Hanggang ngayon naaalala ko parin yung nasa panaginip ko. Manggahan? Ang alam ko matagal na yung sinunog. Ano naman kayang gagawin ko sa isang manggahan?
Dalawang linggo na ang lumilipas na nandito ako kina lola. Wala namang nangyari.. medyo. Hindi narin ako dinadalaw sa panaginip ni Kael. Yun na ang huli kong panaginip tungkol sa kanya. Tumawid na kaya siya sa kabilang buhay?
Ngayon naglalakad ako papunta sa may batis. Hindi rin naman ito kalayuan sa bahay ni lola. Actually, bibisitahin ko si Jessa. Kaibigan ko siya nung bata pa ako at madalas kaming magkasama maligo sa batis nun. Hindi lang naman kasi sina Sheena, Yumi, at Mike ang mga kaibigan ko no. Kumusta na kaya sila? Hindi ako makatawag sa kanila mas mamimiss ko lang sila. Hindi rin naman kasi ako kinukumusta ng mga taong yun. Kaibigan ko ba talaga sila?
"Magandang umaga po Lolo Tasyo"siya ang lolo ni Jessa. Mas matanda pa siya kay lola kaya hindi na siya nakakalakad at medyo hindi na malinaw ang pag-iisip niya. Alam naman nating balang araw dadaan din tayo diyan.
"O ija... napadaan ka?" tanong niya.
"Lola naman e... sino bang mapapadaan dito e dulo napo kaya tong bahay niyo. Napasyal po at hindi napadaan. Ikaw talaga." pabiro kong sagot habang nagmamano.
"Leila!" masayang sigaw ni Jessa. Medyo mapapansin ang laki ng tiyan niya. Buntis ba siya?
" Oo na... 4 months na to. Kung makatitig ka naman akala mo kung ano." so that's it. Buntis nga siya.
"Aba.. at sino namang may sayad ang pumatol sayo?" pabiro kong tanong habang nakangiti.
"Wow nahiya naman ako. Si Diego...naaalala mo?" ah... Diego.. nga naman. Alam kong matagal na niyang crush yun mula pagkabata. Ang alam lang ng lahat dito walang future ang taong yun. Akalain mo nga naman at nakapag-asawa pa. Teka.. asawa naman sila diba? Hindi naman siya ginahasa diba? O baka dala ng damdamin lang?
"Alam kong iniisip mo at mali ka. Alam mo naman diba, dito sa atin maagang nag-aasawa ang mga kagaya ko..at correction asawa ko si Diego at hindi kung ano lang. Buti ka pa nga nakapag-asawa ng foreigner ang mama mo. Ms. Dein? at masaya akong naging safe ka sa sumpa dito." iniisip ng lahat sumpa ang pag-aasawa ng maaga. Mas sumpa ang hindi makakapag-asawa no.
Ang sabi ni lola sa akin maaga rin daw siyang nakapag-asawa kagaya ng lahat dito. Sinabi niya raw sa sarili niyang hindi magiging katulad niya si mommy kaya pinag-aral niya ito sa Maynila at dun niya nakilala si Daddy. Isang foreign businessman na hindi mayaman.
"Pero mas maswerte ka. Kahit alam nating magiging mahirap ang buhay atleast ikaw may makakasama habang buhay."
"Bakit Leila? May nangyari ba sayo? Magkwento ka naman." sabi niya at naupo sa tabi ko. Nasa balkunahe kami ngayon.
"Well... it's been a while though... I've been seeing this guy.. he's cute, romantic... and... and you know.. so mysterious."
"Tapos?" tanong niya na medyo nahohook na sa kwento ng buhay ko.
"Well.. not too long ago... he...he died." at ngayon naaalala ko na naman."Leila? I'm sorry. Teka ikukuha kita ng tubig." sabi niya at tumayo na. Pinunasan ko naman ang mga luha kong pumapatak. He's so... I miss him.
"Hindi.. hindi.. opo nangangako po ako. Hindi ako magsasalita..Hindi."
" Lolo?" nagulat ako nang parang may kausap si lolo.
"Pangako.. hindi ko ipagsasabi ang nangyari kay seniorito Kael. Pangako po." Kael?ano bang ibig niyang sabihin? Kilala rin ba niya ang lolo ni Kael?
"Lolo!" sigaw bigla ni Jessa. Bigla nalang nahimatay ang lolo niya.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko habang tinutulungan ko si Jessa na alalayan ang lolo niya.

BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?