The Sixtenth

2 0 0
                                    

"Kael...Kael Alfonzo?" tanong ko ulit.
"Oo... Kael Alfonzo the first."
"Ahh... so ibig sabihin... the second ka na?" nakakakaba yun ha. Tung gwapong nilalang na to talaga oo.

"Tama... ang talino mo talaga Lailani."
"Pwede bang wag mo akong tawaging Lailani? Leila ang pangalan ko." Isa nalang at magtatampo na talaga ako. Promise. Itaga mo pa sa abs mo. Char... meron? Petengen nge?

Tumayo siya bigla at napatingin sa ilog.
"Alam mo ba na bawat sulok dito sa San Diego ay may kwento ng pagmamahal? Kababaglaghan."
"Tinatakot mo ba ako?" sabi ko sabay ngiti. Tumayo na rin ako at nilapitan siya.
"Kung matatakutin ako, edi sana noon pa namatay na ako."

"Hindi naman pananakot yun e. Pagtatanong lang."
"Kung tanong yan hindi ang sagot ko." Sabi ko sabay ngiti. Hindi ko talaga maintindihan. Kinikilig na naman ba ako?

"Kung ganun, kung iyong mamarapatin hayaan kong ikwento sayo ulit ang lahat."
"Ulit? Bakit naikwento mo na ba sa akin to?"
"Ganito nalang isipin mo. Hanggang nandito tayo sa San Diego, hayaan mong maging si Lailani ka at ako si Kael."
"Dayo mo ha... si Kael ka naman talaga e."
"Edi pasensya... hahahaha." O my god... bat ba siya tumawa? Please tama na. Lord.. lalabanan ko to... lalabanan ko to at hindi ako mamamatay sa saya! Sa kilig pala..

"Hmmmf.." wow pabebe si ako?
"Ang ilog na to ay patungo sa lagusan ng isang kweba kung saan sinasabi nilang may serenang nakatira."
"Serena? Naniniwala ba kayo dun?"
"Bakit ikaw hindi?" tanong niya.
"Medyo.."
"Kita mo patapusin mo nga muna ako."
"Oo na... bagal mong magsalita e."
"Ang serenang yun ay umibig ng isang tao. Umakyat siya sa lupa upang hanapin ang lalaki. Tinanggap naman siya ng lalaki kahit isa siyang serena."
"Talaga? So happy ending?anong kababalaghan dun? "
"Hindi pa ako tapos e."
"Sorry na.. next?" hay... parang nagugustuhan ko ang kwento pero parang tinatamad ako kaya umupo ako sa may gilid ng tubig at binaba dito ang aking mga paa. Si Kael naman nakatingin lang sa malayo.

"Nalaman ng taong bayan ang tungkol sa serena. Nagkataon naman ng mga oras na yun ay nagkaroon ng tagtuyo. Namatay lahat ng halaman na pinagkukunan ng pagkain at yaman ng lahat. Kaya napagpasyahan nila na kasalanan ito ng lalaki dahil sa inisip nila na ang kalabisang pagtanan sa serena ang dahilan ng pagkawala ng tubig. Hinanap nila ang lalaki para pagbayarin. Tumakas ang serena at ang lalaki. Napadpad sila sa dakong ilog na ito at dito napatay ang lalaki." Mahabang kwento niya at huminga siya ng malalim habang nakatingin parin sa malayo. Ibig sabihin, kahit tanggap man o hindi ng tao ang serena ay hindi parin magiging masaya ang ganitong klase ng kwento. Alam niyo na.. pag ang dalawang tao o nilalang ay hindi magkatulad. Bat ganun? kaya naman nilang magmahal bat hindi parin sila pwede?

"Nung araw ding yun, habang uumiyak sa galit ang serena, kasabay nitoy pagbuhos ng malakas na ulan. Nagsitakbuhan ang lahat ng tao ngunit kahit saan sila magpunta, naaabutan sila ng baha. Lahat namatay maliban sa iba na ang sabi-sabi ay nagtago sa kweba. Hindi parin maisip ng marami kung bakit sa kweba na pati ang kweba naman ay nadadaluyan ng ilog. Isang himala yun. Siguro narin dahil sa kweba nabuo ang pag-iibigan ng dalawa kaya naging ganun. Nung araw ding yun, habang patuloy sa pag-agos ang luha ng serena kasabay ng umaagusgus na daloy ng baha sa bayan, isinumpa niyang wala ng masasaktan pa ng dahil sap ag-ibig..."

"Talaga? Masaya naman pala sa dulo kahit malungkot... pero wala ng sasaya pa sa paglalaro ng tubig.." ginamit ko ang kamay ko at tinapunan siya.
"Wag!!" nabigla ako ng bigla siyang sumigaw. Nabasa ko siya sa may pantalon niya.

"Hindi mo dapat ginawa yun."
"Ang alin? Ang tapunan ka ng tubig? Bakit? Takot ka ba sa tubig ha? Isa pa?" pagbibiro ko sa kanya.
"Tama na... halika na.. umuwi na tayo." Bat ang kj niya ngayon? Hmmf... nauna na siyang naglakad. Iniwan ba naman ako?

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa ilog. Anong? Ako ba yan? Pinikit ko ang mga mata ko at hinagod. Hindi. Imposible. Tiningnan ko ulit. Wala na. Pano nangyari yun? Nakita ko lang kasi ang sarili kong mukha na puno ng dugo. Ano ba.. kinakabahan tuloy ko. Relax.. inhale, exhale. Baka atakihin ka Leila. Relax.

"Leila?" tawag sa akin ni Kyle.
"Kyle ikaw pala."
"Ikaw lang ba mag-isa dito?"
"Ahh... oo... nauna na kasi si Kael."
"Iniwan ka ni...ku...ya?"
"hindi... nauna lang.. nga pala alam mo ba ang kwento sa ilog na ito?" tanong ko.
"oo... ang tawag nila sa ilog na ito ay ang isinumpag ilog ng walang hanggan."
"Anong ibig sabihin nun?"
"Ibig sabihin, hindi nag-eexist ang walang hanggan"
"ha? Akala ko ba isinumpa ng serena na wala ng masasaktan pa ng dahil sa pag-ibig?"
"Bat alam mo yan?"
"Ha? ah..Naikwento lang ni Kael."
"Kael... siguro totoo nga.."
"Ang alin?" tanong ko. Napaupo kami pareho sa damuhan.
"Ang... ang kwento. Kasi sabi nila hindi lang dun nagwawakas ito. Ang sumpa ng serena ay wala ng iiyak pa. Lahat ay magmamahalan. Kapag nagbitiw ng isang sumpa ang serena, kailangan niyang tapusin ang buhay niya para maging epektibo ito. Nang mawala ito...at naghalong parang bola, isang sereno ang lumitaw. Ang nilalang na ito ay matagal na palang nagmamahal sa serena. Kahit iba ang pinili ng serena, minahal parin niya ito. Nagalit siya dahil nauwi sa wala ang sakripisyo niyang ibigay sa tao ang mahal niya. Nung araw ding yun, isinumpa niyang kahit isang patak lang ng tubig sa ilog na ito kapag nabasa sa ano mang bahagi ng katawan ng dalawang taong nagmamahalan, isang malagim na pangyayari ang nakatadhana sa kanila. Maaring nangyari na, at mangyayari pa." napatayo akong bigla.

"Bakit Leila?" tanong niya.
"Wala..." hindi naman siya nabasa diba? Pantalon lang niya yun. Pantalon lang.. sana.
"Hindi niyo naman hinawakan ang tubig hindi ba?"
"Ha? Siguro.. pero ako oo."
"Ang sumpa ay epektibo lamang sa dalawang taong nagmamahalan." Oo nga.. hindi ko pa naman siya mahal ha.. bat ba ako natatakot?
"Talaga bang totoo ang sumpang yun? Ang kwentong yun?" tanong ko sa kanya na may halong kaba. Pano kung oo? At paano kung nabasa siya? Paano kung mahal ko pala siya?
Tumalikod na si Kyle. Iiwan rin ba niya ako? Bat mahilig silang magkapatid sa walk-out? Duh?

"Siguro.." sabi niya sabay hinto.
"Siguro lang?"
"Sa kaparehong araw na ito, nangyari rin yan kina Kael at Lailani." Sabi niya at nagpatuloy nang naglakad. Nangyari? Sa parehong araw?

Kael.. kasalukuyan siyang nakatingin sa akin kahit nasa malayo. Ano ba talagang mangyayari sa atin? Pareho ring araw nung nagkakilala tayo sa nakaraan nina Kael at Lailani... ngayon.. pareho rin... sa araw na ito...nasumpa sila kagaya natin... tayo ba talaga? Tayo ba talaga ang nakatadhana? O nakatadhanang mauulit lamang ang mga nangyari? hindi ko kakayanin. Bat ganun? Bat ng labo?

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon