The Twelvth

1 0 0
                                    

Nandito na ako sa bahay. Hindi ko na lolokohin pa ang sarili ko. I think I’m in love.  With whom? Kael.

Hindi kasi e. Iba siya. Yung tipong lalaking hindi mo makikilala sa panahon ngayon. May pagkaweird siya oo pero ang sarap sa pakiramdam na nandun siya palagi sa tabi mo, pinapahalagahan ka kahit hindi mo alam kung bakit.

Ipaglalaban rin kaya niya ako? O hahayaang mawala sa buhay niya?

Napatingin ako sa kwentas. This woman looks familiar. Yung parang luksong dugo? Hindi ko alam pero, sa tingin ko may connection ako sa kanya e. Ako ba ikaw? Ikaw ba ako? Ano ba to.

Kung pinanganak ako ulit para maging tama ang lahat, ibig sabihin kami nga ni Kael ang para sa isa’t- isa? Pero paano kung mangyari ulit ang dati? Paano kung hindi rin pala nag-iba ang kapalaran ng dalawang tao? Tapos ipapanganak ulit kami. Tapos magtatagpo at ganun rin ang mangyayari? Masasaktan pa rin ba kami sa bandang huli? O baka siya lang? Sasaktan ko lang ba si Kael? Iiwan ko lang ba siya? Yun ba ang nakatakda? Tadhana? Dahil kung yun nga, handa akong baguhin ang lahat.




“Leila! O my god. Pumayat ka ata? Hindi ka ba kumakain? Hindi ka ba nagpapaluto kay yaya?” si mom yun. Bumalik na sila. Grabe for three days. Ang tagal nun ha.
“I’m okay mom. What about si lola?”
“She’s okay. So okay. And me too… very fine with my room. Alone.” Tsss. Sumasabat ba naman? Yeah that’s Leira.

“Nga pala. Sinabi ng lola mo na dalawin mo siya this weekend.”
“Ha? Pero-“
“No. Buts.”
“Okay…” na miss ata ako ni lola.
“Kahit pala hindi ako sumama ako parin ang hinahanap ni lola. So sad.”
“Duh? Talk to your self.” Tsss. Maldita!

“Leila!”
“Dad.”
“Oh I miss my baby so much.”
“Oh dad…. “ niyakap niya ako ng mahigpit at ganun rin ako. I admit daddy’s girl ako. Hindi ba halata?
“Wait… whats that?” tanong ni dad.
“This?” turo ko sa necklace na suot ko.
“Yucks… Leila kalian ka pa nagkahilig sa antique?”
“It’s not antique Leira it is elegant.”
“Whatever!”
“I’ll guess.. galing yan kay Kael no?”
“Mom? You’re awesome.”
“I know right.”
“Yucks… dati yung flowers and now that antique? Ano ba siya? Lumang tao?”
“Leira??” sabat naman ni mom.
“So? When can I meet this boy?” tanong ni dad.
“Maybe soon?” sagot ko.
“Then maybe tonight dahil magluluto ako mamaya for dinner.”sabat ni Mom.

“Then that means I’ll bring..”
“Kael?”dugtong ni Leira.
“That would be a NO.” dagdag niya.
“Yeah of course. I think it’s time na para makilala na namin ang guy na to.” Sabi ni mom.
“A guy who has no taste with flowers.”
“Leira?” sabat ni mom. Nagsnob lang siya. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Nga pala. Paano ko kokontakin si Kael? Wala man lang siyang binigay na contact number, kahit facebook account lang sana. Oo nga pala baka nandun siya ngayon sa hardin.

Dali-dali akong nagbihis at bumaba sa sala.
“Mom? Dad? Aalis na muna ako ha.”
“Okay. But be sure to be back before dinner.”
“I promise.” Ngiti ko kay mom.

Sumakay na ako sa taxi at dumiritso sa garden. Ang lakas ng hangin. Ganito ba kahangin dito ngayon sa hardin? Ang lamig pa nakakapanindig balahibo. Nandito kaya siya ngayon?
Dumiritso ako sa duyan. Siguro hihintayin ko nalang siya rito. Maaga pa naman e. Napatingin ako sa paligid. Ang ganda. Maya maya pay may naramdaman akong parang sumasakal sa akin. Ang kwentas.

Sinasakal ako na parang may humihila sa kwentas sa likod ko.  Hindi ako makahinga. Ginawa ko lahat ng makakaya ko at tumalikod. Wala namang tao. Napahawak ako sa leeg ko. Ano ba yun? Hindi ako maaaring magkamali. May gusto bang pumatay sa akin? Please wag naman sana. Magiging shota ko na si Kael o. Panira moment kayo.Maghintay kayo mamamatay rin ako.

“Ano bang pinag-iisip ko.” Mahina kong sabi.
“Leila?”
“Waa! Kael naman e. Wag ka sabing manggugulat! Papatayin mo ba ako sa takot?”
“Sana…”
“Ano? Papatayin…. mo.. ako?”
“O-o…”
“o my god… “ humakbang siya papalapit sa akin kaya humakbang din ako paatras.
“Wag kang lalapit.”
“Gusto ko. Patay ka, patay…” dahil sa takot ko napasandal ako sa puno. Lumalakas ang pintig ng puso ko. Baka mamatay ako nito. Baka atakihin ako ngayon. Kael? Ikaw ba talaga ang papatay sa akin? Ikaw ba talaga ang magiging dahilan? Palapit na siya kaya napapikit ako habang nakahawak sa puno.

“Patay na patay sa akin…” ano? Minulat ko ang mga mata ko. Binulong niya yun sa tenga ko. Hindi ako makapagsalita. Papatayin nga niya ako. Kanina tinatakot niya ako tapos ngayon pakikiligin? Tao pa ba siya?

Lumakas bigla ang hangin kaya linipad nito ang ilang buhok ko sa mukha ko. Pinawi naman ito agad ni Kael.

“Kahit buhok walang karapatang takpan ang magandang mukha mo.” Tsss.. oo na ako na ang maganda. I know right. Tinulak ko siya ng makalayo na siya.
“Wag mo nga akong bulahin. Baka matulad tayo sa lolo mo and ex niya.” Biro ko.Naglakad na ako at iniwan siya.  Napatigil siya. Ganun ba yun ka big deal?

“Sorry…”
“Ayos lang. Alam mo ba kung kailan nagkakilala sina lolo at ang babaeng mahal niya?”
“Hindi.. syempre hindi”
“Nakakatawa pero pareho lang sa araw na nagkakilala tayo.”
“Talaga? Tadhana ata yun ha.”

Tadhana? Baka tadhanang muulit lang. Wag naman sana.
“Tadhana nga. Sabi nila, ang lahat ay may tamang panahon kaya patuloy parin akong naghihintay.” Naghihintay? Hanggang ngayon? Nandito na ako o. The wait has finally over.

“Tama ka. May tamang panahon para sa lahat. Para sa lolo mo, para sayo, at para sa akin…” para sa atin… aissh.. namumula na ata ako. Napangiti siya sa sinabi ko. Kinikilig na naman ako.

“Para sa atin…” dagdag niya. Kiyah!!!!! Ane be! Weg ke ngeng genyen!
“Nga pala. Sa bahay na tayo mag dinner. Invited ka.”
“Talaga? O sige ba.”
“Nga pala Kael, hindi kasi kita macontact. Pahingi naman ng number mo o di kayay facebook account.”
“Hmm? Ano yun?”
“Ha? Hindi mo alam?”
“Hindi.. ano bang mga yun?”
“Di bale na nga. Bat ba parang mas wala kang alam keysa sa akin?”

“Ahm… kasi hindi ako mahilig sa mga ganyan?”
“Sa bagay. Mas maganda talagang wala kang hilig sa mga yun kasi mas magandang simple lang. “
“Dito ka lang may kukunin ako.” Tumango lang ako.

Nakatayo ako ngayon sa ilalim ng isang puno palabas sa hardin. Ano bang gagawin niya? Pumitas siya ng isang ligaw na bulaklak. May ligaw ba na bulakak na ganyan ka ganda? Tinaas niya ito. O my god.

Dear crush, kahit dahon lang niyan o kahit yung ugat lang basta galing sayo okay na. Lord? Siya na ba talaga ang ibibigay mo para sa hiling ko? Siya na ba yung lalaking magbibigay dahilan sa akin para mabuhay pa? Para lumaban pa?

“Ito.. maganda ba?”
“Sobra.” Binigay niya sa akin ang isang kumpol na ligaw na bulaklak. Kael, saang sulok ka ba ng mundo nagtatago at ngayon lang kita nakilala? Bat ngayon pa na kunti nalang? Bakit?

“Saan?” napaatras ako ng tanungin niya yun.
“Nababasa mo ba ang iniisip ko?” hindi ka ba tao? Kael… ano ka ba talaga? Bat ka dumadating ng hindi ko namamalayan? Bat parang nakakatakot ka? Bat parang…… nahuhulog na ako sa yo?

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon