The Twenty-fourth

1 0 0
                                    

Nandito na kami sa bahay ni lola. Ganun parin walang nagbago. Binaba na nila ang mga gamit ko. Wow ha ang dami pala.

“Sa tingin ko naman hindi ka na mapupuyat dito.” Sabi ni mom.
“Wag kayong mag-alala mom. Susubukan ko.”
“Don’t just try it. Do it honey. “ sabi naman ni dad.
“Ma. Ikaw na ang bahala kay Leila ha.” Sabi ni mom.
“Wag kang mag-alala marami kaming pag-uusapan.” Sagot naman ni lola.

Nagkiss na sila sa akin at umalis na. Umpisa na ng boring kong weekdays. Pero sa bagay, pagnandito ako sa bahay ni lola hindi ako mabobored dahil sa dami ng kwento niya.

Aishh.. naaalala ko na naman siya. Kinuwento ko kay mom ang tungkol sa nangyari kay Kael no comment naman sila. Sino bang makakausap ko tungkol sa bagay na yun? Kailangan ko ngayon ng isang taong pagbubuhusan ko ng sama ng loob. Hindi naman pwedeng si lola.

"Kumusta ka apo?" tanong niya.
"Ayos lang naman lola. Namiss mo ralaga ako ha"
"Siyempre sino bang hindi?"
"Lola naman e.." hindi ko alam ha pero parang naiirita ako sa titig ni lola. Tinitingnan niya ak< ng napakalagkit. Sinusuri niya bawat anggulo ng mukha ko.

"Lola? Pangit ba ako?"
"Ano bang pinagsasabi mo?" natawa naman siya.
"Kung makatitig ka kasi parang may mali sa pagmumukha ko."
"Ikaw talagang bata ka..may naaalala kasi ako sa sayo"
"Talaga? sino?" hindi lang siya sumagot at nauna na.

“Leila. Halika.” Tawag ni lola.
“Opo.” Umupo kami sa sala. Ang luma narin ng bahay ni lola.
“Alam mo? Habang tumatagal lalong nagiging kamukha mo talaga ang tita mo.”
“Ho? Tita ko? May tita ba ako?” may kinuha siya sa ilalim ng lamesita. Isang photo album. May alikabok pa.

“Matagal naming tinago sa iyo ito. Nawala kasi siya nung araw na ipinanganak ka. Hindi naman ata maganda kung aalalahanin namin ang pagkamatay nila sa araw na dapat masaya ka.”

Nila? Bat nila? Binuksan ni lola ang album. What da? Is this real?
“Kamukha ko nga.”
“Siya si Tita Nila mo.” Nila? So totoo nga... yung akala kong panaginip lang. Tita ko siya? Panaginip lang ba talaga yun? Nandun si mom.. si dad.. si Leira... si lola... si... Kael... tapos.. Lorenzo... Loyd?? Anong?? Bat nandun sila lahat? Yung matandang manghuhula nandun din... ano bang meron? Totoo bang nangyari ang mga yun? Kung totoo bat nandun ako? bat ko nakita ang lahat?

Tiningnan ko ulit ang litrato...para siyang si Lailani. Ha? Anong parang? Kamukha ko talaga. Bat ba ang dami kong kamukha?

“Nila...nga pala lola may kilala ka bang Lailani?"
“Lailani? Saan mo siya nakilala?” tanong ni lola.
“Bakit po? Kilala mo po ba si Lailani?”

"Hindi..Wala... wala akong kilalang Lailani." tumayo nalang siyang bigla at pumasok sa kwarto niya. May mali ba sa sinabi ko?

Nakakapanindig balahibo ang mga nangyayari sa buhay ko. Thirty-seven days ago ng muntik na akong mamatay. Buti talaga nagising pa ako.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Matagal-tagal na rin nung huli kong naikot ang bahay na to. Kahit anong tingnan ko may kung nong bumabalot dito. Makaluma... pero parang bago.. pinapanatili kasi siguro talaga ni lola ang lahat dito. Pumunta ako sa likod ng bahay. Ang sarap ng hangin. Ang sarap mabuhay sa probinsya.

Teka? Ano to.. may nakita akong parang isang daanan.. pero saan naman kaya to papunta? nasa gilid ito sa likod ng bahay.. sa may banda ng kwarto ko. Kwarto ko nga to. Pero bakit may ganito? Natatabunan na ito ng mga damo.. pero paano naman tutubo ang damo sa bandang ito? Maliban nalang kung sinandiya talagang hindi tabasin sa bandang to. May nakatago kaya dito sa bahay nato?

Dahan dahan ko ng inalis ang mga nakaharang na damo. Ang lalaki na nito ha.. malinis naman ang paligid pero bakit sa bandang to hindi? Tung bahay ni lola ay parang elevated style. Yung parang nakaangat sa lupa kaya lang di mo mapapansin kasi ginawan ng harang sa ilalim yung parang takip sa space sa ilalim ng bahay at ang harang nato ay may pinto at ito yung nakikita ko ngayon.

Ano kaya ang dahilan at pinagawan ng pinto dito? Maliit lang siya kaya pagpapasok ka kailangan mo pang sumuong.
Pumasok na ako dito at halos nakaupo lang ako papasok. Ang dilim. Teka.. dala ko naman ata ang phone ko.. asan na ba yun.

"Oh my god.. ano bang meron dito?" bulong ko. Ang sikip ng lugar. Nakakatigas ng panga. Teka... kwarto ko na to ha.. tama sa ibabaw nito yung kwarto ko. Bat may ganito?

"Squikk."

"Dagaaaa!!! Ahhh!!" letsugas... nauntug ang ulo ko. Ang sakit huhuhu. Parang bakal naman ata yun. Ano ba yun?

Inilawan ko yun at di inaasang may daanan na naman. Tinulak ko ito pataas. My gosh ang bigat pala ng kahoy na to. Pweee alikabok pa... buti nalang hindi ako hikaing tao. I tried my very best para maitulak ito at sa wakas.

"Ngayon ano namang meron dito?" amg dilim. Silid ba to? Pero bakit naman may ganito sa bahay nato? Inilawan ko ito gamit ang phone ko. Ang liit lang ng space. Parang isang split ko lang ang haba. O... may pinto na naman. Saan naman kaya to papunta?

Dahan dahan ko itong tinulak... nag cre-creek pa dahil sa kalumaan. Pagkapasok ko maliwanag na.

"Teka.. mga gamit ko to ha?? Teka.. kwarto ko na to." tiningnan ko ang dinaanan ko. Aparador? Daanan mula sa aparador? Lumabas lang naman ako sa gilid ng aparador. Humarap ako sa aparador. Hmmfff.. mukhang malaki naman pero bakit parang ang liit lang ng space? Binuksan ko ito.

"Wow... wow walang naman." mga pile lang ng kahoy ang nakita ko. Lagayan ng mga damit. Pero space yun kanina diba? Chineck ko ito ng mabuti. Teka...parang kalahati lang ang nagagamit na lagayan ng damit.. yung kalahating nasa harap at ang kalahating nasa likod ay space lang na naging daanan pababa ng bahay at daanan sa likod. Pero bakit may ganito? Hmmfff... it makes me curious. Napaupo ako sa kama sa harap ng aparador. Napasandal ako sa pader.

"Ano nga bang meron sayo?" ng hindi ko inaasahan inantok na pala ako at nakatulog....

"Teka... dahan-dahan." nakikita ko ang sarili kong tumatakbo sa damuhan.
"Halika may ipapakita ako sayo."hawakhawak ko ang kamay ng isang lalaking nakatalikod. Nakasuot siya ng camesa de chino na kulay puti at itim na pantalon. Sa mga nakikita ko parang papunta kami sa taniman ng mangga.

"Bilis pa mahal ko baka maabutan tayo ng iyong ama." sabi ng lalaki. Humigpit ang hawak niya sa akin at maya maya pay liningon niya ako....

"Ha..... Kael..."

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon