The Twenty-second

1 0 0
                                    

Mabilis ang mga pangyayari. Narating ko agad ang Maynila. Giniginaw pa ako. Bat ba kasi bumuhos ng malakas ang ulan.

Kahit anong lakas ng buhos nito hindi ako mag paindak. Dumiritso ako sa hardin. Ngunit wala siya.

"Kai!!! Kai!!!! nasan ka ba!!" naiiyak na ako. Ano bang nangyayari sa akin?

Tama.. sa kakahuyan. Dali-dali kong tinakbo ang kakahuyan sa ilalim ng tila humahagulgul na langit. Bat ngayon pa kasi umiyak e.
"Kai??? Kai!!! Nandito ka ba? Kai!!! Please nasan ka na?!" wala siya rito. Nasan ba kasi siya? Bat ba kasi dito ko hinanap? malamang umuulan kaya nasa kanila siya. Tinakbo ko na naman ang daan. Nahihirapan na ako dahil madulas ang daan.

"Taxi!! Taxi!!!" bat ba ayaw pumara??

"Taxi!!!!!" naman o. Wala bang magpapasakay sa akin dahil basa ako? Wala akong ibang pwedeng gawin kundi takbuhin nalang papunta sa kanila. Pero.. malayo pa yun... aissh... wala akong paki.

Tinakbo ko ang gilid ng daan at nagbabakasakaling pagdating ko sa kanila ay nandun siya at hinihintay ako. Kai... nasan ka ba? Namimiss na kita. Natatakot na ako. Hindi naman ganito noon ha. Paghinahanap kita nakikita kita agad. Ewan ko ba kung bakit.

"Beep!!! mag-ingat ka naman miss!!" sigaw ng isang driver. Muntik na yun ha.. napalayu na pala ako sa gilid ng daan.
"Pasensya na po.." sabi ko sabay yuko.
"Talaga lang mapapahamak ako sayo nito e.." yumuko nalang ako ulit at dumiritso na sa pagtakbo. Kai...

"Nila?? Nila!!" narinig kong may tumawag sa akin.

"Lorenzo?" sabi ko ng makita ko siya. Nasa loob siya ng sasakyan niya.

"Kumusta? Bat basang basa ka? Gusto mo ihatid na kita sa inyu?"
"Naku hindi na salamat." tanggi ko sa kanya. Matagal ng nanliligaw sa akin si Lorenzo. Ewan ko nga bat nandito siya ngayon sa Maynila.
"Sige na sumakay ka na." binuksan niya ang pinto para sa akin.

"Pero mababasa ang kotse mo."
"Ano ka ba maliit na bagay lang yan."Pumasok na ako agad sa kotse niya. Hindi na ako mahihiya pa kailangan ko na talagang makita si Kai.

"Heto.. magpunas ka."binigyan niya ako ng tuwalya.
"Salamat "
"Nga pala pauwi ka na ba"
"Hindi.. pwede bang ihatid mo ako sa Kalye Trese.."
"Kalye Trese.. yun ba yung iniisip ko?"
"Wala ng ibang Kalye Trese Renz.. kaya please pakibilisan naman o."
"Walang problema."sabi niya sabay ngiti.

Habang nasa loob ng sasakyan hindi ko maisip kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko. May mali e. Kinakabahan ako. May kung ano sa kaloob loban ko na parang nakakahina. Nilalagnat naba ako?

Hinawakan ko ang noo at leeg ko. Hindi naman. Kung ganun bakit? May masamang mangyayari ba? Si Kai?? Hindi imposible.. iba yung nakita ko. Nasa kakahuyan yun tapos hindi umuulan.

"Dun!! ibaba mo nalang ako dun!" sabi ko sabay turo sa isang eskinita.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong niya ulit ng makaparking na siya.
"Oo tiyaka salamat." sabi ko nalang at binuksan ang pinto tiyaka bumaba.

"Teka!!! Nila!! Magpayong ka!! Hui!!" hindi ko na siya nilingun pa at diritso na sa pagtakbo papunta sa bahay nila. Nakasara ang gate.

"Kai!! Kai!!!" walang tao. Nasan ba siya? Niyugyug ko ang gate baka may makarinig ng ingay.

"Kai!!! nandiyan ka ba? Kai!!!"
"Ui.. sino bang hinahanap mo dito? Parang wala namang nakatira ah."

"Kai!!" sigaw ko at sumilip sa kabila.
"Hui.. magpayong ka man lang baka magkasakit ka.."
"Sala....Renz??"
"Bakit??" tanong niya. Yung kamay niya.

"Kailan ka nagkatatoo sa kamay?"
"Ah ito?? pinasadya ko yan dahil sa napaso nung nakaraang buwan ang kamay ko kaya ganya. Atleast natatakpan." yan.. yan yung nakita ko. Pero hindi ko maintindihan. Hindi ko maalalang si Lorenzo yun. Hindi.. hindi siya yun. Pero bakit may tatoo siyang ganyan? kahawig talaga.. yung paano pinadikit sa kamay niya ganyan talaga.

"May kilala kabang Kael Alfonzo?"

"Kael Alfonzo? wala naman.. pero familiar siya ha." tumakbo na ako paalis..

"Kai!!!" siguro naman nasa malapit lang siya ngayon.
"Kai!!! nasan ka ba?!" malakas ang pakiramdam ko.. si Lorenzo yun... siya yun.

"Hui!! Nila!!"

"Kai!!! Please asan ka na ba?"

"Nila hintay!!"

Nasa may highway na kami. Nasan ka na ba Kai? Lumalakas na naman ang buhos ng ulan. Nahihilo na ako....

"Kai!!!" please...

"Kai??" siya yun.. nasa kabila siya ng daan. Kai.. bat ngayon ka lang? Hindi ko maisip kung bakit pero naluluha na ako.

"Nila!! naman o bat ka ba tumatakbo. Hui!" sabi ni Lorenzo ng mahabol niya ako.
"Hui bat kaba umiiyak??"

Nagkatitigan lang kami ni Kai. Mayamaya pay ngumit na siya. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin. Tama.. tama... Kai bumalik kana sa akin. Na miss talaga kita.. sobra.

Nang nasa gitna na siya ng highway isang d inaasahan ang dumating.. napatigil siya sa gitna at nagulat. Isang humaharurot na sasakyan ng mineral water ng parating.

Bat ba siya huminto? Ano bang iniisip niya? Paramg huminto ang oras... parang ko lang ang nakakagalaw. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papalapit sa kanya ng mailigtas ko siya.

Nilakasan ko ang loob ko at tinulak ko siya ng... bat ganun?

Nabigla siya sa ginawa ko. Kai?? Bat di kita maitulak.. bat... bat... bat ka tumagos?? Sa tingin ko huminto talaga ang oras... sa tingin ko ito na ang pinakamahabang oras na nagkatitigan kami. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.. wala... wala..

"Beeeeeep!!!!"

"Nilaaaa!!!"

Hindi ko maramdaman ang sakit... nakahilatay na  ako sa gilid ng daan... kahit hindi ko man lang maigalaw ang kamay ko kahit daliri ko nakikita ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Kai?? Bat... ganun?? Kai...

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon