The Fifth

5 0 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko. Para akong tumama sa isang matigas na bagay. Ano bang nangyari? Minulat ko ang aking mga mata. White? Where am I? Napatingin ako sa paligid. Am I at the hospital? Kael!

Napabangon ako bigla ng maalala ko. Lumalakas tuloy ang heart beat ko.

"Leila..." si Leira.

"Sis.. anong nangyari?"

"Hindi mo maalala? Sabi ni Mike sumigaw ka nalang bigla. Tapos nahimatay. Tumawag kanina sina mom and dad. Kung sweswertehin uuwi sila ngayon din."

"What? Pano yung business... kasalanan ko na naman to e."

"Talaga.. buti nalang si Mike ang kasama mo at hindi yung si Loyd duh... at lalong lalo na hindi yung weirdo tsss.."

"Its Kael."

"Gising ka na pala." Si Mike. Nandito pa pala siya.

"Ano bang nangyari?"

"Ewan ko sayo... bigla ka nalang sumigaw."

"Yung aksidente?" tanong ko.

"Leila.. kung alam ko lang talaga sensitive ka pala. Wala.. hindi nasagasaan yung pusa. Muntik na."

"Pusa?" Pusa... hindi ko maalalang pusa yun. Kailan pa naging pusa si Kael?

"Oo... ikaw talaga oo..." Kael... hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw yun e.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"Eight." Sagot ni Leira.

"O my god. I have to go."

"Leila no. Mom said that."

"Well you're not mom." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Baka naghihintay na ngayon si Kael. Sumakay agad ako sa taxi.

"Sa Alfonzo's Garden po."

"Po? Alfonzo's Garden?" pagkompirma ng driver.

"Opo. " Sabi ko sabay bukas ng bag ko.

"Alfonzo's Garden?"

"Manong may problema po ba?" tanong ko ng medyo nairita na ako. Paulit ulit ba naman kasi.

"opo.." sagot niya at pinaandar na ang taxi. Ngayon, papaano ko kontakin si Kael na hindi man lang niya binigay sa akin ang number niya. Yung taong talagang yun. Wala ba siyang phone?

"Nandito na po tayo..."

"Salamat."

"Maam... ano po bang gagawin niyo diyan?"

"Manong... makikipagkita ako sa isang taong espesyal okay po ba yun?"

"Sa isang......"

"Manong... wala na po kayong paki." Sabi ko nalang sabay baba. Ano naman kung sa hardin? May mali ba dun?

Pumunta agad ako sa may oak tree. May duyan dito kaya umupo muna ako. Tiningnan ko ulit ang puno. Hugis puso lang ang meron. Wala man lang pangalan. Ang ganda pala rito lalo na paggabi. Maliwanag kasi ang paligid. Pano kung yayain ko kaya rito sina Yuna? Pwede rin naman. Magpicnic kaya kami? Tapos ipapakilala ko sa kanila sa Kael. Ayos yun!

"Waa!" gulat sa akin ni Kael sa likod.

"Ano ba? Alam mo bang may sakit ako sa puso?" tanong ko habang nahihirapang huminga.

"Pasensya hindi ko alam. Pasensya talaga."

"Ayos lang yun." Tumayo ako ng maayos para makita ng mas malapitan ang mukha niya.

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon