai.
"Kai? Pwede bang magtanong?"
"Ano naman yun."
"May kilala ka bang may peklat sa kanang kamay?"
"Peklat sa kanang kamay? Ah,, oo." Sabi niya at napatingin sa lupa.
"Pwedeng pahingi ng favor?"
"Sige ba." Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Pwede bang, wag kang makikipagkita sa kanya sa loob ng kakahuyan?" ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Siyempre naman bastat ipangako mo sa akin na tatawagin mo na ako sa sarili kong pangalan?"
"Oo naman." Niyakap niya ako. Ang sarap talaga ng yakap niya. Yungpakiramdam na parang pinoprotektahan ka.

"Nga pala... ibabalik ko sana to." Natahimik siyang bigla.
"Hindi.. ibinigay ko na yan. Hindi ko na dapat pang tanggapin."
"Ano ka ba.. ibabalik ko lang to pansamantala. Pangako, kukunin ko rin yan sayo." Hindi niya inilahad ang kamay niya kaya kinuha ko nalang at sapilitang pinahawak sa kanya.
"Pero.."
"Ano k aba.. tandaan mo akin lang yang kwentas na yan ha. Akin ka lang Kael Alfonzo."

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon